Kabanata 138: Mga Sorpresa
Hindi man lang nag-trigger ng kahit ano kay Trixie ang mga sinabi ni Hailey. Instead, kalmado lang siya at walang emosyon na ipinakita. Finally, tumigil na rin sa pag-init ang ulo niya.
"Oo, gusto ko ang mga bata, pero yung mga nirerespeto ako, gets mo naman siguro, Gng. Smith? Ex-girlfriend ka ng asawa ko, at ayoko nang maging rigid pa ang relationship natin. Kahit ano pa ang nangyari ngayon, since nandito ka na rin lang, pakisama mo na ang anak mo."
Sinadya pang i-highlight ni Trixie yung salitang "asawa ko".
Nag-iba ang itsura ni Hailey. Tumingin siya kay Daryl, umaasa na ipagtatanggol siya nito, pero ang asawa naman nito, nag-lose ng malaking temper. Ayaw na niyang ma-offend ulit ito, kaya nagdahilan na lang siyang mag-CR para makaiwas.
Sa pagkawala ni Daryl, lalong sumama ang mukha ni Hailey. Tinitigan niya ang anak niya bago niya pinagsabihan. "Ayoko na ngang magsalita. Mag-sorry ka na sa tita mo bilis!"
Napahinto si Aiden. Naglakad siya papalapit kay Trixie na nakayuko ang ulo. "Sorry," paghingi niya ng tawad ulit, mahinang-mahina ang boses.
Kahit tanggapin niya ang apology ng bata, hindi pa rin malilimutan ang mga sinabi niya dahil lang sa isang ‘sorry'.
"Tinanggap ko na ang sorry mo, pero gusto ko pa ring isama ni Gng. Smith ang anak niya. After all, parang kampante naman siya kapag kasama niya ang nanay niya."
"Pero Mrs. Blayden, may lakad pa kasi ako mamaya..."
"Hindi nursery school ang bahay natin, at parang mayaman naman si Ms. Hailey. Sa tingin ko, mas okay pa na magbayad na lang siya ng yaya kesa iwan niya ang bata sa bahay na ‘to."
Hindi na pinatapos ni Trixie si Hailey sa pagsasalita. Binuksan niya ang pinto at ngumiti nang magalang. "Pwede ka nang umalis ngayon."
Sawa na si Hailey, kaya tumigil na rin siya sa pangungulit sa babae. Hinawakan niya ang kamay ng anak niya at tumalikod. Bago lumabas ng pinto, lumingon siya at may sinabi.
"Mrs. Blayden, mahaba-haba pa ang lalakbayin natin." Pagkatapos sabihin ‘yun, tumalikod na sila at naglakad paalis.
Ang malakas na tunog ng pagsasara ng pinto ay umalingawngaw sa buong kwarto, sinundan ng tunog ng makina na dahan-dahang nawawala.
Pagkatapos nun, nakahinga ng maluwag si Trixie at iniunat ang kamay niya na kanina pa niya mahigpit na hawak. Sa palad niya, may buhok na nakahawak.
Kinabukasan…
Siguro dahil sa nakaka-stress na events kagabi, maagang nagising si Daryl. Nagising naman si Trixie sa masarap na amoy ng pancakes. Bumangon siya na parang lutang at sinundan niya ang amoy na ‘yun na humantong sa kusina.
"Anong ginagawa mo?"
"Nagluluto ng breakfast." Habang nagsasalita siya, nilagay niya ang perfect na fried egg sa ibabaw ng toast. "Dapat kainin mo ‘to habang mainit pa. Magagalit ang tiyan mo kung lumamig ‘yan."
Pagtingin sa likod niya, napaisip si Trixie.
Ganyan din ba ang trato niya sa ibang babae niya? Kahit legal wife siya ni Daryl, madalas niyang naiisip ang mga ganitong bagay. Hindi niya matanggap na pareho ang trato ng asawa niya sa ibang babae kumpara sa kanya.
Pero kung iisipin, hindi na kailangan pang panatilihin ang isang lalaking hindi tapat.
"Medyo mahaba na ang buhok mo." Biglang nasabi ni Trixie.
Napahinto si Daryl at walang kamalay-malay na hinawakan ang buhok niya. "Oo nga, medyo mahaba na." Ngumiti siya at lumapit kay Trixie. Bumulong siya sa tenga nito at mahinang sinabi, "So, hihintayin ko na lang ang asawa ko na samahan akong magpagupit pagkatapos ng trabaho." Bago halikan ang leeg nito.
