Kabanata 26
"Opo, ma'am." Boses babae 'yon.
"Okay. Kailangan ko ng mga dokumento mula sa archive ng kompanya, ibigay mo sa 'kin. Pakiusapan mo sila na ibigay sa 'yo ang mga dokumento tungkol sa kita ng kompanya at pagkatapos ay dalhin mo sa opisina ko."
"Sige po. Anong pangalan mo?"
"Heather Welds."
Kinilabutan ako.
"Naghihintay po ako, ser. Paki-bilisan."
At pagkatapos noon, binaba na niya ang tawag.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras, lumabas ako sa opisina ko at naghanap ng daan papunta sa archive kung saan ko kinuha ang mga dokumento. Pagkatapos, sumakay ako ng elevator pataas sa palapag kung saan naroon ang opisina ni Heather.
Nakarating ako sa pinto niya at kumatok.
"Pasok."
Pumasok ako. Nakaharap ang upuan niya sa mga bintana.
Naglakad ako papunta sa lamesa niya dala ang mga dokumento.
"Eto po, ma'am," sabi ko.
Dahan-dahan siyang lumingon sa upuan niya at iniunat ang kamay niya para kunin ang mga dokumento. Siya ang pinakamagandang babae na nakita ko.
Mas maganda pa siya ng harapan kaysa sa mga litrato.
POV ni Heather:
Kinuha ko ang mga dokumento mula sa kamay niya at doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa mukha niya.
Gwapo siya. Cute. Elegant. Sexy.
Inaasahan ko na bata pa siya pero hindi ganito kabata. Noong inilarawan siya ni Sawyer, akala ko nagmamalaki lang siya. Tama siya. Nalunod ako sa mga iniisip at nakalimutan kong nakatitig pa rin ako sa kanya.
"Ako si Ace," bumalik ako sa ulirat sa boses niya. Tiningnan ko siya. May sexy smirk siya. Naramdaman ko na uminit ang pisngi ko, gaya ng madalas. Lagi akong namumula.
Lagi akong mahiyain at kimi sa lahat maliban sa kapatid ko at kay mommy. Galing siguro ito sa yumaong si Tatay.
"Welcome Ace, sa kompanyang ito," sagot ko.
"Salamat," ngumiti siya. Putspa. Kinilabutan ako.
Karaniwan, hindi agad ako naaapektuhan ng mga lalaki dahil wala akong panahon sa kanila. Ang tinatawag na Ace na 'to ay kakaiba at hindi ko alam kung bakit. Nakakita na ako ng mas cute na lalaki pero may kakaiba sa Ace na 'to. Hindi ko maipaliwanag.
Ngumiti ako pabalik.
"Nabalitaan ko na ikaw ang panganay ni Gng. Welds?"
"Opo."
"At ang pinakamaganda?"
Tiningnan ko siya, hindi makapagsalita sa kanyang pagiging prangka. Mabait siya pero hindi ko siya hahayaan na isipin na pwede siyang makipaglandian kahit kanino. Empleyado pa rin siya. Kailangan kong isantabi ang pagiging kimi ko at maging istrikto kung kinakailangan para maibalik siya sa kanyang lugar at ipaalala sa kanya na ako ang boss.
"Sa tingin ko may iba ka pang gagawin," sabi ko, habang nakasandal sa upuan ko.
"Hindi naman. Ngayon pa lang naman ang first day ko. Pero okay lang," tumayo siya ng tuwid at ipinulupot ang mga kamay niya, "Parang nakakaabala ako?"
"Opo."
"Sorry," ngumiti siya at lumingon para umalis nang dumating si Sawyer.
"Oh. Nakita ko na nagkakilala na kayo ng sekretarya," sabi niya habang nakangiti.
"Oo. Nakita ko na siya," tiningnan ko siya. Tumingin siya sa 'kin at pagkatapos ay umalis.
Lumapit si Sawyer para umupo.
