Kabanata 127 Bumalik Ako
Hinila ni Jacob si Sarah palabas ng kainan.
Pagkalabas nila, humiwalay sa kanya si Sarah, "Bakit 'di mo sinabi sa 'kin na pupunta ka rito?"
"Ikaw naman?" Nagbaba ng tingin si Jacob. "Nag-message ka lang sa 'kin. Kung hindi ako pupunta, pa'no ka pagtitiisan ng dalawang 'to?"
"Pa'no naman sila magiging kasing-grabe mo?" Walang pakialam si Sarah.
Ano pa, nalaman niya na ang relasyon nina Jacob at Jose ay hindi lang basta magkaaway.
"Naalala mo ba 'yung sinabi ko sa 'yo no'ng katulong mo pa ako?"
Bumalik ang alaala ni Sarah sa sinabi ni Jacob noong dalawang buwan na ang nakalipas.
No'ng mga panahon na 'yon, nagalit si Jacob dahil kasama niya si Jose.
Dahil ang kanyang memorya ay may posibilidad na humina sa pagka-istorbo ng mga lason sa kanyang katawan, hindi niya maalala nang malinaw kung ano ang sinabi niya.
Umiling siya. Tiningnan ang inosenteng itsura niya, nagbuntong-hininga si Jacob na walang magawa, "Sabi ko sa 'yo lumayo ka kay Jose. Baliw 'yun!"
"Pa'no mo nasabing baliw 'yung kapatid mo?" Sumimangot si Sarah.
"Sa madaling sabi, lumayo ka sa dalawang 'to." Pinigilan ni Jacob ang kanyang galit at binago ang paksa. "Kumain na tayo."
Nakita na ayaw na niyang masyadong magsalita, hindi na nagtanong si Sarah. Kumain silang dalawa.
Sa kalagitnaan ng kainan, nakatanggap si Sarah ng tawag mula kay Daniel.
"Boss, bakit 'di ka pumunta para sunduin ako?" Ang malungkot na boses ng binata ay nanggaling sa kabilang dulo ng telepono.
Naguluhan si Sarah, "Bakit naman kita susunduin?"
"Nakalimutan mo bang pupunta ako ng Raleigh ngayon? Pa'no ka magiging gan'on kalupit at walang puso, boss?"
Biglang, kinuha ni Jacob ang kanyang cellphone sa driver's seat. Malamig niyang sinabi, "Sino ka ba?"
"Sino ka?" Tiningnan ni Daniel ang caller ID.
……
Kalahating oras pagkatapos, Raleigh International Airport.
Ang sasakyan ni Jacob ay tumigil nang matatag sa gilid ng kalsada ng airport. Tinanggal ni Sarah ang kanyang seat belt at binuksan ang pinto.
"Sa wakas nakabalik na ako. Pinaghintay mo ako nang matagal. Dapat ililibre mo ako ng hot pot ngayon!"
Pagkababa pa lang sa sasakyan, ang leeg ni Sarah ay hinawakan ng isang tao, at bumagsak siya pabalik.
"Daniel!" Sigaw niya sa garalgal na boses, hawak ang puting braso ni Daniel para 'di matumba.
"Pakawalan mo siya."
Itinaas ni Daniel ang kanyang mga mata at tumakbo sa malamig at maitim na mga mata ni Jacob, "Ikaw, ikaw ba ang 'demonyo'?"
Halosa agad-agad, naramdaman ni Daniel na mapanganib ang lalaki, at hindi na naglakas-loob na lumapit pa kay Sarah.
Tumatayo nang tuwid si Sarah at tinuro ang malungkot na lalaki sa kanyang tabi. "Boyfriend ko, ngayon nakita mo na ang totoong tao."
"Kung gan'on pwede ko siyang tawaging 'demonyong' bayaw?" Nagpakita ng ngipin si Daniel nang siya ay ngumiti, nagmumukhang inosente.
Medyo mataba ang mukha niya. Walang makapaniwalang 20 taong gulang na siya ngayon.
"Bahala ka." Nakita na walang labis na intensyon si Daniel kay Sarah, nakahinga nang maluwag si Jacob.
"Sumakay ka sa sasakyan at dadalhin kita para kumain ng hot pot."
