38- Mag-ingat
’Parang may spark na naman, e. Parang… maganda.’
Tapos nanatili kami na ganyan hanggang sa dumating yung doktor, tiningnan ako tapos binigyan ako ng gamot. Sabi niya matulog na daw ako at umalis na siya pagkatapos magbigay ng mga bilin.
“Matulog ka na.” Sabi ni Sebastian, nilagay niya yung kumot sa akin tapos akmang aalis na pero hinawakan ko yung shirt niya.
“Nag-day off ka para sa akin kaya dapat dito ka lang.” Sabi ko habang naka-pout, hinila ko yung shirt niya na parang bata, naiinitan ako at ayaw kong iwan niya ako mag-isa sa kwartong ito.
“Akala ko sinabi mo na umalis na ako.” Ngumisi siya, humarap siya sa akin pero sumimangot ako, hinila ko pa lalo yung shirt niya.
“Ngayon naman sinasabi kong manatili ka. Hawakan mo yung kamay ko hanggang sa makatulog ako.” Utos ko, tinakpan ko yung kalahati ng mukha ko ng duvet, nilahad ko yung kamay ko sa kanya.
“Hindi ko maalala na ikaw yung nag-uutos.” Sabi niya ng pabiro, umupo siya sa tabi ko, hinawakan niya yung kamay ko. Hinigpitan ko yung pagkakahawak ko at pumikit ako.
Paghawak ko sa kamay niya, bumilis yung paghinga ko, nararamdaman ko na umiinit yung pisngi ko kapag hinahawakan niya ako, yung init na nawala sa akin, bumalik ng sobrang lakas.
Akala ko nawala ko na yung pakiramdam na ‘to sa kanya matagal na. Pero, ngayon, gusto ko na maging ganun siya ulit pero duda ako. Kapag nagpatuloy ako na guluhin yung isip niya, hindi niya na ako tatantanan.
Nagbabala na siya sa akin, Kapag nagpatuloy pa ‘to, baka may gawin siyang hindi ko inaasahan sa akin- Hindi, hindi, wag mong isipin ‘yun, Eileen. Mag-exist ka na lang sa moment na ‘to.
‘Nagiging tao si Sebastian ngayon. Tanggapin mo yung kabaitan na ipinapakita ng Kamahalan ngayon at mag-relax ka.’ Sa isip-isip ko, kinurot ko yung duvet at yung kamay niya ng mahigpit bago ako nakatulog.
Nagising ako makalipas ang ilang oras, gumana yung gamot, bumaba na yung lagnat ko at napagtanto ko na hindi na kamay ni Sebastian yung hawak ko kundi yung mas pamilyar at protective.
Minulat ko yung mga mata ko ng nag-aantok, nakita ko si Papa doon, hawak niya yung kamay ko habang ginagamit niya yung phone niya na nagpa-ngiti sa akin kaya hinila ko yung kamay niya.
“Eileen?” Tawag niya, inilayo niya yung phone niya at humarap sa akin, ngumiti rin, nilahad niya yung kamay niya.
“Papa!” Nagniningning yung mga mata ko, niyakap ko siya agad, ngumiti ng malawak, tinago ko yung mukha ko sa dibdib niya, namimiss ko yung braso niya na dating nagpoprotekta sa akin mula sa lahat ng masamang nangyayari sa mundo.
Tatay ko na hindi hinahayaang may sakit na dumadapo sa akin, na nagbigay sa akin ng lahat ng yaman sa mundong ito, ang bayani ko. Pero nakakalungkot, hindi ako nailigtas ng bayani ko mula sa asawa ko…
“Oh, Mahal ko, okay ka lang ba?” Tanong niya, hinalikan niya yung ulo ko, hinawakan niya yung mukha ko, ginulo niya yung buhok ko.
“Mhm…” Tumango ako, tumulo yung luha sa mga mata ko, niyakap ko siya ng mahigpit.
“Andito na ako ngayon. Hindi ka na kailangang umiyak, okay?” Bulong niya, pinunasan niya yung luha sa gilid ng mata ko pero iniyuko ko yung ulo ko, patuloy kong niyayakap siya.
“Magiging okay din ang lahat. Magiging maayos ka.” Yun yung hindi ko kaya.
Hindi na ako gusto na matakot pa. Ayaw ko nang mabuhay sa lugar na kailangan kong katakutan ang bawat segundo. Gusto ko lang bumalik yung normal kong buhay.
Gusto ko lang ng normal na buhay may asawa, hindi yung kumplikadong serye ng emosyon.
“Huwag mo akong iwan, Papa.” Bulong ko, ipinikit ko yung mga mata ko, bumabalik yung luha sa mga mata ko. Ayaw ko na iwan niya ako.
“Hindi ako aalis kahit saan, Mahal ko.” Bulong niya, hinalikan niya yung ulo ko, lumayo siya habang nakahiga ako tapos nilagay niya yung duvet sa akin, hinahaplos niya yung buhok ko.
“Eileen…” Tawag niya sa akin na nag-aalinlangan pagkatapos niya akong nakita na parang umiiyak.
“Opo, Papa?” Tanong ko, uminom ako ng tubig para lunukin yung bukol sa lalamunan ko at maayos ko yung aking postura.
“Okay lang ba ang lahat sa inyo ni Sebastian?” Tanong niya na nag-aalinlangan, hinahaplos niya ako ng may pagmamahal pero yung tanong niya nagpatigas sa akin. Napakislot ako, sinubukan kong hindi ipahalata sa kanya pero sa kasamaang palad, nagawa ko.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko, tumingin ako sa kanya na inosente, umaasa na maitatago ko yung ekspresyon ko pero hindi ko kaya.