"Okay ka lang ba, Heather? Pula ka. May lagnat ka ba?"
"Um, hindi," hinawakan ko ang noo ko.
"Oh, okay," ngumiti si Sawyer, "So anong masasabi mo?"
"Sa?"
"Sa lalaking si Ace. Kakaiba 'di ba? Hindi siya ngumingiti."
Tinaasan ko ang kilay ko.
"Sigurado ka?"
"Oo. Walang napapangiti sa kanya. Baka suplado o ano."
Ngumiti naman siya sa 'kin.
"Siguro."
***
POV ni Ace:
Hindi nagbago si Heather sa kanyang ugali o personalidad. Kimi at mahiyain pa rin siya.
Ngumiti ako sa sarili ko habang papasok ako sa elevator. Hindi niya ako nakilala, pero nag-react siya sa presensya ko. Pula siya mula nang pumasok ako hanggang umalis ako. Pero, tinatry pa rin niyang mag-matapang.
Kakaiba na nakausap ko ulit siya. Nagdulot ito ng pakiramdam sa 'kin na nakalimutan ko na. Hindi ako nagka-crush o simpleng nagka-gusto kay Heather mula noong bata pa kami. Totoo ang pag-ibig na pinaguguluhan ko at nandiyan pa rin.
Pero hindi ko sasabihin sa kanya kung sino talaga ako. Nagpasya ako na hindi ko gagawin. Babalik ako sa buhay niya bilang isang bagong tao. Siya mismo ang mag-iisip kung sino talaga ako.
Gusto kong gawin ito dahil natatakot ako na nakalimutan na niya ako o ang nararamdaman niya noon ay simpleng pagka-crush at sa paglipas ng panahon ay bibitawan niya na. Hindi ako.
*
Bumalik ako sa opisina ko at ilang minuto pa, dinalhan ako ng katulong ni Christina ng mga bagay na ita-type ko. Isang buong tambak ng mga dokumento na ita-type.
Well, opisyal na ang una kong gawain.
Napapikit ako sa dami ng trabaho at nagsimulang mag-type. Sa tingin ko, hindi na ako makakapag-lunch.
-
Bandang alas uno ng hapon, kalahati pa lang ng malaking tambak ang natapos ko. At lunch time na. Nagbre-break na lahat. Gusto ko munang matapos.
"Hoy, bro," sabi ng isa sa mga nagtatrabaho sa kompanya habang binubuksan ang pinto. Tiningnan ko siya. Blond siya at mga bente-siyete siguro.
"Oh?"
"Sasama kami sa pizza hut sa kabilang kalsada. Sasama ka ba?"
Tiningnan ko ang mga tumpok ko.
"Um, hindi ako makakasama. Marami akong trabaho."
"Oh, sayang naman. Sorry, pare."
Tumango ako.
"Pero kung magbabago ang isip mo at magtatrabaho ka na lang mamaya, alam mo na kung saan mo kami makikita."
"Okay."
"By the way, ako si Aiden."
"Ace."
"Nice. Welcome. Kita tayo mamaya," umalis siya, nakalimutang isara ang pinto.
Magsasara na sana ako nang pumasok si Christina sa opisina ko. Sinubukan kong huwag sumimangot.
"Hindi ka ba maglu-lunch?"
"Sa tingin ko, ikaw ang nag-utos sa 'kin na i-type 'to," sabi ko. Tinitigan niya ako.
"Inutusan ba kita na ipasa mo 'to ngayon?"
Tiningnan ko siya.
"Hindi po, ma'am."
"Kung ganon? Mag-lunch ka na. Kailangan ko 'yan sa katapusan ng linggong 'to, ibig sabihin, may sapat ka pang oras."
Oh.
"Salamat."
"Sure. Gusto mo bang sumabay sa 'kin mag-lunch? Pupunta ako sa sushi," pag-aalok niya.
Tumayo ako at kinuha ang aking suit mula sa likod ng upuan.