Kabanata 124 Ang salarin
“Teka nga,” sabi ni Sarah, sabay taas ng kamay para lumayo sa kanila.
Kinuha niya yung cellphone niya sa bag niya, pero hindi niya ma-open.
“Walang kuryente?” Kinuha ni Jacob yung cellphone ni Sarah at hinawakan niya.
“Bago pa ma-charge yung cellphone ko, ikaw pa rin yung may sala. Sino ba kasi ang nakakaalam kung nagpadala ka sa akin ng message?”
Ito lang yung dahilan na nakita ni Sarah.
At the same time, natuwa siya na hindi naman si Jacob ang lalaking iyon.
Ngumiti si Jacob nung nakita niya yung pamumula sa mukha ni Sarah, “Okay, aking minamahal, gusto mo bang ihatid kita?”
Sa sumunod na segundo, binuhat niya si Sarah at naglakad papuntang elevator.
“Jacob, ibaba mo ako. Hindi maganda na makita tayo ng iba.”
Nagpumiglas si Sarah, pero wala rin. Walang pakialam yung lalaki sa image niya.
Kasi medyo gabi na, ayaw na ni Sarah bumalik sa bahay niya, parehas sa gusto ni Jacob.
“Natatakot ako na mapagod ka kapag matagal ka ng nagmamaneho. Huwag mo ng isipin!” Tumingin si Sarah sa gilid at tinignan niya yung lalaki ng matalim.
Nagkibit-balikat yung lalaki, “Hindi maganda na mag-isip ng masama, Miss Sarah. Isa akong mabait na binata na sumusunod sa batas.”
“Sumasagot ka pa!” Kinurot ni Sarah ng sinasadya yung ilong ng lalaki.
Napasimangot yung lalaki sa sakit, at wala siyang nagawa kundi sabihin, “Ay!”.
Imbes na pumunta sa hotel ni Jacob, dumiretso sila sa underground garage ng Neriah senior apartment sa Raleigh.
“Bumili ka ng bahay?” Nagulat si Sarah.
“Binili ko para sa isang babae. Sweet ba?” Ngumiti si Jacob kay Sarah ng mahinahon.
“Naglalandi ba si Mr. Jacob sa isang babae galing sa magandang pamilya?” Lumambot yung kilay ni Sarah at itinaas yung labi niya.
“Babae galing sa magandang pamilya? Miss Sarah, hindi ko sinabi na galing ka sa isang magandang pamilya. Sabi ko, girlfriend ko.”
Puno ng panlalait yung tono ni Jacob.
Pagkatapos ma-park yung kotse, pumasok sina Jacob at Sarah sa apartment. Malaking flat ito. Sosyal yung dekorasyon, at napaka-kumportable.
“Naaalala ko na ito rin yung negosyo ng Jones real estate?”
“Oo, matagal ng ginawa ang lugar na ito,” proud na sabi ni Jacob, “Magpahinga ka muna, at magluluto ako ng meryenda.”
Tumingin yung lalaki at pumunta sa kusina para maghanda ng meryenda.
Tinitignan yung abalang pigura ng lalaki sa kusina, naramdaman ni Sarah ang saya.
Pero iniisip yung problema na hindi pa nila nareresolba, naramdaman niya na hindi niya dapat hayaan na maapektuhan ng problema yung pagkain niya, kaya pumasok siya sa kusina.
“Bakit ka nandito?”
Nakita si Sarah na lumitaw sa pintuan ng kusina, gusto sana ni Jacob na paalisin siya.
Hindi umalis si Sarah at sinabi, “Pag-usapan natin yung nangyari ngayong gabi.”
Walang intensyon si Jacob na magtago. Sinabi niya sa kanya lahat ng mga bagay na nangyari pagkatapos niya siyang iwanan kanang tanghali.
“Nagpadala ako ng message sayo bago ako pumunta doon, pero malamang na busy ka at that time at hindi sumagot.”
Naalala ni Sarah yung nakalimutan niya na cellphone, “Icha-charge ko yung phone. Nasaan yung cable?”
“Nasa briefcase ko.” Nag-relax si Jacob nung nakita niya na kalmado siya.