Pumunta sila sa pinakasikat na restaurant ng hotpot sa Raleigh. Bago pa man sila pumasok, ang mainit na amoy ay nagpasimangot na kay Jacob.
"Magpapalit ba tayo ng restaurant?" Nakita ang 'di matitiis na hitsura ni Jacob, medyo nag-alala si Sarah.
"Walang problema. First time niya sa Raleigh. Dapat tayo ang mag-host." Nauna nang pumasok si Jacob.
Sumunod si Daniel kay Sarah at bumulong, "Ang bait ng bayaw ko!"
"Bayaw? Binigyan ka ba niya ng pera para tawagin siyang gan'on?" Tiningnan ni Sarah ang 'traydor' na may madilim na mukha.
Hinawakan ni Daniel ang kanyang ulo nang awkward at bumulong, "Boss, alam ng bayaw ko kung ilan ang pagkakakilanlan mo ngayon?"
"Hindi naman masyado." Maikli ang sagot niya.
"Nakakuha ako ng isang balita na may nakarinig na pupunta ka ng Raleigh, at pupunta siya rito. Narinig mo ba ang balita?" Binaba ni Daniel ang kanyang boses.
Medyo natigilan siya, "Kung maglalakas loob kang ilantad ang lokasyon ko, bubuuin kita at ipadadala kita sa Madison sa loob ng isang minuto."
Tila hindi balak ni Sarah na sabihin kay Jacob ang tungkol dito.
"Mga ginoo at ginang, ngayon may espesyal kaming event sa aming restaurant. Ang matagumpay na naghahamon na kakain ng hot pot namin ay makakakuha nang libre."
Tinuro ng weytro ang harapan. Mayroong mahabang mesa na may labindalawang maliliit na kaldero para sa mga naghahamon.
"Kailangan ko lang ubusin ang kaldero?" Handa nang subukan ni Daniel.
Tumango ang weytro, "Opo, naghanda kami ng maraming pagkain para sa bawat naghahamon. Kung kaya mong ubusin ito sa loob ng limang minuto, magiging matagumpay ka."
"Sige, hahamunin ko."
Rinig ang mga salita, sumimangot si Jacob.
Hindi niya kayang tiisin ang amoy kahit sandali!
Biglang, medyo nagsisi siyang kumain ng hot pot na 'to.
Habang nag-iisip, ang tunog ng cellphone sa kanyang bulsa ay nagligtas sa kanya.
Tiningnan niya si Daniel na pumunta para humamon at tinapik si Sarah sa balikat, "Sumama ka sa kanya, at lalabas ako para sagutin ang tawag."
Sinundan ni Sarah si Daniel para panoorin ang aktibidad.
Pagkalabas ng restaurant, sa wakas nakahinga nang maluwag si Jacob at sinagot ang tawag.
"Sabihin mo."
"Nahanap na namin ang babae." Nagsalita ang lalaki nang magalang.
Tumahimik si Jacob sandali at mahinahong sinabi, "Pupunta ako mamayang gabi para asikasuhin siya."
"Naiintindihan ko."
Pagkatapos isara ang linya, bumalik si Jacob sa hotpot shop. Ubus na ni Daniel ang isang buong kaldero. Nagulat pa nga ang boss!
No'ng bumalik na sina Sarah at Daniel sa kanilang upuan, nakaupo na si Jacob at naghain sa kanila gamit ang pampublikong chopstick.
"Naubos na ni Daniel ang isang kaldero. Kaya pa ba niyang kumain ng mga 'to?"
"Siyempre, lumalaki ang batang 'to."
Jacob: "..."
Sa wakas, binigyan sila ng boss ng libreng order gaya ng napagkasunduan.
Pinabalik ni Jacob ang dalawang lalaki sa villa ni Sarah at dumiretso sa liblib na kanayunan sa suburb.
Sa patutunguhan, may dalawang taong nakaitim sa pintuan. Itinigil ni Jacob ang kanyang sasakyan sa labas at pumasok sa loob.
Sa loob ng bahay, maliwanag ang mga ilaw. May isang babaeng nakahukot sa sulok na nanginginig.
Hindi niya maintindihan kung bakit siya hinuli ng napakaraming tao pero binigyan siya ng pagkain.
"Ikaw ba ang nars na nag-inject ng glucose kay Kevin?"