Kabanata 36: Hindi Ang Uri na Nagpapatawad
“Narinig ko na may mga lalaki, kayang gawin ‘yon ng pitong beses isang gabi. Sobra-sobra na ‘yon, pero pinapakita lang na malakas ang stamina ng isang lalaki. Gets mo ‘ko, *Honey*?”
Walang damit si *Elias*. Kinurot niya ang pisngi ko, “Ano? Gusto mo pa?”
Tumango ako at sinabing, “Pero pwede bang magpahinga muna?”
Natigilan siya saglit tapos biglang humagalpak sa tawa.
“*Honey*, ang cute mo.” Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi.
“Cute? Paano ako magiging cute, eh, pangulo ako ng TR?” reklamo ko sa isip ko.
Nagsuot siya ng *bathrobe*, “Kukuha ako ng *snack* mo.”
Napakurap ako, “Hindi ako gutom.”
“Kung hindi ka kakain, paano ka magkakaroon ng lakas para sa’kin?” Kinurot niya ang pisngi ko, “Natatakot ako, hindi mo kayang sabayan ang sigasig ko.”
Ako, “…”
Ginawan ako ni *Elias* ng *sandwich* at isang basong mainit na gatas.
Dinala niya sa’kin at sinabi ko, nakasimangot, “Subuan mo ‘ko.”
Umiiling siya, pero subo pa rin ng subo ng *sandwich*. Kumagat ako at ngumiti, “Masarap.”
“Bilisan mo at kumain.” Sabi niya.
Siguro dahil sa sobrang pagtatrabaho, gutom na talaga ako, kaya tinapos ko agad ang *sandwich* at gatas ko.
Noong nagbuntong-hininga ako, tinitigan ako ni *Elias* na parang lobo at tinanong ako, “Busog ka na?”
“Oo.”
Sinunggaban niya ako na parang tigre, “Ngayon, ako naman ang kakain sa’yo.”
Isang magdamag na puno ng pagmamahalan ang lumipas.
Sina *Elias* at *Neil* ay nag-*internship* kasama sina *Quentin* at *Simon* sa TR. Kahit na parang siguradong magiging permanente sina *Elias* at *Neil*, bibigyan ko ng magandang *review* sina *Quentin* at *Simon* kahit hindi sila magtagal sa TR.
Sapat na ang karanasan at *review* nila dito para makahanap ng magandang trabaho sa ibang kumpanya.
Lahat ay maayos na.
Naghihintay na lang ako ng tamang panahon para sorpresahin si *Silvan*.
Dumating na rin ang pagkakataon.
Sinabi sa’kin ni *Neil* na kaarawan ni *Vivian* sa isang linggo at doon niya ipagdiriwang ang kaarawan nito sa bahay na binili niya para sa kanya.
Pinagisipan ko kung paano ko mapupunta si *Serena* sa kanilang lihim na lugar.
Pagkatapos mag-isip, iisa lang ang simple at diretsong paraan para gawin iyon.
Pagkatapos malaman ni *Elias* na bumili ako ng mamahaling *penthouse* sa siyudad, sa pangalan niya, dumiretso siya mula sa kanyang upuan papunta sa opisina ko.
Nakasimangot siya.
“*Jacqueline*, anong ginagawa mo?”
Isinara ko ang *file*, “Bumibili ng bahay.”
Sumimangot si *Elias*, “*Jacqueline*, kailangan mo bang gumastos ng ganito kalaki para gumanti sa isang tao?”
Ako, “…”
Hindi pa nga ako nagsasalita, paano niya nalaman? Sinabi ba ni *Neil*? Pero hindi ko pa nga sinasabi kay *Yvette* ang tungkol sa pagbili ng bahay, lalo na kay *Neil*.
“Hindi naman pagsasakripisyo. Atin na ang bahay dahil binili natin. Hindi naman kawalan, bukod pa roon, malaking responsibilidad ang kaakibat, di ba?”
Bumuntong-hininga si *Elias* at walang magawa na sinabi, “*Jacqueline*, magiging hari ka sa lumang panahon.”
Itinaas ko ang kilay ko.
Tinawag ba niya akong hari?
Pinikit ko ang mga mata ko, “*Elias*, bastos ka ah, oras ng trabaho. Hindi ka ba natatakot na pahihirapan kita?”
Inikot niya ang kanyang mga mata sa’kin, “Kahit anong gusto mo.”
Ay, ay, ay.
Anong sungit na asong lobo.
Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya, “Sa totoo lang, kailangan kita tulungan mo ako.”
Tumango si *Elias*.