"Sige na nga," sagot ni Trixie at sinimulang kainin ang breakfast na inihanda ng asawa niya.
Nung pumasok siya sa trabaho kaninang umaga, pumunta siya sa opisina ni Director Frank para mag-deliver ng ilang documents.
Akala niya wala si Frank sa opisina niya. Pagkabukas niya ng pinto, hindi niya inaasahang makikita niya itong nakaupo sa sofa kasama ang computer sa mesa.
"Director Frank," bati ni Trixie sa kanya, ngumiti, at nilagay ang mga documents sa mesa.
"Ito po ‘yung latest version ng project, sir. Ise-send ko po ‘yung electronic version mamaya through email."
"Okay, sige." Tumingin si Frank sa mga mata ni Trixie, tinitigan ang maganda niyang mukha.
"By the way, ‘yung picture na sinend ko sa ‘yo..."
Pagtama ng usapan niya sa mga pictures, agad niyang naintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Ay! Tinanong ko na po ‘yung asawa ko, pero wala naman po siyang pinuntahan nung araw na ‘yun, pero nagkaroon po siya ng importanteng meeting sa company mamaya."
Parang peke ang palusot ni Trixie, at napansin din ‘yun ni Frank, kaya hindi na niya muling binanggit si Daryl.
"Gano’n pala. Mukhang nagkamali ako."
"Pero thank you Director Frank, thank you sa pagpansin. Hindi na po kailangan pang makialam, sir, besides, private affair po ‘to sa pamilya ko. Ayaw po namin ng nakikialam sa amin."
Parang hindi natuwa si Frank kung paano niya ipagtatanggol si Daryl gayong madalas niya itong nakikitang nakikipag-flirt sa ibang babae saan man.
"Hmm."
Walang masyadong sinabi si Frank. Tumango lang siya at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
Tumingin si Trixie sa kanya at hindi sigurado kung ano ang ibig sabihin niya.
"Um." Gusto niyang mag-clarify, pero hindi naman magandang moment para kausapin siya since nagsimula na siyang magtrabaho, kaya tumalikod na lang siya at umalis.
Habang nakaupo sa kanyang mesa, iniisip pa rin ni Trixie si Frank.
Alam na niya ang intensyon nito, pero nilinaw na niya na wala siyang interest sa kanya.
Kahit na nagbigay pa siya ng clues about sa pakikiapid ni Daryl ng ilang beses, hindi pa rin ‘yun ang magiging dahilan para magustuhan niya ito. Kahit na talagang mag-divorce pa siya kay Daryl, hindi pa rin siya pwedeng maging kay Xia Yu.
Hindi mapipilit ang pag-ibig.
"Ate Trixie, mag-o-overtime ka ba ngayon?" tanong ni Pearl. Sa wakas, bumalik na sa katinuan si Trixie.
"Hindi, hindi ako mag-o-overtime. Anong meron?"
"Wala naman, nagtatanong lang."
Napangisi si Pearl, nagpa-puzzle kay Trixie, pero wala siya sa mood na makipaglaro sa mga laro ng mga babae. Busy siya sa pag-iisip ng mga sinabi niya kay Director Frank.
Absent-minded, nakaupo siya sa kanyang desk hanggang sa matapos ang trabaho. Mag-iimpake na sana siya at aalis na nang mapansin niyang hindi gumagalaw ang mga katrabaho niya.
Kakaiba ‘to.
Kadalasan nag-uunahan sila. Ano ang hinihintay nila? Nagdalawang-isip si Trixie, pero naghihintay sa kanya si Daryl sa opisina.
Pagkatapos ng paghihirap ng ilang sandali, nagdesisyon na siyang umalis. Kahit papaano, tapos na ang trabaho. Kahit umalis siya, hindi man lang magsasalita si Frank.
Inayos niya ang kanyang mga gamit at tumayo, at naglakad patungo sa elevator. Pinindot niya lang ang button ng elevator nang biglang sumulpot ang dalawa sa kanyang mga katrabaho.
Bago pa man makareaks si Trixie, ang fireworks tube sa kanilang mga kamay ay nag-spray sa kanya ng maraming makukulay na confetti.
Napahinto si Trixie, inaalala kung ano ang nangyari. Pinanood niya ang mga reaksyon ng kanyang mga katrabaho, iniisip na ito ay isang joke.
Pagkatapos ay dahan-dahang bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas si Frank na may hawak na isang bungkos ng rosas at tumayo sa harap ni Trixie.
Ngumiti siya nang napakagaan.
"Trixie, gusto kita."