Kabanata 23 Lihim na kinukunan ng larawan
Pagkatapos nun, tumahimik ng ilang segundo sa ere. Yung dalawang tao sa labas ng kotse, sabay na tumingin dun sa lalaki sa loob ng kotse.
"Naniniwala ako."
Syempre, walang rason si Sarah para maniwala sa sinabi ni Brandon.
Tiningnan ni Brandon si Jacob sa loob ng kotse ng maigi nun. Matulis at may anggulo yung mga features niya, at yung mga daliri niya, maputi na parang puting jade.
Yung ugali niya, hindi siya mukhang ordinaryong drayber.
"Sarah, sino siya?" Si Brandon na yung nag-umpisang magpalit ng topic.
"Siya yung body guard na nabanggit ko nung nakaraan. Gwapo ba?"
Nung pinag-uusapan si Jacob, ngumiti si Sarah na hindi niya namamalayan.
Mukhang leon si Jacob na naayos yung buhok. Medyo nag-iba yung itsura niya.
Hindi sumagot si Brandon dun sa tanong.
Pero, grabe yung kulit ni Sarah ngayon, gusto niya ng eksaktong sagot. "Bakit hindi ka sumasagot? Kinukuwestiyon mo ba yung taste ko?"
"Maganda siya, pero dapat loyal siya sa boss."
"Sigurado yun. Responsable si Jacob sa trabaho niya."
Biglang tumunog yung phone ni Brandon.
"Sasagutin ko lang yung phone."
Habang pinapanood si Brandon na umaalis, tumingin si Sarah sa lalaki sa loob ng kotse. "Medyo kakaiba ka ngayon. Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?"
"Hindi."
Nakita niya yung kawalang pakialam niya, nag-isip si Sarah ng mabuti.
Ganito ba talaga, hindi agad nakakapag-usap ng mabilis yung mga lalaki, tulad ng mga babae?
Tapos, sinabi ni Sarah kay Jacob, "Si Brandon, best friend ko siya at pinagkakatiwalaan ko siya. Mabait siya. Wala kang masyadong kaibigan sa Raleigh, kaya pwede kang makipagkaibigan sa kanya."
"Hindi na kailangan." Diretsong tumanggi si Jacob.
Yung pagiging diretsa niya, pinatahimik si Sarah saglit.
Pagkatapos ng tawag sa phone, dumating na si Brandon, sinira niya yung katahimikan.
"Sorry, may tumawag sakin na driver ng tow truck. Ano yung pinag-uusapan niyo?"
"Wala lang."
"Wala naman akong sinabi." Sabay nilang sagot.
Nagkatinginan sila at umiwas ng tingin sa parehas na oras.
Yung mga mata ni Brandon, nagpagala-gala ng mahinahon sa pagitan nila, tapos tumingin kay Sarah. "Sarah, mag-lunch tayo mamaya."
"Dapat mong i-invite ako kumain kasi pumunta ako dito na hindi pa kumakain."
"Isama mo ako."
Tiningnan ng dalawa yung lalaking nagsasalita sa loob ng kotse sa parehas na oras.
Tumingin si Jacob kay Sarah at sinabi, "Ako yung drayber. Bilang boss, wala ka bang pakialam sakin?"
Natigilan si Sarah at tumingin kay Brandon.
"Sasama ba tayo?"
"Kung ganun, sabay-sabay tayo."
Sa kotse, magkasama sa likod si Sarah at Brandon.
Walang imik si Jacob sa buong biyahe.
Hangin sa labas ng bintana, nagliparan yung mga bulak papasok sa kotse.
"Huwag kang gagalaw, may nakadikit sa mukha mo."
Biglang lumapit si Brandon kay Sarah at niyakap siya.
Walang napansin si Sarah na mali. "Medyo makati."
"Kukunin ko na agad; tiisin mo lang sandali."
Tumingin sa rearview mirror, yung dalawa, parang may something.
Hawak ni Jacob yung manibela. Susunod na segundo, biglang huminto yung kotse.
Sa lakas, naghilig si Brandon at Sarah sa likod ng upuan sa parehas na oras.
"Jacob, dahan-dahan ka magmaneho!"
"Pasensya na. May asong gala na tumatakbo." In-istart ulit ni Jacob yung makina.
Mahigit sampung minuto, nakarating yung tatlo sa restaurant.
"Ilan kayo, sir?" Nung nakita ng weytres yung tatlong gwapo at magagandang lalaki at babae na pumasok, agad niya silang binati at nagtanong.
Luminga-linga si Brandon. "Tatlo kami. May box ba kayo?"
