KABANATA 27
Naku po. Literal na nagiging sakit ko na yung sakit niya.
Pinunasan ko yung luha ko para 'di makita ng mga kapatid ko. Bumalik ako sa desk ko, habang nakatingin sila sa akin at kay Jasmine.
“Ummm, Evan,” panimula ni Emily, “Anong nangyayari dito?”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya.
“Kinikilig ka sa katulong mo,” sagot ni EJ.
“Ano? Hindi ako kinikilig kay Jasmine. Yung nanay niya….”
“Ay, tinatawag mo siyang pangalan. Ang cute,” sabi ulit ni Emily na parang nang-aasar, pinutol niya ako.
Pinanliitan ko siya ng mata.
“Anong problema sa nanay niya, ah? Mukhang seryoso,” tanong ni EJ.
“Wala akong masyadong alam sa nangyayari. Ang sabi lang niya sa akin, nasa ospital yung nanay niya at 'di okay,” sagot ko.
“Okay pero yung sinabi niya kanina, kailangan niyang pumirma ng ilang papeles para magbigay ng pahintulot sa ospital para i-pull…something.”
“Exactly. I-pull yung plug. Mamamatay na ba yung nanay niya?” tanong ni Emily ngayon.
Ginulo ko yung buhok ko at tinitigan yung dalawang mukha na nag-aalala na nakatingin sa akin.
“Evan! Kailangan mong gumawa ng paraan. Kailangan mong alamin kung ano talaga ang sakit ng nanay niya!” sigaw ni Emily.
“Hindi ko kayang isipin na mawawala yung nanay niya kaya 'di ko kayang isipin kung ano talaga yung pinagdadaanan ng katulong mo,” sabi ni EJ.
“Tatawag ako,” sabi ko, nilapit yung telepono sa akin at naghanap sa listahan ng mga ospital na malapit.
Yung una kong nakita,
Saint Street Medical Hospital. Mga dalawang milya lang mula sa kompanya ko.
“Salamat sa pagtawag sa Saint Street Medical. Paano kita matutulungan?” sagot ng isang receptionist.
“Magandang hapon. Ako si Evan Hollen,” sabi ko.
Narinig ko yung mahinang paghinga niya.
“Opo G. Evan Hollen. Paano kita matutulungan?” tanong niya nang may sigla ngayon.
“Tumatawag talaga ako para magtanong ng ilang impormasyon tungkol sa isang pasyente sa ilalim ng pangangalaga niyo.”
“Anong pangalan ng pasyente?”
“Wala akong first name niya. Alam ko yung apelyido niya ay ‘Blackman’ at may dalawa siyang anak na babae. Isa sa pangalan na Jasmine Blackman’. Sigurado akong palagi siyang bumibisita.”
“Sandali lang G. Hollen.” Sabi niya bago ako i-on hold.
“Anong sabi niya?” tanong ni Emily na 'di na makapaghintay.
“In-on hold niya ako, pero sa tingin ko ibibigay niya sa akin yung impormasyon.”
“So basta magbibigay lang sila ng pribadong impormasyon sa kung sino man sa telepono?” tanong ni EJ.
“Hindi ‘kung sino man’ dahil sinabi mo yan ng bastos. Pero gagawin nila ito sa isa sa pinakagwapo, pinakamatagumpay, pinakamayaman na binata sa buong mundo. Ang kapatid natin,” Kumalat yung pananabik sa mukha ni Emily.
“G. Hollen? Nandoon ka pa ba?” yung boses ay nagmula ulit sa telepono.
“Oo nandito ako,” sagot ko.
“Susan Blackman ang pangalan ng pasyente. Edad na apatnapu't walo. Ang kundisyon niya ay End Stage Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD na lang. Kailangan niya ng transplant o mamamatay siya.
Nakikita ko sa screen ng computer ko, yung natitirang haba ng buhay niya ay dalawang linggo na lang o mas maaga pa.”
Nanlamig yung dugo ko.
“Kawawa naman si Jasmine,” naisip ko.
“May magagawa pa ba para mailigtas siya sa kamatayan?” tanong ko.
“Oo, lungs transplant.”
“So bakit hindi pa nagawa yun?”
“May bayad na sampung libong dolyar ($10,000.00.) At karagdagang bayad para sa mga operasyon at bayad sa paghihintay para ilipat ang pangalan niya sa pinakatuktok ng listahan. Lahat ay aabot sa isang daang libong dolyar ($100,000.00).
Hindi ako naniniwala na may ganoong kalaking pera yung mga anak niya para isagawa ang mga pamamaraan na ito.”
“Salamat sa impormasyon,” sabi ko.
“Walang anuman.”
Tinapos ko yung tawag.
“OH MY GOD?!” tanong ni Emily.
“Mamamatay na talaga yung nanay niya. COPD end stage. Kailangan niya ng lungs transplant,” buod ko.
“Oh my gosh Evan!” nag-umpisang umiyak si Emily.
Niyakap siya ni EJ.
Si Emily ay palaging emosyonal.
Babala, huwag mong tawagan si Emily sa bahay mo kung emosyonal ka pero gusto mong malampasan ito, paiiyakin ka lang ni Emily lalo.
“May gagawin ka ba Evan?” tanong sa akin ni EJ, hawak pa rin yung kapatid namin.
Tumango ako, “Magpapadala ako ng pera ngayon.”
‘Hindi ako papayag na mamatay yung soon-to-be mother-in-law ko,’ sabi ng kalooban ko.
“Tara guys, alis na tayo dito,” sabi ko, tumayo mula sa upuan ko at inayos yung suit ko.
“Hindi ka na magtatrabaho?” tanong ni Emily habang umiiyak.
“Bentahe ng pagiging boss. Ayusin mo yung
mukha mo at tara na. Ako na ang bahala,” sabi ko sa kanya.
Tumayo siya at nawala sa washroom ko na tumatakbo.
“Babae,” biro ni EJ.
POV ni Jasmine
Pinirmahan ko yung mga papel ng pahintulot na nangangatog yung kamay ko. Hindi ko man lang kayang hawakan ng maayos yung ballpen para pirmahan nang maayos yung pangalan ko.
Ibinalik ko yung mga dokumento kay Dr. Shannon pagkatapos basahin ng mabuti at lagdaan yung pangalan ko sa guhit. Ginulo ko yung buhok ko at tinakpan ko yung mukha ko ng palad ko habang umiiyak ako ng mahina sa kanila.