47- Kapangyarihan
‘Yung pader ng mundo na gawa-gawa lang niya, na tinatawag niyang bangin, nagsimulang umuga.”
Gising ako kinabukasan, nakapatong yung ulo ko sa ulo niya, nakatingala sa kanya, mahimbing na natutulog, nakayakap sa akin, hawak-hawak ako na parang pinoprotektahan.
‘Kausapin mo ako kahit minsan lang, at makakalimutan ko lahat.’
‘Yun yung ginawa niya sa akin. Bago siya dumating, nawala lahat. Katawan ko, isip ko, mga salita ko, nawalan ng kontrol.
Pagkamulat ng mga mata ko, nakita ko yung napakagandang mukha niya, mas malapit sa akin, napayuko ako sa hiya. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kagabi, kung paano nagkaron ng koneksyon ang mga bagay-bagay sa isang iglap.
Natutulog siya at ayoko siyang gisingin pero alam ko na si Sebastian, light sleeper siya na magigising kapag gumalaw ako.
Pero, bumangon ako at nag-ayos, bumaba sa hagdan kung saan nandoon pa rin si Ruben at yung kaibigan niya at hindi ako sanay na may mga tao sa bahay namin.
“Uy, Hi, Magandang Umaga.” Ngumiti silang dalawa, kumaway sa akin, ngumiti ako pabalik at kumaway, lumapit sa kanya.
“Ruben, napag-isipan ko yung mga sinabi mo. De, hindi yung sayo, kay Sebastian. Sa tingin ko gusto kong sumunod na lang at sumabay sa agos para makita kung saan ako dadalhin.”
Mamatay ako. Tumahimik ka. Tumahimik ka. Tumahimik ka.
Sinabi ko kay Ruben ng mahigpit, nakacross-arms na nagpagulat sa kanila. Hindi nila inaasahan 'to mula sa akin. Ako rin naman pero kailan pa ba nakikinig ang emosyon sa'yo?
“Pero, ayoko ng pakikialam mo o ng kaibigan mo sa buhay namin.” Dagdag ko, sinamaan ko ng tingin si Asad na handang makinig sa kwento ko na parang drama ko na lang na ine-enjoy niya.
“Maniniwala ka man o hindi, kailangan mo ako. Kailangan mo ako para matulungan ka.” Tumawa si Asad, ngumisi sa hindi ko nagustuhan na reaksyon pero naguluhan lang ako dahil nagkaroon ako ng maling ideya sa kanya sa isip ko sa sandaling ito.
“Tama siya, Eileen, kailangan mo kami. Hindi ka uusad sa puntong ito. Kailangan ni Sebastian ng tulong para maging malawak pa siya.” Dagdag din ni Ruben pero ayaw kong marinig 'to kay Ruben.
“Bakit ko kayo kailangan kung wala kayo para sa sarili mong Kapatid, Ruben? Hindi ka pwedeng sumulpot na lang bigla at angkinin yung tinatawag mong pagmamahal bilang magkapatid.” Tinukso ko si Ruben, sinusubukang huwag pansinin ang mga sinabi ni Asad, nakacross-arms, tinutukso siya.
“Sunog.” Tumawa si Asad, na nakakainis kaming dalawa pero hindi ko pinansin.
“Ako yung nakatira kasama siya, hindi ikaw, hindi yung mga magulang mo. Nakatira ako kasama siya, naghahati sa iisang bubong, iisang kwarto, iisang kama kasama siya.” Nagpatuloy ako, nangingiti mula sa isang gilid, pinupunasan yung mga ngiti nila dahil totoo naman. Ako yung humarap sa lahat.
“Kilala ko siya ng mas mabuti kaysa sa inyo.” Sinabi ko ng matatag, alam ko na totoo 'to. Kung hindi nila alam na hindi naririnig ni Sebastian ang kahit ano, paano pa nila malalaman ang mas marami? Wala silang alam.
“Natagalan ka pa bago mo narealize ang kapangyarihan mo, yung awtoridad na hawak mo, My Lady.” Nagsalita si Asad mula sa likod, malinaw na ine-enjoy 'to at mas lalo akong naiinis sa kanyang walang pakialam.
“May sinabi ba si Sebastian?” Tanong ni Ruben, nagulat sa hindi inaasahang pagpapakita ko ng panunuya.
“Syempre. Sino pa ba?” Sumimangot ako, bumuntong hininga, kinurot yung ilong ko.
“So gusto mong ayusin?” Tanong ni Asad na parang walang pakialam, lumalaki yung ngisi niya. Interesado at na-intriga siya.
“Gusto kong umamin si Sebastian.” Bulong ko ng tapat.
