Kabanata 44: Isinilang ang Bata
“Tatay, Nanay, ako…” Kakasabi ko pa lang nun, biglang kumatok si Ian ng malakas sa pinto, “Jacqueline, anong nangyari sa’yo?”
“Pumutok na yung panubigan ko.”
Agad akong dinala ni Ian sa ospital.
“Pumutok na yung panubigan niya. Nawalan na siya ng maraming tubig at kailangan na niyang manganak agad.”
Hinawakan ni Ian ng mahigpit yung kamay ko, “Huwag kang matakot, nandito ako.”
Di pa naman ako talaga nakakaramdam ng sakit, pero nararamdaman ko na yung tubig na lumalabas. Siguro yung hindi ko alam sa panganganak yung nagpakaba sa akin kaya hinawakan ko yung kamay niya at nagtanong, “Nasaan yung mga magulang ko?”
“Napaalam ko na sa kanila.”
“Okay.”
Ilang oras lang, nanganak na ako nang walang aberya.
Pagkatapos kong makarinig ng malakas na iyak, binati ako ng nurse na hawak-hawak yung baby ko, “Lalaki.”
Kakatapos ko lang manganak at pagod na pagod ako, kaya tiningnan ko lang siya saglit at nakatulog na ako.
Bago ako nakatulog, rinig ko pa na sinabi nila, “Ipakita mo yung baby sa tatay niya.”
Tatay niya?
Wala yung tatay niya sa ngayon.
Kinabukasan, mas okay na yung pakiramdam ko kasi normal yung paglabas ko at dinala sa akin yung baby ko.
Pagtingin ko sa mapula, maliit, kulubot na baby, hindi ako makapaniwala na ito yung anak na pinanganak ko pagkatapos ng 10 buwan na pagbubuntis?
Bakit kamukhang-kamuka niya… yung unggoy?
“Ang pangit niya.” Hindi ko napigilang masabi.
Nung narinig ako ng mga magulang ko, sinumbatan nila ako, “Sino pa bang magsasabi na pangit yung baby nila? Lahat ng bagong panganak ganito. Nagbabago sila araw-araw sa ganitong stage. Gaguwapo siya na mapapanganga ka sa loob ng ilang buwan.”
“Talaga?” Hindi ako masyadong naniwala.
Hinawakan ni Ian ng mahinahon yung kamay ng baby ko at ngumiti, “Makinig ka na lang sa sinasabi ni Tiya.”
Namatili ako sa ospital ng tatlong araw pagkatapos kong manganak at pagkatapos nun umuwi na ako.
Ayaw kong pahirapan yung mga magulang ko at gusto kong dumiretso sa isang confinement care center at gumastos para iligtas yung sarili ko sa gulo.
Pero pinilit ako ng mga magulang ko na sila na lang yung mag-alaga sa akin, sinasabi na hindi nila pinagkakatiwalaan yung anak at apo nila sa iba.
Kahit ganun, kumuha pa rin ako ng dalawang yaya bilang katulong.
Tama yung mga magulang ko nung sinabi nilang magbabago yung bata araw-araw. Nakakabilib pano siya nagbabago kahit konti araw-araw.
May iniisip ba yung baby?
Sa puntong ito, nagtataka ako kung anong mangyayari kung nandito si Elias.
Mahal na mahal niya si Susie at mamahalin din niya yung sarili niyang anak, diba?
Sinabi ko sa sarili ko, “Elias, nasaan ka ba talaga?”
Sa ngayon, tumigil na yung mga magulang ko sa pagsasalita tungkol kay Elias at nagkunwari pa na “nawala sa mundo” si Elias. Sa halip, nagkaroon sila ng gusto kay Ian, na madalas pumupunta sa bahay namin.
Nung nagpapahinga ako sa pagpapasuso, lumapit si Nanay at nakatitig sa akin.
“Jackie, anong gagawin mo ngayon?”
“Ano?”
“Nagmamamang-mang ka pa sa akin. Nanganak ka na. Gusto mo na lang bang mag-isa habang buhay?”
Tinaasan ko yung kilay ko, “Nay, sabihin mo nga diretso.”
Nagdalawang-isip siya bago magsalita, “Sa tingin ko mabait si Ian. Maingat siya, masipag, at gwapo. Dagdag pa, magkasintahan kayo nung una at kilala niyo yung isa’t isa. Kahit ano pa man, ngayon na…”
Pinutol ko yung walang tigil na daldal ni Nanay, “Nay, hindi pa kami diborsyado ni Elias.”
Tumigil sa pagsasalita si Nanay.
Kahit nawala si Elias, hindi pa ako hiwalay sa kanya. Sa legal na paraan, siya pa rin yung asawa ko at tatay ng baby ko.
