Kabanata 106: Natagpuan ang maskara
Hindi inasahan ni Trixie na sasabihin ni Frank 'yung mga salitang 'yon, kaya akala niya nagbibiro lang.
"Direktor Frank, nagbibiro ka ba?"
Umiling si Frank at sinabi sa seryosong tono, "Hindi ako nagbibiro. Trixie, seryoso ako."
Sa isang iglap, nawalan ng gana si Trixie na kumain pa. Hindi talaga niya alam kung anong nangyari kay Frank sa araw na 'yon. Kakasal lang niya. Paano niya nasabi ang gano'ng bagay sa asawa niya?
"Direktor Frank, hindi nakakatawa 'yung ganitong bagay. Huwag ka na sanang magbiro tungkol sa kasal, okay? Kahit na may mga hindi pagkakaunawaan kami ng asawa ko, ginagawa ko ang lahat para maayos agad 'yung problema namin. Mahal ko pa rin siya, kaya ayaw kong matapos ang kasal namin sa isang maliit na bagay lang o kaya naman hahayaan ko ang sarili ko na makipagrelasyon sa ibang lalaki nang wala pang diborsyo."
"Sa tingin mo ba talaga mabuting partner ang asawa mo?"
Biglang na-trigger si Trixie kay Frank. Bigla siyang tumayo, sumimangot, at tinitigan siya nang malalim.
"Direktor Frank, nagpapasalamat ako sa'yo dahil tinulungan mo akong makuha 'yung listahan, pero sana huwag mo nang insultuhin ang asawa ko. Kahit na hindi siya perpekto sa ilang bagay, ayoko na may mang-insulto sa kanya bago ko malaman ang totoo."
Ang pagpupumilit ni Trixie ay biglang nagpatawa kay Frank. Puno ng panunuya ang mga mata niya.
"Trixie, simple at inosente ka. Sa tingin mo ba talaga magiging okay ang lahat kahit wala 'yung pangalan niya sa membership list?"
Nagpatuloy si Frank sa pagsasalita, "Siguro mabuting asawa siya sa harap mo at mabuting ama sa harap ng anak mo, pero alam mo ba kung ano siya sa labas? Trixie, gumising ka! Kahit hindi ka maniwala sa akin, okay lang 'yon. Pwede mong i-check mag-isa para makita mo kung anong klaseng tao ang asawa mo."
Unti-unting nagpalungkot sa puso ni Trixie ang mga salita ni Frank. Pero ayaw talaga niyang aminin sa harap ng isang estranghero, na parang binubuksan niya 'yung sugat para makita ng iba.
"Salamat sa kabaitan mo, Direktor Frank, pero si Daryl ang asawa ko, at pinipili ko pa rin na maniwala sa kanya."
Pagkatapos niyang sabihin 'yung mga salitang 'yon, tumayo si Trixie bitbit ang bag at umalis na. Pumunta siya sa front desk para bayaran 'yung bill at umalis na.
Sa daan, naalala ni Trixie 'yung nangyari sa restaurant kasama si Direktor Frank, at nainis siya. Ilang minuto pa, unti-unting huminahon ang kanyang pagkabalisa.
Tinawagan niya si Daryl.
"Honey, bakit ka napatawag? May nangyari ba?"
"Nasa kompanya ka na ba ngayon? Gusto sana kitang makita."
"Kaka-send ko lang kay Kinsley sa klase ng piano. Sige, magkita tayo mamayang gabi. Tamang-tama, nami-miss kita, honey."
"Okay sige, nami-miss din kita."
Pagkalipas ng mahabang oras, nakarating si Trixie sa Company ni Daryl. Ipinark ni Trixie 'yung kotse.
Habang naglalakad siya papasok ng kompanya malapit sa entrance, nakita ni Trixie si Erin na kalalabas lang mula sa elevator.
Sumulyap si Erin at binati siya nang nakangiti. "Mrs. Blayden."
Sumagot din si Trixie sa kanya. Tiningnan siya ni Trixie, at nang naglalakad na siya palayo, natawa siya nang tahimik. Kakaiba kasi hindi ganito ang kilos ni Erin nitong mga nakaraang araw. Hindi inasahan ni Trixie na kaya palang mag-perform ni Erin ng dalawang mukha na may tatlong kutsilyo nang ganito kainam at buong-buo.
Pagkatapos ng nangyari, sumakay si Trixie sa isang elevator para puntahan si Daryl.
Dumating si Trixie sa oras para sa meeting ni Daryl, kaya kailangan niyang maupo sa loob ng opisina ni Frank at maghintay.
Nakaupo sa sofa, nilibot ni Trixie 'yung opisina dahil naiinip siya. Naisip ni Trixie si Erin na kahit hindi siya mabuti katulad ng isang anghel, pinanatili niyang maayos ang opisina sa likod ng mesa.
Tapos nang maglinis si Trixie. Hindi gaanong nagkaiba 'yung mga kagamitan sa opisina mula sa karaniwan, maliban sa maliit na safe sa ilalim ng bookcase na inalis na. Sakto lang 'yung laki ng opisina, hindi na kailangan ni Daryl na kumuha pa ng maliit na safe para maglaan ng espasyo doon, kaya maiintindihan na inalis ito.
