Kabanata 3
PINALAYO KO 'yung kotse mula sa resto. Ayoko na tumagal dun kasi baka ma-swallow ko lahat ng sinabi ko at ma-flatter ako sa mga matatamis na salita ni Lester. Ayoko naman umuwi, kaya nagdesisyon ako na pumunta sa isang resto-bar. For a time, gusto kong kalimutan 'yung tungkol dun.
Pumili ako na umupo sa stool sa harap mismo ng bartender.
“Isang tequila, please,” sabi ko.
“Yes, ma’am!”
Mga ilang minuto, nilapag ng bartender 'yung shot glass ng tequila, na agad ko namang ininom ng diretso.
“Isa pa, please!” Hindi ko pinansin 'yung lemon sa harap ko. Ano pa ba ang mas mapait pa sa nararamdaman ko? Kahit sumipsip ako ng lemon at malasahan ko 'yung alat, walang makakatalo sa puso kong wasak na.
“Here, ma’am,” sabi niya nang maayos nang binigyan niya ako ng panibagong shot. Ininom ko ulit ng diretso. Humingi pa ako ng isa pa hanggang sa mahilo ako.
“B-bartender, isa pa, please,” bumulong ako. Malabo na 'yung mata ko.
Yumugyog 'yung ulo ng bartender bago kumuha ng baso. Nung aabutin na niya 'yung baso, may kamay na humablot nito sa akin at ininom nang todo.
“Hoy! Akin 'yun ah!” sabi ko sa pagitan ng paghikab.
“Lasing ka na,” sabi ng isang lalaki sa boses niyang baritone.
Napatawa ako at dahan-dahang inangat 'yung ulo ko para tingnan siya. “At sino ka namang hayop ka?” nagsalita ako nang pa-slur. Kumurap din ako ng ilang beses. Hindi ko siya masyadong makita nang malinaw dahil sa silaw ng mga ilaw. Pero matangkad siya. Malaki 'yung panga niya at perpektong matulis.
Nung nagtagpo 'yung mata namin, tumibok 'yung puso ko.
“Saan ka nakatira? Ihahatid na kita,” mahinahong sabi niya.
“Sino ka para ihatid ako sa bahay ko, ha?!” sigaw ko, sinisiko ko 'yung malapad niyang dibdib. Napansin ko na malakas siya sa katawan.
“Lasing ka. Hindi ka pwedeng mag-drive mag-isa,” sagot niya. Tumingin siya sa bartender bago kumuha ng pera mula sa bulsa niya. “Keep the change.” Inabot niya sa akin 'yung bayad tapos hinarap niya ulit ako. “Tara na. Ihahatid na kita,” sabi niya na may awtoridad sa pagkakataong 'to.
Kasi lasing ako, wala akong nagawa kundi sumama sa kanya. Pero bago pa kami makaalis, nakita namin si Lester, na halatang nagulat na makita kami.
“Baby, anong nangyari?” Agad nagbago 'yung ekspresyon sa mukha ni Lester nung nakita niya 'yung lalaki na kasama ko. “Anong ginawa mo sa girlfriend ko, ha?!” Tapos bigla niyang sinuntok 'yung lalaking kasama ko, na agad namang umatras dahil sa ginawa niya.
Nalaglag 'yung panga ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nangyari. “Tama na, Lester!”
Pero binalik ng lalaking kasama ko 'yung suntok, dahilan para matumba si Lester sa sahig. Susugod pa sana si Lester, pero pumagitna ako sa kanilang dalawa.
“F*ck! Sabi nang tama na!” Sigaw ko ulit nang buong lakas.
“Margaux, hindi mo ba nakikita? 'Yang lalaking 'yan, gusto ka lang samantalahin!” sigaw pabalik ni Lester.
“Hinahatid lang naman niya ako,” paliwanag ko. P*ta, bakit ko pa ba kailangan ipaliwanag 'yung side ko sa hayop na 'to?
“At pumayag ka? Paano kung may masamang gawin siya sa 'yo?!” Lumaki 'yung mata niya, nagngingitngit din 'yung bibig niya sa galit.
Bahala siya sa pakialam niya. “Wala ka nang pakialam sa buhay ko kasi tapos na tayo. Wala kang karapatan na ilayo ako sa lalaking gusto ko!” sabi ko, puno ng galit.
Hindi ko na hinintay 'yung sagot niya. Hinila ko 'yung kamay nung lalaking kasama ko palabas ng bar.
Dumiretso kami sa kotse ko at hinayaan ko na siyang mag-drive para sa akin pagkatapos ko siyang sabihan kung saan 'yung condo ko.