“Pero pano mawawala na lang ng ganun yung isang buhay na tao at walang balita man lang? Nakakapanibago talaga.” Umiling-iling yung nanay ko, “Kinaiinisan ko yung sarili ko sa nangyari sa’yo ngayon. Kung hindi sana ako nakialam, hindi sana ganito yung sitwasyon mo ngayon.”
Tumawa ako ng mapait.
“Nay, hindi mo kasalanan. Ako yung nagpupumilit na magpakasal sa kanya noon. Magiging tapat ako sa’yo, nung nagdesisyon akong pakasalan siya, ginawa ko yun para mapanatag ka at si Tatay, pero nahulog talaga ako sa kanya pagkatapos.”
“Tinrato niya ako ng maayos, pero bakit magiging walang puso yung isang mabait na tao sa huli?”
“Hayaan na lang yung mga nangyari. Tuloy pa rin ang buhay.” Hinawakan ng mahigpit ni Nanay yung kamay ko, “Kami ni Tatay mo ang nandito para sa’yo at sa baby, wag kang mag-alala.”
“Salamat, Nay.”
Inisip ko na malulungkot ako sa pagkawala ni Elias.
Pero hindi.
Nami-miss ko pa rin yung boses niya, yung mga braso niya, at lahat tungkol sa kanya kapag gabi na. Parang yung ngiti niya, yung galit niya, at yung saya niya ay nasa harap ko, pero biglang ang layo-layo na nila.
Alam ni Iggy na may baby ako at pinadalhan niya ako ng magandang regalo.
Nawalan ako ng salita nung nakita ko yung regalo niya, “Iggy, sumosobra ka na ba?”
“Hindi ah. Gusto kong manalo yung bata sa starting line.”
Nagbiro ako, “Hindi rin naman ordinaryo yung nanay ng ninong mo. Mananalo siya sa buhay.”
Tinaasan ni Iggy yung kilay, “Matagal ko nang alam na isa kang magaling na babae sa negosyo.”
Yinakap niya yung baby ko, pinaglaruan niya ng ilang sandali, at bumuntong-hininga, “Iniisip ko dati na hindi magiging kasama sa mga opsyon mo sa buhay yung pag-aasawa at mga bata, pero nagawa mo na lahat yan sa maikling panahon.”
Yumuko ako nang tahimik.
Nag-isip si Iggy ng ilang sandali at tinapik ako sa balikat, “Jacqueline, hindi ka ordinaryong babae. Kaya mong tanggapin, at kailangan mo ring palayain. Dahil desidido si Elias, hindi mo na kailangang itago siya sa isip mo. Kung galit ka sa kanya o nakakaramdam ng sama ng loob, ituring mo na lang siyang hangin at palayain mo. Ang mga lalaki ay magpapabagal lang sa pagkamit natin ng pera.”
Alam ko na tinatry niya akong icomfort.
Pero hindi mo basta-basta na lang mapapalaya yung pag-ibig.
Sa panahon ng pagbubuntis ko, nagdasal ako nang paulit-ulit na tumunog yung doorbell at lilitaw si Elias sa harap ko, yayakapin ako, at sasabihin na nagkaroon siya ng sariling desisyon, naging mean siya, at hindi niya sana ako iniwan.
Pero paulit-ulit, ang natatanggap ko lang bilang kapalit ay walang katapusang kalungkutan at pagkadismaya.
“Elias, sabihin mo sa akin, nasaan ka ba talaga?
Sabihin mo sa akin, pwede bang palitan yung nararamdaman mo sa akin?
Sabihin mo sa akin, bakit ka nawala sa mundo ko?
Kung hindi ka lilitaw sa harap ko agad, makakalimutan kita ng tuluyan isang araw.”
Nung bata pa ako, palaging sinasabi ng mga matatanda na lumilipas yung oras. Pero hindi ko talaga naramdaman na mabilis lumipas yung oras, kahit sa pag-aaral ko o sa trabaho.
Pero kapag may bata, nararamdaman ko na palagi akong walang sapat na oras.
“Mommy, hulaan mo kung sino ako?” Isang malambot na maliit na kamay ang tumakip sa mga mata ko.
Nakipagtulungan ako sa pagsabi, “Hindi ko alam.”
“Ako yung malaking masamang lobo at sasabugin ko yung bubong na gawa sa pawid na kakagawa mo lang.”
“Ay, natatakot ako.”
Si Neil, na malayo sa kabilang karagatan, ay bahagyang umubo, “Sis, malapit nang matapos yung meeting ngayon… pwede ka nang makipaglaro kay Nicholas.”
“Hi, Nicholas, babalik na si Tito sa lalong madaling panahon at dadalhan ka ng mga paborito mong transformer, okay?”
“Yehey! Salamat, Tito Neil!”