KABANATA TATSAMPU'T APAT
Ngayon ang *date* ko kay Theodore. Si Instagram Theo at ako, nag-uusap na for two weeks tapos nag-decide na magkita na today for a *date*. Super excited ako na mag-*date* with Theodore. Hindi ginagawa ng mga werewolves 'tong ganito, kaya super excited ako for my *date* kay Theo tonight. Malapit na ako matapos mag-ayos sa bahay ni Charlotte. Gusto namin na mas magmukhang totoo, kaya naman,
Si Theo ang susundo sa akin sa bahay ni Charlotte instead na sa bahay namin. Nagsuot ako ng hikaw ko pagkatapos ni Chloe ayusin ang buhok ko. Pareho gusto ni Charlotte at Chloe na subukan na makipag-*date* sa mga *mate* nila. Pareho sila ng iniisip ko, isang paraan para ma-experience ang mga bagong bagay with your *mate*.
"Nasa labas na ako," *text* sa akin ni Theo sa Instagram.
"Baba na ako in a sec," reply ko naman.
Chineck ko ang sarili ko sa salamin for one last time bago lumabas ng kwarto ni Charlotte. Nakakatawa talaga ang huling beses na nandito kami ni Theo. Napilitan akong umalis. This time around, hindi na ako makapaghintay na lumabas at makita siya.
Binuksan ko ang pintuan, at sa harap ko ang pinakagwapo na lalaki na nakatapak sa mundo na may magandang *bouquet* ng bulaklak sa kanyang mga kamay.
"Para sa'yo, *my mate*," sabi ni Theo, sabay abot sa akin ng mga bulaklak. Suot niya ang navy blue na *suit* na bagay na bagay sa kanyang katawan. Isa siyang *sexy* na lalaki.
"Thank you," sabi ko, kinuha ang mga bulaklak mula sa kanyang mga kamay at inamoy. Ang bango nila. Ang laman ng *bouquet* ay peonies, rosas, at orchids.
"You look beautiful," sabi ni Theo, nakatingin sa akin na may pagmamahal sa kanyang mga mata at medyo may pagnanasa. Nakasuot ako ng puting *bodycon dress* na may *boat neck* at *puff sleeves*.
"Thank you ulit, at hindi ka rin naman pangit," sabi ko, habang nakangiti.
"Kailangan kong magbihis para magpa-impress," Sabi niya, kinindatan niya ako. Ngumiti lang ako at umiling sa kanya at lumabas ng bahay para makaalis na kami.
Nagmaneho kami for a few minutes bago huminto ang sasakyan. Lumabas ako sa sasakyan gamit ang kamay ni Theo na kanyang inaalok. Inaasahan ko na nasa harap kami ng isang *restaurant*, pero sa halip, nasa harap kami ng gubat. Tumingin ako kay Theo, nagtataka kung bakit kami nandito sa halip na sa *restaurant* na sinabi ko sa kanya na paborito ko. Ngumiti lang sa akin si Theo habang pinapanood niya ang mga mata ko na nagtatanong sa kanya. Dinala niya kami sa gubat, at lahat ay madilim. Ang tanging ilaw ay ang buwan na hindi masyadong nakakatulong. Akala ko gagamitin ko ang mga mata ko bilang werewolf para makakita, nang biglang nagpakita ang mga ilaw sa lahat ng lugar.
Tumingala ako sa puno at nakita ko ang mga ilaw na nakasabit sa kanila, hindi lang sa mga puno. Mga ilaw din silang nagdudugtong sa mga puno. Naglakad kami sa daanan ng mga ilaw at huminto nang dumating kami sa isang magandang hapunan. Mas marami pang ilaw sa paligid ng mesa at nasa hugis ng puso. Nakaramdam ako ng luha na nabuo sa aking mga mata habang tinatanggap ko ang magandang tanawin sa harap ko.
"Ang ganda nito, Theo," sabi ko, habang nakangiti.
"Natutuwa ako na gusto mo," sabi ni Theo, habang hinihila niya ang upuan para sa akin
"Thank you," sabi ko, habang nakaupo. "Paano mo naisip na gawin 'to," tanong ko habang tumitingin sa paligid ko. Sa kaliwa ko ang isa sa mga *chef* ng pack na nagluluto, malamang ang hapunan namin. Puno ng mga ilaw ang lahat.
