KABANATA 19
Sa huli, palaging aalis ang mga tao.
Gusto ko na ako na lang ang mauna.
"Ano'ng gusto mo?" tanong ko sa wakas.
"Gusto kong makipag-balikan sa'yo, baby, at magsimula ulit."
Ang kapal talaga ng lalaking 'to para tawagan ako at sabihin ang mga kalokohang 'yan.
"Hindi mangyayari 'yan," mariin kong sinabi, hindi natitinag.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya na parang tanga.
"APAT NA TAON NA BRADLEY!!" sigaw ko sa huling tatlong salita, "Hindi tayo nag-usap o nagkita sa loob ng apat na taon tapos tatawagan mo ako at sasabihin mo sa'kin ang ganitong kalokohan. Ayoko nang makipag-balikan at ayoko na ikaw pa ang bumalik sa buhay ko."
"Jasmine, huwag kang magsalita ng ganyan. Ako lang naman ang lalaking nagmahal at nag-alaga sa'yo. Sigurado akong wala ka pa ring boyfriend, hayaan mo na ako na lang."
Napangisi ako.
Tama siya sa isang bagay, wala na akong ibang lalaki pagkatapos niya pero hindi ko hahayaang mahulog ulit ang loob ko kay Bradley dahil lang sa boses niya at sa mga pang-aakit niya.
Huwag niyo akong maliitin, gwapo si Bradley at ang kanyang magagandang mata na kulay kayumanggi ay nakakaagaw talaga ng atensyon ng kahit sinong babae. Hindi ako mapayapa no'ng kami pa dahil halos lahat ng babae sa kolehiyo gusto siyang makasiping pero nalampasan ko na ang panlabas niyang anyo. Ayaw ko sa paraan ng pagtatapos namin. Hindi ko siya kayang pagkatiwalaan. Ayoko siyang pagkatiwalaan. At may pagka-kontrolado siya, palagi niya akong inuutusan na parang alipin niya at bulag ako sa pag-ibig, wala akong pakialam.
"Bradley, huwag ka nang tumawag ulit sa telepono ko," sabi ko at pinatay ko na ang tawag. Nagulat ako dahil hindi na talaga siya tumawag pabalik.
Kinabukasan, bumangon ako ng maaga at ginawa ko ang nakasanayan ko para sa trabaho. Nag-almusal, pinili ang aking kasuotan sa trabaho, naligo, nagbihis at sumakay ng 8:00 am na bus.
Pagkarating ko sa opisina, sinabi sa akin ng bagong sekretarya na may bisita ako at itinuro niya ang isang ginoo na nakaupo sa isa sa mga upuan sa reception area.
Walang bumibisita sa akin sa trabaho ko.
Walang bumibisita sa akin, period.
Lumakad ako papunta sa lalaking nakaupo at tumayo sa harap niya. Nakabaon ang mukha niya sa isang magasin.
"Hello, matutulungan ba kita?" tanong ko, naguguluhan sa lalaking ito. Nang ibinaba niya ang libro at nagtama ang mga mata namin, natanto ko kung sino siya.
"Oh my God, anong ginagawa mo rito at paano mo ako natagpuan?" tanong ko ng galit pero hindi naririnig ng bagong sekretarya.
"Ayaw mo kasi akong kausapin sa telepono kaya naisip kong magpakita na lang ako rito."
"Bradley, trabaho ko 'to hindi dating site. Hindi ka puwedeng magpakita nang ganito sa trabaho ko. Baliw ka na ba?" Inis na sabi ko, "Anong ginagawa mo rito, anong gusto mo?" tanong ko ulit.
"Gusto kitang makausap Jasmine," sagot niya, tinutularan ang mahinang tono ko.
"Umalis ka na!" bulong ko sa pinakamalakas kong kaya.
"Hindi hangga't hindi mo ako kinakausap!" bulong niya pabalik.
Nakita ko ang determinasyon at katigasan ng ulo sa kanyang mga mata. Kailangan ko siyang paalisin bago pa dumating si Mr. Josh Brayan, bawal ang mga ganitong bagay sa mga empleyado.
"Sige na nga! Sabay tayong mag-lunch. Ite-text ko sa'yo ang address," mabilis kong sinabi.
Ngumiti siya nang malawak.
"Kita mo? Hindi naman pala mahirap 'yon at mas mabuti pang hindi ka nagsisinungaling o maghihintay ako sa labas mo ng 4:00 pm."
Tumayo siya at lumakad papalapit sa akin. Magkalapit lang ang aming mga labi.
Mabuti pang huwag na niyang isipin 'yon.
"Magkita tayo ng 12," sabi niya sa isang napaka-mapang-akit na mahinang bulong na nagpaguho sa aking dugo. Umalis siya at nagmadali ako sa aking opisina.
Kinatatakutan ko ang alas dose at parang napakabilis niyang dumating. Talaga namang tinext ko sa kanya ang address ng magandang maliit na restaurant na palagi kong kinakainan mag-isa.
Pagkarating ko, nakaupo na siya sa isang mesa. Kinawayan niya ako at dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya. Umupo ako at itinaas ko ang menu sa aking mukha, tinatakpan ang aking sarili mula sa kanyang nakatutok na titig. Nanatili siyang tahimik pero sigurado akong nakatingin pa rin siya sa akin.
Kinuha ng waitress ang aming mga order at kinuha ang mga menu.
grabe! Wala na akong choice kundi ang tumingin sa kanya.
"Kumusta ka na?" tanong niya, binasag ang katahimikan sa pagitan namin.
"Okay lang naman ako," sagot ko.
Hindi ko naman sasabihin sa kanya ang alinman sa aking mga problema, lalo na ang sa nanay ko.
"Alam mo, hindi ka nagbago kahit kaunti. Ikaw pa rin ang matamis na inosenteng Jasmine mula sa kolehiyo."
Gawa-gawang ngiti ang ginawa ko.
"Ikaw? Kumusta ka na?" tanong ko, hindi dahil interesado ako sa kanyang buhay, nagpapakababae lang ako.
"Oh ayos naman ako. Kinuha ko ang multi-milyong dolyar na negosyo ng aking ama at madalas akong naglalakbay lately....." sabi niya.
Sa totoo lang, sarili niya pa rin ang pinag-uusapan niya pero hindi ko na siya pinakinggan nang sinabi niyang kinuha niya ang multi-milyong dolyar na negosyo ng kanyang ama.