44- Nalulumbay
'Binago niyo ng sobra yung takbo ng relasyon natin. "
Di ko alam kung sino siya o anong nangyari, ang nasa isip ko lang ay tumakas at wag magpakita kay Sebastian. Kahit man lang hindi pa siya nakakabawi sa sarili niya at marealize kung ano yung ginawa niya.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko, naupo sa kama, tinakpan yung bibig ko, pumikit para hindi na umiyak o tumulo yung luha para sa lalaking hindi naman karapat-dapat.
Ginulo niya yung buhay ko, ayoko na siyang makasama, parang nagkalat na lahat.
Baliw siya at kung nagawa niya 'to ngayon, mas lalo pang lalala 'to sa susunod. Ninakaw niya lahat ng dahilan para umasa ako.
"Eileen…" Napahinga ako nang bukas yung pinto at pumasok si Ruben, unang pagkikita namin 'to at pinakamasama pa.
Mas kamukha niya si Sebastian sa totoong buhay kesa sa mga litrato.
"Hoy, hoy, okay lang. Walang mananakit sayo…" Bulong niya ng mahina. Mukha siyang si Sebastian pero buti na lang hindi siya katulad niya. Lumapit siya, sinubukan niya akong pakalmahin.
"S-Sebastian?" Tanong ko, pinupunasan yung mata ko para matanggal yung luha, hawak ko yung laylayan ng damit ko, nanginginig sa takot na isipin kung anong gagawin niya sa akin kung hindi pa sila dumating para iligtas ako.
"Hindi na." Bulong niya, lumapit. Ngumiti siya, tinapos yung sinabi niya, "Kasi natatakot na siya."
"Ano?" Nagulat ako sa sagot niya, sinimangutan ko siya, humihikbi para pigilan yung sarili ko at bigyang pansin yung di inaasahang salita niya, "Natatakot?"
Tumango siya, tumayo sa harap ko, "Nanginginig siya sa takot dahil nagawa niyang itaas yung kamay niya laban sayo." Bulong niya, sinasabi sa akin kung ano yung hindi ko kayang isipin.
"Bakit… gagawin niya yun?" Bulong ko, binaba yung tingin ko, hawak yung braso ko, kinakagat yung labi ko, ayaw maniwala. Isa siyang grupo ng kawalang puso, ako at yung nararamdaman ko ay walang kwenta sa kanya.
Tumawa si Ruben, humakbang palapit, lumuhod sa harap ko na sinasabi kung ano yung tumigil na ako sa pagiisip noon pa.
"Kasi yung kapatid ko ay nahulog na sa pag-ibig, Bobo."
Tumigas yung ekspresyon ng mukha ko, iniling yung ulo ko, yung pagkarinig ko nito ay nagpatikom lang sa puso ko, "Wag kang magbiro."
Kung mahal niya ako bakit hindi siya nakinig sa akin? Bakit hindi ako narating ng boses ko noong umiiyak ako ng husto?
Hindi ako makapaniwala sa mga walang kwentang salita na yun. Lahat ay parang kasinungalingan na sa puntong 'to.
"Hindi yun totoo. Binaril niya yung kaibigan ko. May pinatay siya, tinakot niya ako, isa siyang halimaw. Hindi siya makakapag-mahal sa kahit sino." Ungol ko. Sa lahat ng paraan, si Sebastian at ang pagmamahal sa isang tao ay hindi kasama sa isang pangungusap. Hindi kayang magmahal ng sinuman ng lalaking yun.
"Yun din yung pinaniwalaan ko. Akala ko hindi siya magbabago pero sumama ka sa akin." Huminga siya ng malalim, tumayo, sinenyasan ako na sumunod sa kanya.
Nag-aatubili ako pero sinundan ko siya, kinakabahan kung ano yung gusto niyang ipakita sa akin dahil wala akong balak na harapin si Sebastian sa ngayon.
dinala niya ako malapit sa railing kung saan nakatayo si Sebastian at yung lalaking si Asad.
"Tignan mo yung mukha at kamay niya. At alam mo ba? Hindi ko pa siya nakita ng ganito." Bulong niya at napansin ko rin. Nakayuko siya, nanginginig yung kaliwang kamay niya pero-
Bakit hindi ito nanginig noong itinaas niya ito? Bakit hindi siya nanginig noong sinaktan niya ako?
'Hindi nagpapatunay ng kahit ano itong pagkakita. Dapat kinontrol niya yung sarili niya sa umpisa pa lang." Bulong ko, niyakap yung sarili ko, ayaw ko man lang siyang tignan. Ang makita siya ay sumisira sa puso ko.
"Nalasing mo siya. Sa lahat ng bagay, yung kapatid ko ay hindi yung nagbibigay sa nararamdaman. Yung pag-iisip na mawawala ka sa kanya ay nagbulag sa kanya. Sinubukan mo siyang iwan, hindi ba?" Sabi niya, umatras, sinenyasan ako na sumama sa kanya pero yung pagbibigay katwiran niya ay hindi makakabawi sa pinsalang nagawa niya.
