Kabanata 59
ISANG MALAPIT NA PANGYAYARI
Isang buwan na ang nakalipas simula nang makaharap ni Riley ang mga *goons* at ang pag-atake kay Lionel. Si Lionel ay ganap nang gumaling ngayon at siya, kasama si Riley, ang kanyang nanay at ang kanyang *Uncle* ay nakahanap ng bagong taguan, malayo kay Nichole upang maplano ang kanilang atake sa kanya. Si Kate ang nag-ayos ng bagong bahay na ito para sa kanila. Hindi naman ito kalakihan katulad ng kanilang lumang apartment ngunit nakatulong pa rin.
"Sana kaya niyo 'to," sambit ni Kate habang pumapasok sa bahay, kasunod si Riley, Lionel, Lian, at Rosita.
Naglibot ang kanilang mga mata.
"Ang ganda ng lugar na 'to Kate, maraming salamat," sabi ni Riley, niyakap siya.
"Wala lang 'to Riley, para saan pa ang mga kaibigan? Sana komportable kayo. Ito na lang ang magagawa ko para sa inyo." sagot niya habang umaalis sa yakap, hawak ang mga kamay ni Riley.
"Hindi ko alam kung gaano kita pasasalamatan, Kate," sabi ni Rosita, na kinukuha ang atensyon ni Kate at Riley sa kanya.
"Wala 'yun Tita, natutuwa ako na natulungan ko kayo. Para kayong pamilya sa akin."
Ngumiti si Rosita sa kanyang mga salita at marahang tinapik ang kanyang mga balikat. Si Lionel at Lian ay nakatingin na nakangiti.
"Kailangan ko nang umalis ngayon, Riley. Babalik ako mamaya. Naghihintay sa akin sina Nancy at Loretta para tapusin ang aming proyekto."
"Oh.., tungkol doon..."
"Huwag kang mag-alala Riley, kakampi mo kami. Mag-ingat ka lang," bulong niya ng mabilisan.
Tumingin si Riley na nakangiti at tumango.
"Samahan na kita sa pintuan," sagot ni Riley, habang ginagabayan si Kate sa pintuan.
"Kita tayo mamaya Tita.." sambit ni Kate bago lumabas ng pinto kasama si Riley. Ilang minuto ang lumipas, bumalik si Riley sa kwarto para salubungin ang kanyang nanay, Lionel at Lian na nakaupo sa sala, nakatutok.
"Tungkol sa ating plano, nagpasya na ako kung ano ang gagawin," sabi niya.
Agad nilang ibinaling ang kanilang tingin sa kanya, sinisiyasat ang kanyang mukha ng husto para sa anumang palatandaan kung ano ang sasabihin niya ngunit walang kwenta.
"Anong ibig mong sabihin Riley?" tanong ni Lionel, naguguluhan.
"Huwag naman sana 'yung iniisip ko Riley," sambit ni Lian nang bigla siyang natauhan. Ang tingin ni Lionel at Rosita ay napunta sa kanya, ganap na naguguluhan kung ano ang nangyayari sa sandaling ito.
"Teka, teka, anong ibig mong sabihin sa iniisip mo?" tiningnan niya na nagtataka.
"Anong nasa isip mo?"
Sinulyapan siya ni Lionel tapos ay bumalik kay Riley, "Sabihin mo na sa kanya."
"Ano ang plano mong gawin Riley?" tanong ni Rosita, nakatitig ng husto sa mukha ng kanyang anak.
"Ilabas mo na, Riley," dagdag ni Lionel.
"Ako ang magiging pain para masilo si Nichole," sabi niya, determinado.
Agad na tumayo si Rosita mula sa kanyang upuan nang marinig ang kanyang mga salita, nabigla.
"Hindi mo gagawin 'yan." protesta niya.
"BAKIT HINDI? Hindi na 'to pwedeng magpatuloy, mum..., hindi na tayo pwedeng magtago na parang kriminal. Kung may pagtataguan man, dapat si Nichole ang nasa posisyon na 'to ngayon. Sawa na ako sa mga kalokohan niya."
"Alam ko Riley pero hindi ito ang tamang paraan. Pwede tayo..." sabi ng kanyang nanay na inaabot ang kanyang kamay ngunit umurong si Riley.
