KABANATA 56
?Opps, 'wag mo siyang sabihan na ako nagsabi, ah.
'Oo nga. Pinalitan ni Dexter 'yung mga shift kagabi,' sagot ko, habang kumuha ng isang pancake at nilulunod sa syrup.
Si Dexter 'yung supervisor at pangalawa sa may hawak ng posisyon. Siya 'yung may kapangyarihan para umupa at tanggalin ang mga tao pero sobrang kalmado niya at hindi niya inaabuso 'yung kapangyarihan niya. Friendly din siyang tao, malaki 'yung katawan at may malaking tiyan na parang beer. Tinatawag namin siyang 'Bear'.
Pagkatapos lumamon ng tatlong malalaking pancake, kumuha ako ng isang bote ng tubig mula sa fridge at inilagay sa bag ko. Sinabit ko 'yung bag sa balikat ko, hinalikan ko si nanay, nag- 'bye-bye' sa kapatid ko at tumakbo palabas ng pinto.
Maaga ako sa trabaho kaya nagpasya akong maglakad. Binuksan ko 'yung payong ko mula sa mga sikat ng araw, binuksan 'yung bote ng tubig ko at uminom ako habang naglalakad.
'Yung restaurant hindi naman malayo sa tinitirhan ko. Bente minutong lakad lang kaya walang sense kung sasakay pa ako ng bus.
Nag-check in ako pagkapasok ko sa entrance ng mga empleyado. Inilagay ko 'yung bag ko sa locker ko, binalot 'yung apron sa bewang ko at pumunta na sa floor.
Gustung-gusto ko 'yung morning shifts. Mas madali kaysa sa night shifts. Hindi masyadong busy, at walang humihingi ng alak. Laging kape o tsaa at mga pagkain sa almusal.
Sa break time, nasa bar ako nakikipag-usap kay Dexter nang may matinding sakit na sumundot sa tiyan ko. Bigla akong nahilo at kumapit sa counter top para makahawak.
'Yung mga kamay ko pawisan at kahit mainit sa labas, nilalamig ako. 'Yung panga ko kumapit habang sinusubukan kong lagpasan 'yung sakit.
'Jasmine, okay ka lang ba?' tanong sa akin ni Dexter, lumapit sa akin at inilagay ako sa isang stool.
'Oo, okay lang ako.'
'Yung tipikal na sagot.
'Nagliliyab ka. Kukuhanin kita ng baso ng tubig,' sabi niya.
Narinig ko 'yung tunog ng baso na pinupuno sa gripo pero hindi man lang lumapit sa labi ko 'yung tubig.
'Yung stool at ako tumumba at nilamon ako ng kadiliman.
Dahan-dahan kong binuksan 'yung mga mata ko. Isang nakakasilaw na liwanag ang nagpatikom sa akin at binuksan ko ulit hanggang sa nag-adjust 'yung paningin ko sa maliwanag na ilaw sa isang puting kwarto.
Mga tunog ng beeping ang naririnig at isang monitor ang nagpapakita ng sonogram sa dingding.
Nasaan ako?
Nagawa kong umupo at tumingin sa paligid ko. Nasa isang maliit na kama ako na may IV na nakatusok sa kamay ko.
May mga luha sa mga mata ko.
Ayoko sa mga ospital.
'Paano ako nakapunta dito?'
'Bakit ako nandito?'
'Gaano ako katagal dito?'
Nakita ko 'yung dalawang nakangiting mukha na papasok sa kwarto. Si nanay at kapatid ko.
'Naku, sobrang nag-aalala kami,' panimula ni nanay.
'Kumusta ka na?' tanong ni Zenia.
'Bakit ako nandito? Anong nangyari? Kailan ako makakauwi?' tanong ko, nababasag na 'yung boses ko. Ayoko sa mga ospital.
'Kung kaya ko lang tumakbo palabas dito, gagawin ko.'
'Susunod na 'yung doktor sa 'yo, pero nahimatay ka sa trabaho. Dinala ka rito ni Dexter. Sabi niya umikot 'yung mata mo sa likod ng ulo mo bago ka natumba,' paliwanag ni Nanay.
'Ano?' Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
Nahimatay ako sa puny*t*ng trabaho?
'Okay ka lang. Siguro mainit lang o ano,' dagdag ni Zenia. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
'Hello sa lahat,' isang pamilyar na boses ang bumati sa amin. Kilala ko 'yung boses na 'yun kahit saan. Siya 'yung doktor ni nanay at ngayon siya ang nag-aasikaso sa akin. Si Dr. Shannon. Sa matalim na puting coat at puting scrubs niya.
'Hello doktor,' binati siya ni nanay.
'Masaya kitang makita ulit Susan, pero hindi sa ganitong sitwasyon,' bati niya at nakipagkamay kay nanay.
'Kailangan kong makausap si Jasmine Blackman nang pribado muna,' dagdag niya ulit.
Hinalikan ako ni nanay at Zenia sa pisngi at umalis sa kwarto.
'Nandito lang kami sa labas,' tawag ni nanay habang lumalabas siya ng pinto.
Si Dr. Shannon ay lumingon sa akin.
'Kumusta ka na?'
'Okay naman ako.'
'Naaalala mo pa ba kung ano 'yung naramdaman mo bago ka napunta rito?'
'Sobrang sama ng pakiramdam ko. Nanginginig ako kahit sobrang init ng umaga. Nasa trabaho ako at inalok ako ng baso ng tubig ng supervisor ko at 'yun lang 'yung natatandaan ko,' naalala ko.
'Jasmine, sobrang stress ka ba nitong mga nakaraan?'
Biglang nag-flashback sa isip ko si Evan, 'yung pag-resign ko sa trabaho at 'yung nalaman ko na walang intensyon si Bradley kundi ang 'paglaruan' ako ulit.
Naalala ko lahat ng beses na umiiyak ako bago matulog dahil hindi tinanggap ni Evan 'yung paghingi ko ng tawad o sumagot sa kahit anong text ko.
Naalala ko 'yung nakita ko siya sa restaurant na may kasamang ibang babae na naglalambingan.
Sinisi ko 'yung sarili ko dahil sa kanya at tingnan mo kung saan ako dinala sa huli.
'Oo,' sagot ko nang totoo.
'Okay, alam mo ba kung ano 'yan?' tanong niya sa akin, itinuro 'yung sonogram sa dingding.
Tumango ako ng oo.
'So bakit hindi mo inaalagaan 'yung sarili mo?' tanong niya ulit.
Okay, nalito na ako.
'Bakit mo ako pinapakitaan ng litrato ng sonogram ng baby kung malinaw na hindi 'yung baby ko dahil hindi ako buntis?'
'Nalilito ako doktor,' sinabi ko sa kanya. Totoong naguguluhan ako.
'Jasmine, alam mo bang buntis ka ng isang buwan?'
Nahimatay ako ulit.