Di ko siya bibigyan ng pagkakataon hangga't hindi niya ako nagmamakaawa sa tuhod niya para sa isa.
"Hindi ko… gusto siya sa buhay ko…" Huminga ako, bumalik sa kwarto ko, umiinom ng tubig para kontrolin yung sakit at hindi isipin siya.
"Maiintindihan ko. Isa siyang problemadong kaibigan, imposibleng kontrolin pero maniwala ka sa akin, tama si Mama. Ikaw yung exception niya." Ngumiti siya, sinusubukang ipaintindi ako ng mahinahon, umaasa na matutulungan ko yung Kapatid niya pero ayaw ko. Grabe, bakit ko gagawin?
'Sinabi niya rin yun- Nagsinungaling siya. Sinungaling siya, hindi talaga siya magbabago." Bulong ko, pumikit, nginugutan yung ngipin ko habang nakaupo ako.
'Eileen, please. Kailangan ka ni Sebastian, maniwala ka sa akin, nagbago siya ng sobra. Yung lalaking nakita ko ngayon ay hindi yung Sebastian na kilala ng mundo. Ninakaw mo yung pagkatao niya. Nagawa mo yung hindi naming nagawa." Bulong niya ng desperado, nabasag yung boses niya, nagmamakaawa para sa kapatid niya.
"Please tigilan mo lang. Distorbo na ako. Ayaw ko na ng kahit anong konektado sa kanya. Tigilan mo na, Ruben." Ungol ko, sumenyas sa kanya na itigil yung kalokohan na ito bago ko pa mawala yung isip ko dahil wala na akong magagawa ngayon.
Binasag niya yung paniniwalang nilagay ko.
Pano ko siya mamahalin kung yung pagmamahal ko sa kanya ay kahihiyan ko?
"Eileen, please. Ikaw lang yung tao na makakatulong sa kanya. Kailangan ka niya, maniwala ka sa akin, hindi niya sinasadya. Ibibigay ko yung salita ko na hindi niya gagawin pero please, tulungan mo si Sebastian." Nagmamakaawa si Ruben, pinagkakabit niya yung daliri niya, humihiling sa akin na maglaan ng kaunting kaalaman sa kondisyon niya.
"So ano?! Wala akong pakialam! Wala akong intensyon na takutin yung sarili ko para tulungan yung lalaking walang pag-asa!" Sigaw ko, nawawala yung isip ko, hindi pa man ako nagiging komportable sa kung anong bangungot yung dinala niya sa bahay ko, tinrauma niya ako ng sapat, ayaw ko ng marinig pa.
"Nagmamakaawa ako, Eileen, please tulungan mo siya. Hindi pa niya narerealize pero ikaw yung pag-ibig ng buhay niya." Nabasag yung boses niya, nagmamakaawa pero yung Ama ay nagmamakaawa rin sa Kapatid niya na magbigay ng awa sa anak niya. Anong ginawa niya? Sinira niya ito.
Lumapit sa mukha ni Ruben, sinamaan ko siya ng tingin ng diretso sa mata niya, "Kung si Sebastian mismo ang nagsabi nito, hindi ko pa rin siya paniniwalaan." Sabi ko, nagulat siya.
Kung sinabi niyang mahal niya ako, tatawagin ko itong kasinungalingan.
'Hindi na ako makakapagtiwala sa kanya. Sorry, hindi kita matutulungan. Ayaw ko ng kahit isang segundo sa kanya. Kaya please itigil mo na lang." Bulong ko, ayaw kong ipagpatuloy niya yung walang kwentang pagmamakaawa niya. Wala akong intensyon na bumuo ng isang ugnayan sa isang lalaking walang lunas.
Nakisikip yung mata niya sa sakit, narerealize yung takot na itinuro ni Sebastian sa akin ay hindi na mababawi at walang makakapagligtas kung ano yung pwede pang umiral sa pagitan namin.
"Nakikita ko… kung yun yung pinili mo." Huminga siya, pumikit sa pagkatalo, humakbang paatras, alam na walang kwenta na pag-usapan pa.
"Tinawag ako para tulungan ka. Kung kalayaan yung gusto mo, okay na nga. Tutulungan kita." Nagbago yung tono niya ng paunti-unti sa isang matatag at dominante, hindi inangat yung ulo niya.
'Gayunpaman, ipaalam mo sa akin kung sakaling magbago yung isip mo." Sabi niya ng malungkot at iniwan ako mag-isa sa kalunus-lunos kong iniisip.
Pagkarinig sa di maintindihang anunsyo ni Ruben at pagmamakaawa pumunta ako para maligo para mailayo yung isip ko sa nakakainis, ninanakaw yung kakayahan ko na rumesponde.
Nakatayo ako sa ilalim ng shower, nagdadasal na sana mahugasan ng tubig na ito yung kalungkutan ko pero sa halip yung malamig na patak ay tumama lang sa balat ko para mapalala yung pagdurusa ko.
Hindi siya kailanman makakapag-mahal…
Ayaw kong kahit ano ang umiral sa pagitan namin. Maraming beses na niya akong binigo.