"Ha, tamang paraan daw? Hindi ako makapaniwala sayo, mum..."
Nag-isip si Lionel ng matagal at hindi niya matagalan ang mga pagtatalo sa pagitan ni Riley at ng kanyang nanay.
"Ako na ang gagawa," sabi niya, habang tumatayo mula sa kanyang upuan.
Sabay-sabay na ibinaling nina Lian, Rosita, at Riley ang kanilang mga tingin sa kanyang direksyon.
"Ako ang magiging pain Tita....."
"Ano?" sigaw ni Riley.
"Oo Riley, hindi ko hahayaang ilagay mo muli ang iyong buhay sa peligro. Si Nichole ay kasing sama ng iyong maiisip. Ayaw nating mawala ka sa proseso ng pag-aresto sa kanya."
"Pero..."
"Walang pero..." bulong niya sa kanya, na inilalagay ang isang kamay sa kanyang kanang balikat. Ibinaling ang kanyang tingin kay Rosita, "Anong kailangan kong gawin Tita...?" tanong niya.
"Well..." bulong niya.
"Kung ganoon kailangan mong bumalik sa bahay," sabi ni Lian, nakisali.
Napatingin si Lionel sa kanya, nagulat.
"Ligtas ba 'yun?"
"Oo Lio, 'yun lang ang paraan para ma-monitor natin ang bawat hakbang niya."
Nasiyahan sa sagot, sumuko siya.
"Paano naman kayo?" tanong niya, sinusulyapan ang bawat isa sa kanila.
"Huwag kang mag-alala sa amin. Ligtas kami dito. Kailangan lang nating mag-ingat sa ating paligid at sa palagay ko ay magiging maayos ang lahat."
"Magiging okay ka ba?" tanong ni Riley sa isang bulong habang inilalagay ang kanyang ulo sa kanyang balikat.
"Oo," sagot niya, habang nagpapasa ng kamay sa kanyang buhok.
Ang sandali ay tila payapa sa sandaling ito.
"Aakyat na ako sa aking kwarto," sambit ni Rosita habang naglalakad palayo.
"Sige..." sagot nila.
***********
Si G. Dickson ay nakaupo sa kama, hinahatak ang mga drawer sa tabi nito sa paghahanap ng ilang mga file na dinala niya sa bahay mula sa trabaho ngunit tila hindi naaalala kung saan niya ito inilagay.
"Saan ko ba inilagay ang mga dokumentong ito? Akala ko dito ko nilagay. Nakakapagod talaga," bulong niya habang patuloy na naghahanap nang bigla siyang nakakita ng kakaibang sobre.
"Ano ito?" tanong niya habang dinadampot ito.
Sa sandaling iyon, bumabalik si Nichole sa kwarto mula sa kusina. Itinulak niya ang pinto upang makita si Dickson na hawak ang kanyang pinakamalalim na mga lihim.
"Naku..." bulong niya.
Bubuksan na sana ni Dickson ang sobre nang makita niya ang isang kamay na mabilis na inagaw ito mula sa kanya. Itinaas niya ang kanyang ulo upang makita si Nichole na may mahiyain na ngiti.
"Hmm...Para sa isang kliyente 'yan. Ang mga detalye ay medyo kumpidensyal. Alam mo ang aking responsibilidad bilang isang psychologist," sagot niya.
Tiningnan siya ni Dickson na may pagdududa at tumango.
"Anyway, ano ang hinahanap mo?"
"Well, nagdala ako ng ilang mga file sa bahay ngunit hindi ko sila mahanap. Nakita mo na ba sila?"
"Oh 'yun, inilagay ko sa iyong study room."
"Nakahinga ako ng maluwag. Aalis na ako papunta sa trabaho," bulong niya, habang tinitingnan ang kanyang mga pisngi bago siya lumabas ng pinto.
"Phew..." siya ay bumuntong hininga, bumagsak sa kama. "Malapit na 'yun," nilura niya habang nakaupo na nag-iisip ng ilang sandali. "Hindi ako pwedeng mahuli. Hindi, hindi ngayon."
Kinuha niya ang sobre at inilabas ang laman nito.
"Malapit na akong maging nag-iisang may-ari ng lahat ng mga ari-ariang ito," ngumiti siya, na may pagmamataas.