Sumandal ako sa upuan ko at mabilis na nakatulog. Hanggang sa naramdaman ko na may yumuyugyog sa balikat ko. Dahan-dahang dumilat 'yung mata ko at tumingin ako sa lalaki sa tabi ko. May perpektong pares ng mga matang kayumanggi na nakatitig sa akin. Hindi ko maiwasang isipin, hindi pa ako nakakakita ng mga mata na ganun na may sobrang liwanag.
Uminit 'yung pisngi ko dahil sa titig niya. Pinutol ko 'yung tingin ko at bahagyang inayos 'yung sarili ko. “Nasaan na tayo?”
“Nandito na tayo sa condominium na sinabi mo,” sabi niya sa mahinang boses.
Tumikhim ako at sinubukan ko nang husto na umiwas ng tingin. “Uh, yeah . . .” 'Yun lang 'yung nasabi ko.
Lumabas siya ng kotse para tulungan akong buksan 'yung pinto. Lumabas ako ng kotse ko na may pag-aalala. Pero, dahil sa pagkalito at kalasingan, nawalan ako ng balanse.
Masyado na akong huli para pagsisihan 'yung lahat dahil napasubsob ako sa malapad niyang dibdib. 'Yung matitigas niyang kamay ang humawak sa akin nang matatag sa beywang ko habang halos yakapin ko siya.
“Okay ka lang ba?” bumulong siya malapit sa tenga ko.
Hindi agad ako sumagot. Kung paano ako mas lalo pang nalasing sa amoy ng pabango niya na sumasaksak sa ilong ko. P*ta, pwede ba akong magpahinga muna dito? 'Yung amoy niya . . . Agad akong umiling tapos itinulak ko siya palayo.
“Oo naman, okay lang ako!”
Lalayo na sana ako, pero hindi ko mapigilan 'yung mga paa ko sa paghakbang. Halos mapatalon ako nang bigla niyang hinawakan 'yung siko ko.
“Lasing ka pa. Saan 'yung unit mo dito?” tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.
Dahan-dahang bumaba 'yung tingin ko sa mahahaba niyang daliri. Mainit 'yung kamay niya; pinanginginig niya ako.
“Sa ikaapat na palapag,” sagot ko nang paos.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang sumulyap sa kanya. Matangkad siya at siguradong gwapo. Medyo magulo 'yung buhok niya, pero hindi 'yun naging hadlang para mabawasan 'yung dating niyang lakas.
Pinapainit niya ako, kaya ibinalik ko 'yung tingin ko sa kanya. Mabilis kaming nakarating sa unit ko. Binuksan ko nang malapad 'yung pinto.
“Pasok ka muna. Gusto mo bang uminom? Kape, tubig, o juice?” tanong ko at ngumiti.
“Kape na lang,” sagot niya sa mahinang boses.
Agad akong tumango at naglakad patungo sa kusina. Nasa sala siya.
Pagbalik ko, nakita ko siyang nakatalikod at nakatitig sa mga larawan ni Lester at ako na nakasabit sa dingding. Nagkunwari akong umubo bago ko inilapag 'yung kape sa glass table.
“Eto 'yung kape mo,” sabat ko.
Lumingon siya sandali pero ibinalik niya 'yung mata niya sa mga larawan.
“Bakit? May problema ba sa mga litrato?” tanong ko nang may pag-uusisa.
“Wala naman,” sabi niya, tapos tumawa.
Kumunot 'yung noo ko. “Ano 'yung tinatawanan mo?”
“Nagtataka lang ako kung bakit hindi natuloy 'yung kasal niyo. Mukhang perpekto naman kayong dalawa,” komento niya bago uminom ng kape na binigay ko sa kanya at umupo sa sofa.
Lalo pang kumunot 'yung noo ko. Paano niya nalaman na hindi natuloy 'yung kasal namin ni Lester?
“Nasa balita ba? Nabalitaan mo ba 'yung nangyari?” sabi ko, bumubuntong-hininga.
“Hindi,” sagot niya agad, tapos ngumiti.
“Kung ganun, saan mo narinig 'yung tungkol sa kasal namin?” tanong ko nang hindi mapakali. Totoo lang, hindi naman ako magtatanong kasi wala na akong pakialam, pero nagtataka ako kung paano niya nalaman. Hindi ko nga siya kilala.
Tumayo siya at dahan-dahang lumapit. Isang pulgada na lang ang layo niya sa akin bago pa ako makapag-isip na kumurap.
“Hindi mo ba ako natatandaan?” bumulong siya. Nararamdaman ko 'yung mainit niyang hininga sa tenga ko, gustong ubusin 'yung natitirang lakas ko. “Ako 'yung sinigawan mo at sinampal mo sa gitna ng daan. Naaalala mo?”