KABANATA DALAWAMPU
Sobrang relaxed ako sa banyera kaya 'di ko alam kung kelan ako nakatulog. Pagkagising ko ulit, malamig na 'yung tubig at parang tuyo na 'yung katawan ko. Nagpunas ako at naghanap ng masusuot na pantulog, hinanap ko 'yung komportable at malamig na isusuot.
Malapit nang umaga at feeling ko 'di ako papasok sa eskwela, eh alas kuwatro na ng umaga at ni hindi man lang ako nakatulog kahit sandali.
Humiga ako sa kama at pinatay 'yung ilaw para mas komportable ako matulog. Hiniga ko lang 'yung ulo ko sa unan nang bigla akong nakatulog. Siguro mas pagod ako sa inaasahan ko.
Liwanag na liwanag 'nung nagising ako, feeling ko nasagasaan ako ng napakalaking trak, sobrang sakit ng katawan ko at halos 'di ko maigalaw 'yung mga kasukasuan ko mula sa kama. Naalala ko na 'di ako uminom ng Advil kagabi katulad ng utos ni Camilla.
Umungol ako kasi nagre-reklamo 'yung mga muscle ko habang papunta ako sa banyo para magbawas, tinawagan ko si Camilla pero hindi niya sinasagot 'yung tawag niya, natapos ako sa banyo, naghugas ng kamay at bumalik sa kama pero sa huling sandali. Bumaba ako sa kusina kasi gutom na gutom ako.
Sobrang bad idea 'yung pag-akyat sa hagdan, bawat hakbang na ginagawa ko parang nasusunog 'yung katawan ko. Lahat ng kasukasuan ko masakit dahil sa paggalaw at kailangan ko talaga ng pahinga pero kailangan ko ring kumain.
Nakarating ako sa kusina at nakita ko 'yung pizza na inorder ni Camilla kagabi sa may lamesa sa kusina. Kumuha ako ng dalawang kahon, pero sa huling sandali, kumuha ako ng tatlo at bumalik sa kwarto ko. Mas masama 'yung pag-akyat sa hagdan kaysa sa pagbaba, umungol ako sa bawat galaw at nagpatuloy 'yun hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.
Nakarating ako sa kwarto ko at nilagay 'yung mga kahon ng pizza sa may bedside locker at nagsimulang kumain ng hiwa-hiwa, minsan dalawang hiwa pa sa isang pagkakataon. Sinubukan ko ulit tawagan si Camilla pero hindi pa rin niya sinasagot. Mahimbing siyang matulog.
Hindi pa man ako nakakatulog ng isang oras nang biglang hinila 'yung kumot mula sa katawan ko, umungol ako kung sino man 'yun at sinubukang abutin 'yung kumot.
"Ganyan ba bumati sa tiya mo?" 'yung boses umugong.
Binuksan ko 'yung isang mata ko at nakita ko nga si tiya na may malaking ngiti sa mukha niya.
"Good morning tiya," bati ko sa kanya.
"Morning? Ay naku, honey, alas tres na ng hapon," sabi niya sa akin.
Umungol ako bilang sagot at tumawa lang siya.
"Anong ginawa mo kagabi?" tanong niya.
Sinubukan kong buksan 'yung mga mata ko at kausapin siya pero mas gusto ko 'yung dilim kaysa sa nakakasilaw na liwanag. Kinuha ko 'yung kumot at ginawa kong panangga sa mga mata ko para makausap ko siya.
"Sobrang hirap ng gabi ko kahapon," sabi ko sa kanya, hindi masyadong malinaw.
"Nakikita ko 'yun, patay na patay ka sa mundo," sabi niya sa akin.
Umungol ako, hindi ako nagtitiwala sa sarili ko na magsalita ngayon, pagod na pagod ako at wala ako sa mood makipagkaibigan ngayon. Birthday ko ngayon at feeling ko basura ako.
"May regalo ako para sa 'yo pero nasa baba, kapag handa ka na, pwede ka nang bumaba."
"Okay, kailangan ko talaga matulog," sabi ko sa kanya.
"Sige, aalis na ako sa trabaho," sabi niya sa akin.
"Bye," Hinintay ko hanggang sa sumara 'yung pinto bago ko tinakpan ulit 'yung sarili ko at sumabak sa panibagong tulog.
Napakasarap, tahimik at payapa lahat. Pumikit ako na may ngiti sa mukha ko habang hinihila ko 'yung sarili ko na matulog na may iniisip na ako ay iba sa ordinaryong tao. Parang may nawawalang parte sa akin kahit na kuntento ako sa kung paano ako. Pero alam kong isa ako sa pinakamalakas na supernatural na nilalang sa mundo ay nagbigay sa akin ng lakas ng loob at mas maraming tapang sa sarili ko.
Para bang tinatanong ko 'yung sarili ko at anuman ang ginawa ko, pakiramdam ko may higit pa sa akin sa buhay na ito. Mas masaya ako ngayon at pakiramdam ng isang bahagi ng akin ay kuntento. Ngumiti ako dahil alam kong natutulog ang aking lobo ngayon, mahirap sa kanya katulad sa akin.
Ngayon, mas mabilis akong makapagpinta, mas mabilis tumakbo, makinig sa mga taong nag-uusap nang hindi ko gusto at mayroon ding hindi pangkaraniwang lakas para protektahan ang aking sarili.
Nasa kalaliman ako ng tulog ko pero napunta ako sa ibang usapan nang tumunog 'yung telepono ko at si Camilla 'yun.
Avilla- hoy, kanina pa kita tinatawagan.
Camilla- hoy, nasaan ka?
Avilla- nasa kwarto ko, bakit?
Camilla- wala lang, so parang 'di tayo papasok sa eskwela ngayon?
Avilla- mukhang natulog tayo hanggang sa malapit nang matapos ang klase, sa tingin ko hindi tayo papasok.
Camilla- okay, matutulog ulit ako.
Avilla- okay sige, ako rin.
Camilla- oh! Happy birthday sa 'yo, Avilla. Sabi niya bago niya pinatay 'yung tawag.
Ngumiti ako sa telepono ko at pati na rin sa mga kalokohan niya. Kagigising niya lang at halatang walang plano na pumasok sa eskwela tulad ko. Sana tinawagan niya 'yung kapatid niya o mga magulang niya para ipaalam sa kanila kung nasaan siya. Ayaw kong mag-alala 'yung mga magulang ni Camilla sa kung nasaan siya samantalang nandito lang siya sa buong oras.
Si Camilla ay isang kahanga-hangang tao pero alam ko na matigas siyang buksan at hindi magpapatalo sa sinuman kasama na ang kapatid niya at 'yung isa pang lalaki na parang flirt.
'Di ko alam kung paano siya pasasalamatan sa pagiging nandiyan niya para sa akin kahapon, 'di niya kailangang pumunta kahit na sinabi ko sa kanyang huwag na pero pumunta pa rin siya at kinailangan ko siya para sa higit pa sa kanyang pakikisama.