“Mahal, napapansin ko na matagal na mula nung insidente ni Rick, nagbago na yung ugali mo. Hinihintay ko na sabihin mo sa akin pero dahil hindi mo sinabi, sa tingin ko dapat akong magtanong.” Nagbuntong hininga siya, sinabi niya sa akin, nadagdagan yung pag-aalala ko. Akala ko hindi niya mapapansin pero nagkamali ako.
“H-hindi ko maintindihan.” Nauutal ako, pinulupot ko yung mga daliri sa paa ko.
Ayaw kong sabihin yung kahit anong bagay na pwedeng lumikha ng gulo dito. Pero, gusto kong sabihin sa kanya kung sino talaga si Sebastian. May karapatan silang malaman.
“Sa una, akala ko dahil sa insidente o dahil kakasal ka lang at kailangan mo ng oras para mag-adjust sa bagong buhay pero ngayon sa tingin ko may malalim na dahilan.” Sinimulan niya sabihin ng mahinahon, hinawakan niya yung kamay ko, gusto niyang sabihin ko sa kanya.
“Papa…” Tawag ko sa kanya ng basag yung tono ko, idinikit ko yung mga ngipin ko para hindi masabi yung dapat sabihin. Bakit hindi ako makapag-react? Bakit hindi ako makapagsinungaling? Gaano kahirap magsintungaling?
“Eileen, ikaw lang ang nag-iisa kong anak. Pinalaki kita ng may pagmamahal at pag-aaruga. Kung sino man, kahit si Sebastian, ang manakit sa ‘yo, hindi ko kakayanin.” Bulong niya, pinakipot niya yung mga mata niya ng may awa, sinusubukan niyang makuha yung katotohanan na hindi ko sinasabi.
“Nag-iisip ka lang, Papa, Hindi ganito yung nangyayari.” Tumawa ako ng nerbiyoso, umupo ako at inilayo ko yung kamay ko. Pilit akong ngumiti na nanginginig, umiwas ako ng tingin, sinusubukan kong gawin yung pag-arte na itinuro sa akin ni Sebastian.
Pero lalo lang lumalim yung simangot ni Papa, “Sa tingin mo hindi ko malalaman kung nagsisinungaling ka o hindi? Sabihin mo sa akin, paano ka niya tinatrato? Kung may ginagawa siyang mali, sabihin mo sa akin. Nag-aalala ako sa ‘yo, Mahal.” Sabi niya na desperado, hindi matagalan na nakikita akong ganito.
Lumunok ako ng malalim, niyakap ko yung tuhod ko, nag-aalala sa aking mga kilos, “Papa-“
Binuksan ko yung bibig ko para magsalita pero bumukas yung pinto at pumasok si Sebastian na nagpa-hininga ako ng hindi marinig at napansin ni Papa yung takot na sumakop sa mukha ko noong dumating siya.
“Mr. Lior, handa na ang kwarto mo.” Sabi ni Sebastian ng walang emosyon, ibinaling niya yung tingin niya sa mga mata ko na natatakot, nagtataka kung bakit ako natatakot kahit wala pa siyang ginagawa.
“Ano?” Tanong niya, itinaas niya yung kilay niya sa akin.
“W-Wala. Nagulat lang ako sa bigla mong pagdating.” Bulong ko, niyakap ko yung tuhod ko ng mahigpit. Bumilis yung tibok ng puso ko sa takot.
Kung nakita ako ni Sebastian na sinabi ko kay Papa ang kahit ano, baka isara niya ako sa mga magulang ko ng tuluyan tapos wala na akong matitira.
Ang isipin pa lang na ‘yun nagpadala ng panginginig sa gulugod ko.
“Mag-ingat ka, magandang gabi.” Ngumiti si Papa, hinalikan niya yung ulo ko, lumayo siya sa akin, pumunta sa kwarto niya.
Pagkaalis ni Papa, kami na lang ang natira sa kwarto. Isinara ni Sebastian yung pinto at lumapit, “Kumusta ka na?” Tanong niya ng walang pakialam.
“Okay lang…” Bulong ko, hindi ko kayang itaas yung tingin ko kahit ano, medyo nanginginig ako. Ayaw ko na matakot pa siya sa akin, nasusuka na ako sa bangungot na ito.
“Anong nangyari? Nilalamig ka ba?” Tanong niya, dumapa siya sa kanyang gilid sa kanyang siko, kinunot niya yung kilay niya, pinagmamasdan niya ako.
“A-ayos lang ako.”
“Hindi, hindi ka okay. Bakit ka pa nakaupo? Humiga ka na lang at magpahinga.” Saway niya, sumimangot siya dahil wala akong sinasabi at humiga na lang ako, hinawakan ko ng mahigpit yung duvet noong lumapit siya.
Napansin niya yung pag-aalala ko at huminto sa gitna, tumingin siya sa akin na may misteryosong ekspresyon sa loob ng isang segundo na may silaw ng sakit pero may ibang bagay pa na hindi ko maintindihan.
“Eileen…” Tawag niya sa akin ng mahina, parang bulong yung boses niya.
“Hmm?”
“Wala.” Huminga siya, bumalik siya sa gilid niya, tinakpan niya yung mukha niya gamit ang kamay niya. Walang karagdagang pag-uusap, parehas kaming natulog.