"Instagram"
"Instagram," sabi ko, nagulat, "Akala ko ginagamit mo lang siya para makausap ako."
"Ginawa ko naman hanggang sa natisod ako sa isang pahina na nagbibigay sa'yo ng mga suhestiyon kung saan pupunta para sa isang *date* at kung paano ito gawing espesyal."
"Oh,"
"Oo," sabi ni Theo at binigyan ng senyales ang isang tao sa likod ko. Narinig ang musika sa background pagkatapos niyang ibaba ang kanyang kamay. Lumingon ako para makita na kumuha si Theo ng *live band*. Hindi ko inisip na ang *human date* na ito ay maaaring maging mas perpekto, pero nangyari nga. Ang kantang tinutugtog ng banda ay isa sa mga paborito kong *human* na kanta. Matanda na ito, *careless whisper*.
Nagkaroon kami ni Theo ng magandang oras noong *date* namin. Mas nakilala ko si Theo, at ang mga bagay na natuklasan ko tungkol sa kanya ay hindi ko aakalaing tungkol kay Theo. Mahilig siya sa pagkain na nagulat ako dahil napaka-fit niya at lagi niya akong pinagtatawanan na sobra akong kumain. Nalaman ko rin na gusto niya ang mga *human movies*. Karamihan sa mga gusto ng mga lalaki, pero palagi kong inakala na kinamumuhian niya ang lahat ng may kinalaman sa *human*.
Kinuwento ko sa kanya ang pangarap kong maging isang reporter, at ang sagot niya rito ay nakakagulat. Akala ko sasabihin niyang kahangalan para sa isang werewolf na magkaroon ng ganoong pangarap, pero hindi. Sinabi pa nga niya sa akin na kung gusto kong bumalik sa paaralan, ipaalam ko sa kanya. Natigilan ako pero natuwa na pumayag siyang payagan akong ituloy ang aking pangarap. Kumuha kami ng mga litrato na magkasama at nag-post sa Instagram.
Tumayo ako sa tabi ni Theo habang nagpapaalam kami kay Nanay. Paalis na siya at babalik sa dati kong pack.
"Kailangan mo ba talagang umalis?" tanong ko, habang hawak ko ang kanyang kamay.
"Oo, kailangan ko. Alam mo naman kung gaano ko gusto na may sarili akong espasyo," sabi ni Nanay,
"Pwede ka namang magkaroon ng sarili mong bahay dito rin. Sigurado ako kung hihilingin ko kay Theo na gumawa ng isa para sa'yo, gagawin niya, 'di ba Theo," sabi ko, na lumingon kay Theo, na tumango sa akin.
"Alam kong gagawin niya, pero sanay na ako sa lumang bahay. Nandoon lang 'yon kung hindi ako nakatira doon."
"Sana talaga pwede kang manatili."
"Alam ko, anak, at ipinapangako kong dadalaw kapag biniyayaan mo ako ng mga apo," sabi ni Nanay, at ang aking mga pisngi ay naging pula na parang beet. Kami ni Theo ay maaaring hindi pa nagkaka-mate, pero nakakahiya pa rin na marinig ang aking nanay na nag-uusap tungkol sa mga apo.
"Dadadalaw rin ako sa'yo."
"Maganda 'yan, paalam anak, mahal kita," Sabi niya, habang niyayakap ako
"Paalam nanay, mahal din kita," sabi ko, habang niyayakap ko siya pabalik. Nang pakawalan ko siya, naglakad siya papunta sa kotse na inorder niya para makasakay pabalik sa dati kong pack. Kamangha-mangha sana kung nandiyan siya sa paligid, pero naiintindihan ko kung bakit ayaw niyang manatili. Umalis din si Ekaterina ilang araw na ang nakalipas. Hinintay niya si Theo na magising bago siya umalis.
"Huwag kang mag-alala, madalas naming dadalawin siya," sabi ni Theo, habang nakayakap ang kanyang mga braso sa akin. Hinalikan niya ang aking noo at dinala kami pabalik sa bahay.