Humingi ng tawad yung weytres at sinabi, "Sorry, sir, naka-reserve na yung box. Pwede akong mag-arrange ng upuan sa may bintana para sa inyo."
Inihatid yung tatlong tao sa mesa ng weytres. Magtatanong na sana si Brandon kung paano uupo. Hinila na ni Jacob yung upuan sa isang tabi. "Miss Sarah Davis, maupo po kayo."
Pagkatapos umupo, hinugasan ni Jacob yung baso ng kumukulong tubig para sa kanya, nilagyan ng tubig, at nilagay sa harap niya.
Bihira maging gentleman si Jacob. Natuwa si Sarah.
Sa kabilang tabi, sinulyapan sila ni Brandon ng may halong kakaibang itsura, pero sa huli, wala siyang sinabi.
"May gusto ba kayo sa lasa ng pagkain?"
Hawak ng weytres yung menu at nagtanong.
Kakausapin na sana si Brandon, pero um-order na si Jacob.
"Konti lang na sibuyas at konting asin. Tsaka, hindi kumakain ng maanghang yung babae. Bigyang pansin pag nagluluto."
Pagkaka-alala sa gusto niya, nakontento si Sarah. "Magaling. Ngayon, pwede na kitang sanayin para maging all-around talent."
"Oo nga, bihira yung bodyguard na ganun ka-dedikado." Si Brandon, na hindi pa nagkaroon ng pagkakataon na makisali, nagpakita ng hint ng pagiging bastos sa kanyang mga mata. "Pero tungkol sa kung sino yung magaling mag-alaga kay Sarah, siguro mas kilala ko siya kaysa sayo."
Hindi sineryoso ni Jacob yung mga sinabi niya.
"Excuse me, ready na yung mga order niyo."
Nagdala ng mga putahe na may matatamis na lasa yung weytres sa mesa, na mukhang maganda at masarap.
"Sarah, yung in-order ko ngayon, yung gusto mong kainin. Halika na, maganda sa'yo ang kumain ng ube."
Kumuha si Brandon ng piraso ng ube at binigay kay Sarah.
Bago mailagay yung ube sa bowl, may isang pares ng chopstick na huminto sa kanya.
"Hindi gusto ni Miss Sarah Davis yung ube. Hindi mo ba alam bilang kaibigan?" Nang-aasar si Jacob.
"Talaga?" Tumingin si Brandon kay Sarah na nagdududa.
Kinuha ni Sarah yung ube at binalik sa bowl ni Brandon. "Ayoko ng ube. Matagal na akong pinipilit ni Brandon na kainin 'to."
"Sorry, nakalimutan ko, pero maganda rin ang tonic."
"Sapat na yung nutrisyon ko." Mabilis na pinalitan ni Sarah yung topic.
Habang nag-uusap yung dalawa, ipinadala ni Jacob yung isda na pinili niya sa bowl ni Sarah. "Miss Sarah Davis, sobrang nakaka-nutrisyon 'to, at gusto mo 'to."
"Salamat." Inilagay ni Sarah yung laman ng isda sa kanyang bibig.
Halatang panalo si Jacob sa sikretong larong 'to.
Nakita na halos lahat nakakain na, sinabi ni Sarah, "Tara na."
Tumayo si Brandon at pumunta sa bar.
Sa oras na 'to, sa labas ng restaurant, isang magandang anino, nauna ng umalis.
"Mom, alam mo ba kung sino yung nakita ko sa restaurant? Kinuhaan ko siya ng picture na nakaupo kasama yung dalawang lalaki para sa hapunan...Si Sarah yun!"
Nagreklamo si Ashley sa kanyang nanay sa phone, hindi alam yung biglang paglitaw ng braso sa tabi.
Sunod na segundo, kinuha yung cellphone niya.
"Ikaw! Jacob? Ibalik mo yung cellphone ko!"
"Gusto ba ni Miss Sarah Davis ang secret snapping?"
"Ibalik mo yung phone ko!" Sinubukan ni Ashley na agawin, pero dahil sa kanyang tangkad, hindi niya makuha.
Nagtapik-tapik yung mga daliri ng lalaki sa screen, at lahat ng photo album, walang backup man lang. Tapos itinapon niya yung kanyang cellphone sa kanya na parang basura.
Galit na galit si Ashley at sinabi, "Jacob, dapat alam mo yung pagkatao mo. Isa ka lang asong pinalaki ni Sarah. Wag mong ituring yung sarili mo na tao. Hindi mo deserve 'to!"
Pagkasabi niya nun, sinampal siya.
"Ashley, ang kapal ng mukha mo!"