KABANATA 84
'Lahat ng kalokohang 'to, pwede sanang naiwasan kung ginawa ni Michael yung dapat niyang GAWIN!" Sumigaw siya, yung huling salita niya umaalingawngaw.
Kinabahan si Jevan sa mga bisig ko.
"Michael?" tanong ko. Naguguluhan ako kung anong koneksyon meron si Michael at Aria.
"Oo. Yung dati kong backup singer sa banda ko, ex-boyfriend ko rin, na nagtatrabaho rin sa parehong restaurant na pinagtatrabahuhan mo. Yung umatake sa 'yo at dapat magpalaglag sa 'yo. Nakakatawa talaga kung paanong gagawin ng ex mo ang lahat ng gusto mo, umaasa lang na babalikan mo siya.
Pinabayaan kong stalk-in ka niya. Nalaman kung saan ka nakatira, at sa tamang tyempo, inatake ka niya."
Of course!
Si Michael pala ang umatake sa akin.
Hayop siya.
Si Michael yung pangalan ng dating backup singer ni Aria sa banda niya pero wala akong ideya na kinakama niya pala 'yon. Pagkaalis niya sa banda, nagtrabaho siya sa restaurant.
Paano ko 'yun napalampas?
Nagkasama kami ni Michael sa restaurant pero ayaw ko sa kanya. Creep siya at lagi niya akong tinitingnan na parang nirerape niya ako gamit ang mga mata niya. Siya lang yung taong nagpapahirap sa akin habang nagtatrabaho ako doon.
"Kaya nung hindi nag-work ang plano, bumalik sa akin dahil binalik ni Evan yang gago mong katawan sa mansyon. Hindi na kita maabot, palaging nakapaligid yung mga katulong at mga chef at palaging nakabantay din ang mga security guard.
Kaya naghintay ako at nag-isip ng panibagong plano. Nagbayad ako ng malaking halaga para sa pekeng DNA test na 'yon at nung pinalayas ka ni Evan, kasama yung munting unggoy na 'yon..."
Pumahinto siya at tinutukan ng baril si Jevan.
"Sobra akong nasiyahan. Misyon kumpleto!" Sabi niya pa, "Pero yung bruhang ina na 'yon, nakialam at nagpagawa ng bagong DNA test, kaya ayun, lugi na naman ako at alam na ni Evan ang totoo at alam kong isisiraan niya ako pero bago niya gawin 'yon, nandito ako para makuha ang kasiyahan ko minsan at sa lahat!!"
Inalis niya ang safety ng baril at hinawakan ng mga daliri niya ang gatilyo.
"Tutamaan ko kayo ni Evan kung saan kayo pinakamasakit."
Lalo pang humigpit ang yakap ko sa baby ko at pareho kaming umiiyak.
Alam ko kung anong ibig sabihin niya sa 'kung saan pinakamasakit'.
Papatayin niya ang anak namin.
**POV ni Evan**
*Kanina sa Brooklyn* 12:10pm
"Anak, parang hindi namin mahanap yung eksaktong lokasyon ni Jasmine. Sinubukan naming i-track yung cellphone niya pero nawalan kami ng koneksyon," paliwanag ng tatay ko sa kabilang linya.
Nakaupo na ako sa private jet ko, si EJ nasa tabi ko.
′Zenia!′ naisip ko.
Dinial ko yung numero niya.
"Hello."
"Zen. Si Evan 'to. Kailangan ko yung eksaktong address ni Jasmine."
"Hindi kita pwedeng bigyan ng gano'n."
"Zenia please! Kailangan kong puntahan ang kapatid mo sa lalong madaling panahon!" pagmamakaawa ko.
"Sumumpa ako na hindi magsasalita. Traydor ako kay Jasmine kung sasabihin ko sa 'yo."
Alam ko na sa puntong ito, hindi niya ako bibigyan ng address maliban kung gagawa ako ng isang bagay na hindi ko gusto. Suhol.
"Zen, kung gagawin mo 'to para sa akin, bibigyan kita ng kapital para magsimula ng sarili mong linya ng damit at boutique. At 'yan ay pangako."
May mahabang paghinto sa kanya, na isang magandang senyales dahil alam kong pinag-iisipan niya ang aking panukala. Sinabi sa akin ni Jasmine na pangarap ni Zenia na magkaroon ng sarili niyang fashion boutique balang araw.
"Okay. Ite-text ko sa 'yo ang address at numero ng apartment."
Bingo!
Umalis kami papuntang langit makalipas ang sampung minuto.
Nung dumating kami sa LA ng 5:45pm, naghanap kami ni EJ ng address na tinext sa akin ni Zenia.
"Sa tingin ko ito 'yon," sabi ni EJ habang tinuturo niya ang apartment #12.
"Tara na," sagot ko at umakyat na kami sa hagdanan.
Tapos nakarinig kami ng putok ng baril.
"MAG-INGAT KA!" sigaw ko kay EJ habang tumatakbo ako papunta sa apartment ni Jasmine. Wala akong ideya kung saan galing yung putok ng baril pero habang papalapit ako ng papalapit sa apartment #12, naririnig ko ang iyak ng isang sanggol.
Sinira ko yung pinto at agad na umakyat ang dugo ko, umabot sa pinakamataas na antas.
Nakatayo si Aria na may hawak na baril. Nakahiga si Jasmine sa sahig, basa ng dugo ang T-shirt sa likod niya, at yung baby, yakap-yakap niya, umiiyak.
Sinunggaban ko si Aria sa lupa na parang tinuruan ako ni Roman Reigns sa buong buhay ko.
Lumipad yung baril mula sa kanyang kamay at dumausdos sa ilalim ng kalapit na sofa.
"EJ! TAWAG KA NG 911!" sigaw ko habang lumalakad siya ng maingat. Nanlaki ang mga mata niya nung nakita niya ang sitwasyon sa silid.
Kinuha niya ang cellphone niya at kinuha si Jevan mula sa mga bisig ni Jasmine. Hindi gumagalaw si Jasmine. Nakahiga siya nakadapa sa isang pool ng dugo. Ang dugo niya ay nasa buong sanggol.
Binuhat ko si Aria at ibinagsak siya sa isang sulok. Hindi ako nananakit ng babae at ayaw kong manakit ng mga babae kaya pinagsama ko ang mga kamay niya gamit ang aking sinturon at inilagay siya sa isang upuan. Kinuha ko ang singsing ko sa kanyang daliri.
"Ev...Evan," sabi niya. Naubusan siya ng hininga.
"Manahimik ka. Wag mo nang subukang kausapin ako. Babayaran mo ang lahat ng ginawa mo!" sinigaw ko sa kanya.
"Sorry."
"Nagdala ka ng baril sa apartment ni Jasmine at binaril mo siya na hawak-hawak ko ang anak ko at sasabihin mo sa akin na nagsisisi ka?"