Pumunta si Sarah sa living room para hanapin yung briefcase niya, binuksan niya ito, at nung hinahanap yung cable, nahawakan niya yung isang box na may velvet na tela.
Tumingin siya ng kaswal, kinuha yung cable, at sinara yung briefcase.
Icha-charge ni Sarah yung cellphone niya at tsaka niya binuksan.
Sigurado, maraming message galing kay Jacob.
“Parang nagkamali ako sayo. Hindi ko alam na isa ka rin SMS maniac.”
Nung una silang nagkita, hindi alam ni Jacob kung paano magpadala ng short messages.
Nagbuntong-hininga si Sarah at naramdaman niya yung guilt.
“Wala akong pakialam,” galing yung boses ni Jacob sa kusina na may konting ngiti. “At least gusto mo akong paniwalaan.”
“So, hindi ka lang pumunta sa hotel, pero naghanap ka pa ng reporter para i-expose ito?” Binaba ni Sarah yung cellphone niya at naglakad papunta sa kusina.
Sumagot yung lalaki, “Yung hindi ko inasahan ay tinawagan mo yung mga pulis.”
Buti na lang hindi siya yung lalaki sa loob.
Nung binanggit ito, ngumiti ng nahihiya si Sarah.
“Kailangan makulong ni Ashley ng ilang araw ngayon.”
Nagluto na si Jacob ng isang mangkok ng noodles, “Naisip mo na ba kung paano haharapin ito?”
“Public opinion effect?” Nag-snort ng minamasama si Sarah. “Para sa akin, wala lang ang mga ito.”
“Sabihin mo sa akin kung kailangan mo ang tulong ko.”
Dinala ni Jacob yung mangkok sa mesa, iniabot ito kay Sarah, at pinahiwatig niya na umupo siya para kumain.
Nung naamoy niya yung masarap na pagkain, nag-ingay yung tiyan ni Sarah.
“Nagugutom ako. Wala ako sa mood na kumain dahil sayo kagabi.” Nagreklamo ng mahinhin si Sarah.
“Kumain ka na nga,” sabi ni Jacob, na nilagay yung isang piraso ng manok sa mangkok niya.
Sa Police Station.
Nagmadaling pumunta si Megan sa police station galing sa bahay pagkatapos matanggap yung balita. Nung nakita niya si Ashley, malapit na siyang maiyak.
“Mahal ko, okay ka lang ba?”
“Mom!” Umiyak si Ashley at sumubsob sa yakap ni Megan.
Naramdaman ni Megan yung lungkot nung nakita niya yung anak niya.
“Ashley, anong nangyari sayo?”
“Mom, nagkamali ako. Hindi ko dapat ginawa yung mga desisyon ko mag-isa!” Umiyak si Ashley.
“Dapat ako ang sisihin sa lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka sana nagkaroon ng mga problemang ito.” Siningil ni Megan yung sarili niya.
Kung hindi niya sinabi kay Ashley yung tungkol sa identity ni Jacob, hindi sana gagawa ng ganyan si Ashley na basta-basta.
“Mom, hindi mo kasalanan. Kasalanan lahat ni Sarah! Kung hindi dahil kay Sarah, hindi ako magkakaganto.”
Kinagat ni Ashley yung ngipin niya nung inisip niya si Sarah na tumawag sa mga pulis at sinabi na nagtatrabaho siya ng masama.
“Umuwi na tayo.”
Hindi pinansin ni Megan ang lahat at dinala niya si Ashley palayo.
Pagkatapos sumakay sa kotse, sinabi ni Megan sa kanya na nagpeke siya na may sakit sa pag-iisip si Ashley, kaya pinalaya siya sa piyansa. Kung hindi, hindi siya mapapalaya.
“Bakit?” Nagtataka si Ashley.
“Gumawa ng maliliit na aksyon si Sarah.” Nag-snort si Megan.
Natahimik si Ashley.
Sa isip niya, yung malamig na mga mata ni Jacob patuloy na pumupunta sa kanya.
Si Jacob ba ang gumawa ng mga ito?