Pagkatapos ng kagabi, gusto kong magsalita si Sebastian ng hayagan. Kung ano ang nararamdaman niya para sa akin, gusto kong buksan niya ang kanyang puso at emosyon ng buong puso sa akin.
Gusto ko talagang umamin siya…
“Baka kailangan mo ako para tumulong diyan.” Dagdag ni Asad, itinaas ang kamay niya para makuha ang atensyon ko dahil napansin niya yung laging pagkunot ng noo ko sa kanya.
“Oo nga, galit siya sa kanya at yung pagkakaibigan mo lang sa kanya ang makakapag-realize sa kanya. Takot siyang mawala ka at ang makita ka kasama niya ay hahantong sa kanya sa bingit.” Dagdag ni Ruben, ngumingisi na sumusulyap mula sa kanyang balikat, tinuturo si Asad.
At pagkatapos ay naalaala ko yung sinabi ni Sebastian kagabi tungkol sa kanya. Narealize ko na tama siya, malinaw kong nakita yung hindi kasiyahan ni Sebastian sa kanya.
“Kung hindi, ang lalaki mo ay sobrang matigas ang ulo, hindi niya kailanman tatanggapin na mahal ka niya.” Sinabi ni Asad ang katotohanan at isang katotohanan. Sa unang pagkakataon na nagsasalita ng tama at hindi nagbibiro tungkol dito.
“Alam ko rin 'yan.” Bulong ko, nakacross-arms at napairap pero may isa pang malalim na boses na sumali sa amin.
“Alam ang ano?” Paglingon ko, nakita ko si Sebastian na bumababa sa hagdan, itinutulak yung mga buhok na nahuhulog sa mukha niya, pinapalabas yung kagandahan niya.
“Na nakakainis kang kasama.” Inilipat ko yung titig ko mula kay Asad kay Sebastian na sumimangot sa sinabi ko habang nagulat si Ruben.
“Ingatan mo ang dila mo.” Nagbabala si Sebastian at sinabi ko sa kanya yung nakalimutan kong ipaalam sa kanya kagabi.
“At mas mabuting humingi ka ng tawad sa mga magulang ko at sa kaibigan ko dahil sa pinsalang nagawa mo. Kasalanan mo na gumawa ng padalos-dalos na aksyon.” Sinabi ko sa kanya ng mahigpit dahil 'yun ang hinihingi ng mga magulang ko para maayos yung mga bagay-bagay at magpatuloy.
Black Death, ang pinuno, humihingi ng tawad sa kanyang maling aksyon.
“Hindi.” Lumalim yung kunot ng noo niya, huminto sa harap ko, mahigpit na tumanggi na sumama.
“Oo, gagawin mo.” Sinabi ko ng matatag, nakacross-arms, hinihiling sa kanya na sumama pero tinawanan niya ako at ikinaway ang kanyang kamay sa harap ko para kibitin ang bagay na ito at huwag pansinin ako.
“Talagang hindi. Bakit 'ako' hihingi ng tawad?”
Lumingon siya para umalis, naglalakad patungo sa dining hall para mag-almusal pero ngumisi ako, tinutukso siya pero parang peke. Gusto kong subukan ang kapangyarihang hawak ko. Gusto kong makita kung gagana o hindi.
“Ito ang unang bagay na hiningi ko sa'yo at tumatanggi ka? Kung gayon sinasabi mo na ako ang iyong espesyal, nagsisinungaling ka ba? Hindi ba mahalaga sa'yo ang mga salita ko?” Tanong ko, sinusubukang magkunwaring malungkot pero malinaw na nagpanggap ako pero nagawa nitong huminto si Sebastian sa kanyang mga hakbang.
“Huwag mong gamitin ang mga salita ko laban sa akin.” Nagbabala siya, hindi niya gusto na sinasamantala ko ang kanyang mga salita pero nagpatuloy akong umarte.
“Hihingi ka ba ng tawad sa pamilya ko o hindi?” Tanong ko, kinunot ang kilay ko, nilalabas ang mga labi ko pababa kung alam kong mukha akong masama.
Binigyan ako ni Sebastian ng kakaibang tingin at nagpatuloy ako, “Hindi mo ba kayang gawin 'to para sa akin?” Tanong ko ulit pero bumuntong hininga siya, natalo sa aking kahilingan, inilagay ang kanyang kamay sa hangin.
“Sige, gagawin ko. Huwag mo na akong istorbohin ngayon.”
Sa wakas tinanggap niya na naging dahilan ng pagngiti ko sa tagumpay pero sumimangot lang siya sa hindi kasiyahan. Hindi niya gusto na sinasamantala ko ang pagbibigay niya at umalis na.