KABANATA 52
Alas onse y medya na ng umaga.
Nagsimula nang kumirot ang pwet ko sa upuan at kumulo ang tiyan ko. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad paikot sa waiting area.
Ang mga mata ng secretary, pasulyap-sulyap sa akin kada segundo.
“Alam niyang nandito ako, 'di ba?” tanong ko.
“Oo naman,” sagot niya.
Umupo ulit ako. Nagbabasa ng magazine para lumipas ang oras.
May naamoy akong pamilyar. Tumingala ako at nakita ang pigura niya na naglalakad papunta sa pribadong elevator niya.
“L-lunch na siya,” sabi ng secretary nang makita ang pagtataka sa mukha ko.
Alam niyang nandito ako. Alam niyang nakaupo lang ako rito at nag-request akong makita siya. Dadaan-daanan niya lang ako nang hindi man lang ako kinikilala.
Siguro naman deserve ko 'yon.
Pumunta ako sa cafeteria ng mga empleyado at bumili ng meryenda at softdrink. Nagutom na kasi ako. Sobrang lakas ng kalampag ng tiyan ko at sigurado akong narinig 'yon ng secretary.
Pagkaupo ko ulit sa waiting area at kinain ang meryenda ko, dumaan ulit siya papunta sa opisina niya.
Tumunog ang telepono. Sinagot niya.
“Makikita ka na niya, Miss Blackman.”
Huminga ako nang malalim, ang tagal ko na palang nagpipigil ng hininga. Tumayo ako, biglang nanghina na parang sinipsip lahat ng lakas ko.
Alam kong kaba lang 'to.
Naglakad ako papunta sa opisina niya. Napatingin ako sa desk na kinauupuan ko dati. Walang nakaupo pa roon.
Salamat naman.
Kumatok ako at pumasok sa opisina niya. Nagta-type siya sa computer at hindi man lang ako nilingon.
Tumayo ako, dahil hindi niya ako inalok ng upuan. Nanahimik din ako, naghihintay na pansinin niya ang presensya ko sa opisina niya.
Nag-type siya.
Walang imik mula sa akin.
Ang tunog lang ng pagpindot sa keyboard ang naririnig sa buong silid.
“Evan,” panimula ko.
Malinaw na hindi siya magsasalita hangga't hindi ako nag-uumpisa.
Nag-type siya.
“Evan. Patawad talaga sa ginawa ko noong Gala,” sabi ko ulit, umaasang mapapansin niya ako.
Nag-type siya.
“Puwede mo ba akong tingnan man lang?” tanong ko.
Nag-type siya.
Sumisigaw ang isip ko na umalis na pero ang puso ko nagsasabing manatili. Sinara niya ang computer at sa wakas, nagtama ang mga mata niya sa akin. Nakakatakot na ang pagiging abo ng mga mata niya ngayon. Ang bagay na pinaka nagugustuhan ko sa kanya ay naging isang takot. Sumandal siya sa upuan niya, tiniklop ang mga braso sa dibdib niya at walang emosyon ang mukha niya.
“Sorry,” sabi ko ulit. Pautal-utal ang boses ko.
“Bakit ka nandito?” Ang tono ng boses niya may pagkainis.
“Nandito ako para sabihin na nagkamali ako at, at….” Tumigil ako. Hindi ko alam paano sasabihin sa kanya na gusto ko ang trabaho ko, at kung gaano ko siya gustong bumalik sa buhay ko.
“Evan, nagkamali ako.”
“Nagkamali?” tanong niya at tumayo mula sa upuan niya. Lalo akong kinabahan.
“Nagkamali Jasmine?” ulit niya. Ang tanging oras na inuulit niya ang sarili niya ay kapag hindi niya maintindihan ang sinasabi ng isang tao.
“Hindi ka nagkamali! Pumili ka! May pagkakaiba 'yon. Dapat matuto ka niyan.”
Napalunok ako.
“Nagugulat talaga ako na nandito ka. Ano? Hindi nagwork ang sa inyo ni Pittsburg?”
“Hindi ako… hindi ako nandito para…pag-usapan si Bradley,” nauutal kong sabi.
“ANO BA TALAGA ANG GUSTO MO?” tanong niya nang pasigaw na nagpakagulat sa akin. Hindi ko pa naririnig ang ganong tono ng boses niya. Narinig ko na kapag galit siya, pero bago ang ganitong grado.
“Gusto ko ang trabaho ko at gusto ko rin ikaw,” nagsikap ako para mahanap ang lakas ng loob para masabi ang mga salitang iyon.
Tumawa si Evan nang mapanukso. Umiling siya at bumalik sa upuan niya.
“Napunan na ang posisyon mo sa trabaho. At para sa akin,” itinuro niya ang sarili niya. “Hindi ako pangalawang pagpipilian ng kahit sino.”
Kinuha niya ang isa sa mga kabinet niya at may itinapon sa paanan ko.
Tumingin ako at nakita ang isang bouquet ng puting rosas.
“Tapos na ako sa'yo. Lumayas ka sa opisina ko.”
POV ni Evan
Si Emily ang naging pari ko, si Zack ang therapist ko at si EJ naman ang nag-akting bilang guidance counselor. Pinigilan nilang tatlo na hanapin ko si Bradley at durugin siya ng walang gamit ang kamay ko.
Ang makita si Jasmine, mas lalo lang nag-channel sa galit ko. Hindi ko inaasahan na babalik siya nang ganun kabilis pero dapat magpasalamat siya at maayos ang isip ko.
Hindi pa ako nakahawak ng babae at hindi ko iisipin na gawin ang ganoong duwag na aksyon, pero gusto kong masaktan siya kagaya ng pananakit niya sa akin at sa kahihiyan na ginawa niya sa Gala ko. Sana ang rosas ay nagawa ang statement na 'yon.
Ako ang naging usapan mula noon, na isang bagay na sinusubukan kong iwasan o pigilan.
‘Ang bilyonaryo, binigay na pabalik ang trabaho sa kanya.’
‘Ang katulong ng bilyonaryo, tinulungan ang milyonaryo sa kanyang Gala.’
‘Bilyonaryo versus milyonaryo dahil sa isang katulong.’
Sawang-sawa na ako sa lahat ng naririnig.
Ang totoo, namimiss ko si Jasmine at kinailangan kong pigilan ang sarili kong yakapin siya nang pumasok siya kanina. Miss ko ang presensya niya at ang mabangong amoy niya. Ang malalaki niyang kayumangging mata na sumisigla kapag nakikita niya ako, gustung-gusto ko ang mga mata niya.