Kinabukasan, nasa opisina ako at tinitingnan ang *profile* ni *Serena*.
Hindi ko masyadong kilala si *Serena*.
Si *Serena* ay galing sa isang kilalang pamilya sa siyudad at madali para sa kanya ang makahanap ng mabuting asawa dahil sa kanyang estado. Ngunit ang kakaiba ay hindi pa nag-aasawa si *Serena* kahit nasa edad na.
Noong una, akala ng lahat masyadong mataas ang kanyang tingin.
Ngunit kalaunan, nakilala niya si *Silvan*. Nagawa niyang kumbinsihin ang kanyang mga magulang at pinakasalan niya si *Silvan*, at sinugal pa ang kanyang buhay para manganak ng isang lalaki, sa edad na.
Mahal na mahal ni *Serena* ang kanyang anak.
Gwapo talaga si *Silvan* at mukhang artista sa murang edad. Nabighani rin ako sa kanya dahil hindi niya ipinakita ang kanyang ambisyon noong una.
Noong panahong iyon, kakapasok ko lang sa TR. Bagama’t puno ako ng sigasig at ambisyon, wala akong pagkakataon. Puro gawaing-bahay lang ang ginagawa ko araw-araw.
Mas miserable pa ako noon kaysa kay *Elias* at sa iba pang *intern* noon.
Bilang isang batang *intern*, kahit sino ay maaaring magsabi sa akin kung ano ang gagawin. Pinakamahalaga, hindi ako makalaban.
Gunitang minsan, inaway ako ng matindi ng manager sa parehong opisina dahil itinuro ko ang isang butas sa kanyang plano.
Noong panahong iyon, bata pa ako at matapang. Kahit na napahiya ako ng aking superbisor, matapang pa rin ako.
Ngunit nakalimutan ko na kung mas matapang ako, mas magiging agresibo ang kabilang panig.
Nang mapaso ako ng kumukulong tubig, umiyak ako sa wakas. Umupo ako mag-isa sa sulok, at kinamumuhian ang lahat ng hindi makatarungang pagtrato.
“Anong silbi ng pag-iyak lang? Kung inaapi ka nila, lumaban ka.”
Lumingon ako at nakita ko ang isang payat na lalaki na may gwapong mukha na nakatayo malapit.
Kilala ko siya bilang *Silvan*, ang *sales manager* ng aming kumpanya, na sikat sa kumpanya hindi lamang dahil sa kanyang natitirang kasanayan sa negosyo kundi pati na rin sa kanyang karakter at mahusay na hitsura.
Narinig ko na ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya sa kumpanya ay maaaring pumila sa kalye.
Hindi pa ako nakapag-usap sa kanya nang harapan dahil misteryoso siya. Nang siya ang nag-initiate na makipag-usap sa akin, nagulat ako at nagduda ng ilang sandali.
“Huwag kang umiyak.” Inabutan niya ako ng malinis na panyo, “Punasan mo ang iyong luha at sipon.”
Noon ko lang napagtanto kung gaano ako nagmukhang awkward.
“Kailangan mong tandaan na ang mundong ito ay isang gubat. Ang mahihina ay hindi kailanman magkakaroon ng karapatang magsalita. Tanging kapag malakas ka lamang makakapagtanggol sa iyong sarili sa iba, naiintindihan mo?”
“Kung wala kang keber, pwede kitang turuan. Sa akin na ang magbibigay daan para sa’yo, magkakaroon ka ng maayos na landas sa kumpanya, pero kailangan mo ring magsikap sa iyong sarili, naiintindihan mo?”
Siya ang aking tagapagligtas noong panahong iyon.
Labis akong naantig kaya hindi ko napansin ang mga kalkulasyon sa likod ng kanyang “kabaitan”
Hindi ko natanto iyon hanggang sa dinala niya ako sa *presidential suite* sa isang hotel at sinubukang gumawa ng masama sa akin, nagpapanggap na lasing.
Handa na siya mula sa simula.
Hindi niya ako sinubukan tulungan sa totoo lang. Trinato lang niya ako bilang laruan sa kanyang mga kamay na maaari niyang manipulahin.
Sa kabutihang palad, pinagpala ako sa pagkakaroon ng mabubuting tao sa aking buhay at hindi ako nakaranas ng anumang panganib sa tuwing.
Nailigtas ako ng isang mabuting tao.
Si *Silvan*, na matagal nang nagpaplano, ay walang nakuha sa huli. Ang pinakamasama ay pinag-away niya ako sa kanyang sarili.
Hindi ako ganoon ka-mapagpatawad.