Ayon sa sinabi ni William kanina, maaaring tumagal ng isang oras 'yung meeting. Nainip si Trixie sa pagtingin lang sa kanyang relo. Sampung minuto pa lang ang nakakalipas.
Basta binuksan na lang niya 'yung computer ni Daryl at nagplanong maglaro. Hindi niya mahanap 'yung mouse kaya, naghahanap siya sa lahat ng lugar. Hindi sinasadyang nakita niya ang kalahati ng bukas na drawer at may nakita siyang bagay sa loob na nakaagaw ng pansin ni Trixie.
Mabilis niyang binuksan 'yung drawer, at sa loob nito, may isang nakakamanghang maskara.
Nakilala ni Trixie na 'yung maskara ay eksaktong katulad kay Allison. 'Yung maskara ay tugma doon sa nakita niya sa larawan. Sa pagtingin sa maskara, nanatili si Trixie kung saan siya nakatayo sa loob ng mahabang panahon, at nablangko ang kanyang utak.
Lubos na pinawi ng maskara 'yung huling paniniwala ni Trixie kay Daryl. Ang pader ng pagtitiwala na pinaghirapan niyang itayo ay biglang gumuho. Sumali talaga si Daryl sa club at nagtatago ng katotohanang ito sa pamamagitan ng kasinungalingan?! Noong nalaman ni Trixie ang totoo, hindi niya matanggap sa kanyang sarili. Mas gugustuhin pa niyang maniwala na niloko siya ni Daryl kaysa sumali ito sa club.
Ang pag-iisip na baka nakatulog siya sa isang hindi kilalang tao na may asawa rin ay nagpasakit kay Trixie. Sa pagkakita sa maskarang ito, hindi niya mapigilang isipin 'yung larawan, kaya nagalit siya.
Gusto sanang basagin ni Trixie 'yung maskara, pero ito lang ang nag-iisang ebidensya na hindi niya ginawa 'yon. Hindi pa tamang oras para sirain 'yung maskara. Tatanungin niya si Daryl ng harapan tungkol doon.
Pagkatapos maghintay ng 40 minuto para matapos 'yung meeting ni Daryl, sobrang nagdurusa si Trixie. Gusto pa nga niyang tumakbo sa conference room bitbit ang maskara. Gusto niyang tanungin si Daryl sa harap ng lahat. Pero bigla niyang pinigilan 'yung ideya.
Ngayon hindi pa natutukoy ang pinagmulan ng maskara, kaya hindi siya pwedeng maging masyadong desidido. Laging nakikinig siya kung paano ipapaliwanag ng mga partido.
Bumalik si Daryl mula sa meeting, at nakaupo pa rin si Trixie sa harap ng computer. Hindi siya nagsasalita, at ang kanyang mga mata ay patuloy na nakatingin sa screen ng computer.
Tila naramdaman ni Daryl na hindi maganda ang kanyang mood.
Paglapit sa kanya, gusto lang niyang tanungin kung mayroong nangyari, pero bigla niyang nakita ang maskara sa mesa. Nagbago ang mukha ni Daryl sa isang iglap.
Nagpanggap siyang walang pakialam, inilagay ang kamay niya sa balikat ni Trixie nang nakangiti, at mahinhing nagtanong, "Honey, anong kakainin natin mamaya?"
Tumingala si Trixie sa kanya, inabot ang kanyang kamay, at itinulak ang maskara sa harap niya. Tila hindi niya narinig 'yung sinabi nito. "Ano 'to?"
Tinitigan ni Trixie nang diretso sa mga mata ni Daryl. Mukha siyang medyo kinakabahan at patuloy na dinidilaan ang kanyang mga labi. "Maskara lang 'yan, iniwan 'yan sa akin ni Sandro kahapon. Hindi pa niya kinukuha."
"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng maskarang ito? Nakalimutan niyang iwanan dito, o sa'yo talaga itong maskara?!"
Hindi na gusto ni Trixie na paliguy-liguyin si Daryl. Pagod na siyang makinig sa mga dahilan nito, kaya mas mabuting maging matigas, baka sakaling may marinig siyang ibang bagay.
Siguro masyadong matigas 'yung tono ni Trixie, na nakapagpagalit kay Daryl.
Itinapon niya 'yung maskara diretso sa basurahan. "Paano ko malalaman kung ano ang ibig sabihin ng bagay na 'yan? Sabi ko iniwan 'yan ni Sandro dito. Anong saysay ng pagsisinungaling sa'yo! Pwede ba, tigilan mo 'yang paghihinala mo sa lahat ng bagay? Sinabi ko na sa'yo na hindi ako nagloko at walang kabit. Ilang beses ko pa ba kailangang sabihin bago ka maniwala?"
Nang-ngisi agad si Trixie. "Well, hindi pa naman tapos magtrabaho si Sandro, 'di ba? Pupuntahan ko siya ngayon."
Pagkatapos niyang sabihin 'yung mga salitang 'yon, hindi na pinansin ni Trixie 'yung pagpigil ni Daryl at lumabas siya diretso sa opisina. Gusto niyang makita kung paano ipapaliwanag ni Daryl ito nang walang naunang pakikipagsabwatan.