KABANATA DALAWAMPU'T PITO
POV ni Rohan
Ang pag-reject sa kanya ay hindi parte ng plano ko, kailangan ko ng oras para ayusin ang mga bagay-bagay bago ako maging sa kanya. Pero malinaw na hindi niya naintindihan 'yon dahil parang naglalandi siya sa lahat ng lalaki sa mundo.
Inis na inis ako na nakita ko silang magkasama ni Chandler, nagtatawanan at nag-eenjoy. Malinaw na nakakatawa siyang lalaki.
At ano ba 'yung suot niya? Gusto ko siyang takpan ng jacket ko para hindi siya makita ng mga nakatingin sa kanya. Tinitingnan nila ang aking babae na parang karne lang siya at parang hindi niya napapansin. Tawa siya nang tawa kasama si Chandler sa dance floor.
Tinitigan ko silang sumasayaw at umiikot sa dancefloor, malinaw na nag-eenjoy siya at walang pakialam sa mundo habang ako naman ay kumukulo sa galit. Dapat ako 'yung nagpapaikot sa kanya at nagpapatawa sa kanya.
"Gago ka," sabi sa akin ng aking lobo.
Hindi ko siya pinansin, nagtatampo siya simula noong pag-reject ko. Ayaw niya akong kausapin maliban na lang kung gusto niya akong awayin.
Babalikan ko siya kapag nakahanap ako ng lusot sa lahat ng ito. Lalo na para kay Camilla kaysa sa sarili ko. Ayaw kong malungkot ang kapatid kong babae.
Sa alam ni Ben, ayaw ko lang talaga siyang makasama. Hindi niya lang alam na siya ang mate ko kung hindi nag-flip na siya sa akin. Alam niya kung gaano kasagrado ang mate bond.
Naalala ko noong nalaman ni Camilla na ni-reject ko siya, sinuntok niya ako at patuloy na pinapalo at hinayaan ko lang siya dahil deserve ko naman. Hindi rin niya ako kinakausap. Mas madalas na siyang kasama ang mate niyang si Mitchell at si Avilla.
Masakit sa ego ko nang makita ko na okey lang si Avilla, nagliliwanag siya at mukhang mas curvy pa siya kaysa dati. Para bang walang epekto sa kanya 'yung pag-reject ko.
Nang makita ko siya sa food court na kumakain at nagtatawanan na parang walang nangyari, nainis ako. Pero nagalit ako nang pumayag siya sa coffee date. Nasaktan ako dahil sa pag-reject, nagdagdag pa ako ng oras sa training para mawala 'yung sakit na nararamdaman ko.
Malinaw na one-sided 'yung mate bond. Hindi ko na maramdaman 'yung amoy niya bilang tao at hindi ko rin maramdaman 'yung amoy niya bilang lobo, iba 'yung klase nito na nagpagulo sa akin at sa aking lobo. Noong nakita ko siya sa damuhan na nakatitig sa aking mga mata, may tumawag sa akin pero wala akong naramdamang lobo mula sa kanya at lalo akong naguluhan. Kung isa siyang lobo, hindi sana nangyari ang pag-reject at sana masaya kaming nabuhay magpakailanman.
Sinugod ko siya noong pumunta siya sa banyo, hindi ko kayang palampasin 'yung selos na dumadaloy sa aking dugo. Galit na galit ang lobo ko at gusto niyang lansagin 'yung lalaking tao.
Lumaban siya sa bawat hakbang na sinusubukan niyang patunayan sa akin na ayaw niya sa akin pero pinatahimik ko siya ng isang marahas na halik na pinagsisihan ko agad nang magsimula ito. Hindi ko gustong magsimula ang unang halik namin ng ganito.
Dapat sana ay malumanay at mapagmahal para ipakita sa kanya na gusto ko siyang makasama at hindi para patunayan ang isang bagay na parang barbaro. Binitawan ko siya at lumabas pagkatapos patunayan sa kanya na ako ay walang puso at manhid. Naramdaman ko ang kanyang mga mata na sinusundan ang aking mga galaw habang ako ay lumalakad palayo. Naramdaman ko rin ang kanyang galit na lumalaki sa bawat segundong lumilipas hanggang sa lumayo ako sa kanyang paningin.
Umalis ako sa party at dumiretso sa aking kotse para makaalis ako rito bago ko pa gawin ang isang bagay na pagsisisihan ko tulad ng pagmarka sa kanya laban sa kanyang kalooban.
Pumunta ako diretso sa bahay para makita ang aking mga magulang, hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na nakita ko ang aking mate at tao siya at hindi ko rin kayang sabihin sa kanila na ni-reject ko siya. Gusto ko silang tanungin.
Binuksan ko ang pinto gamit ang aking susi at naroon sila sa sala.
"Hoy anak, bakit ka bumalik nang maaga?" ang tanong agad ng nanay ko.
Pareho silang nakatingin sa akin na naghihintay ng sagot, hindi ko kayang sabihin sa kanila na umalis lang ako dahil ayaw kong i-mark ang mate ko.
"Hindi ko na feel, nanay," sinabi ko sa kanila ang kalahating katotohanan.
"Kailangan mo nang magsimulang magkaroon ng interes sa mga bagay-bagay na ito, paano mo mahahanap ang iyong mate?" tanong sa akin ng tatay ko.
Agad akong kinabahan, ito 'yung iniiwasan ko. 'Yung usapang mate, laging inevitable 'yon sa mga magulang ko.
"Naiintindihan ko, tatay. Magsisimula na akong lumabas nang mas madalas," sinigurado ko sa kanya.
"Hoy, gusto ko sanang itanong sa inyo kung saan namin nilagay ang aming kasaysayan, wala ba 'yon sa library?" tanong ko sa kanila.
"Oh, dapat nasa archives 'yon. Mayroon itong mahalagang impormasyon at kaya palagi itong naka-lock," sabi sa akin ng aking ama.
"May problema ba?" tanong sa akin ng nanay ko. Sinasabi sa kanya ng kanyang instincts na mayroong mali sa isang lugar.
"Wala, nanay, kailangan ko lang mag-brush up sa aking kasaysayan," mahinang dahilan pero parang gumana naman sa kanila.
"Maganda 'yan, anak," pinuri ako ng aking tatay.
Kung alam lang nila kung ano ang nangyayari sa aking buhay. Nagpasalamat ako sa kanila at nagtungo sa library. Malayang makakapasok ang lahat doon pero matinding seguridad ang kailangan para makapunta sa archives.
Nakapunta ako sa library at inilagay ang code. Dumiretso ako sa archive at inilagay rin ang code pagkatapos pirmahan ang aking pangalan para ipahiwatig na nandito ako, na-scan ako bago ako pinayagang pumasok sa archive.
Hinahanap ko ang wolf at human mate, madaling-madali itong hanapin. Nahanap ko ang libro at nag-umpisa na ako.