Kabanata 10
NATAHIMIK AKO. Wala akong balak pag-usapan pa 'to kasi wala ako sa posisyon para hingan siya ng paliwanag.
Pumunta na lang ako diretso sa kwarto na pina-reserve niya kagabi para sa 'kin at napaupo sa gilid ng kama. Kumalma muna ako ilang beses bago ko napansin 'yung pulang rosas na binigay niya sa 'kin. Pumikit ako saglit at inamoy 'yung bango niya. Hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ko ulit 'yung sulat na ginawa niya.
'Hmm. Swerteng rosas . . .'
Dumilat ako. Nakasandal si Lawrence sa frame ng pinto at nakatingin sa 'kin na may nakakurba ang labi. Lumilitaw 'yung dimple niya. Hindi ko mapigilang ma-overwhelm.
Pa'no kaya kung makulong ako sa mga bisig niya, lalo na kung may mas seryosong nangyari sa amin kagabi? Mabilis kong iniling 'yung ulo ko at pinagalitan ang sarili ko sa pag-iisip ng gan'on.
'Luto na 'yung lunch natin. Kain na tayo,' sabi niya bago umalis.
Tahimik akong sumunod kasi gutom na gutom na talaga ako. Hinila niya 'yung upuan para sa 'kin at dahan-dahang tinapik 'yung balikat ko bago umupo sa harap ko. Kumain kami nang tahimik na parang walang nangyari.
'So, kumusta si Peter?' Inikot niya 'yung wine sa baso niya at maingat na tumingin sa mga mata ko.
'Hmm, okay lang naman,' sagot ko. Napansin ko na tinaasan niya lang ako ng kilay bago nagpatuloy sa pagkain.
Hindi na siya ulit nagsalita. Pero nagulat ako nang sumandal siya sa 'kin at nanigas 'yung likod ko sa upuan. Pumikit ako habang pinupunasan niya 'yung gilid ng labi ko. Natunaw 'yung puso ko. Parang namumula na rin 'yung pisngi ko dahil sa hiya.
'Sorry,' sabi niya bago bumalik sa upuan niya.
Lumunok ako. 'Okay lang.'
Nagkatinginan kami hanggang sa tumunog 'yung phone niya sa bulsa niya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya. Grabe, ang gwapo talaga ng lalaking 'to. May maliliit na mata na kumikinang at boses na mas mainit pa sa sikat ng araw.
Pumikit ako nang magsalita siya. 'Tapusin mo na 'yung pagkain mo. May importante akong gagawin sa reception.'
Umalis agad si Lawrence nang matapos akong kumain. Hindi ko na nga tinangkang lumabas ng suite at tinawagan ko na lang si Cindy.
Inaasahan ko na 'yung sunod-sunod niyang tanong, pero hindi ako nagbigay ng kahit anong detalye kasi hindi ako sigurado sa kung ano ba talaga kami ni Lawrence.
Pagkatapos kong malaman na nakarating na siya sa resort, pumunta na kami ni Cindy sa suite. Si Lawrence pa rin ang nasa isip niya, at marami siyang gustong sabihin tungkol do'n. Noong una, ayaw niyang maniwala na walang nangyari sa amin, kaya paulit-ulit siyang nagtatanong. Pero nanatili akong tahimik kahit na nakarating na kami sa suite niya para isuot 'yung gown para sa kasal. 'Yung mga gamit ko na sinasabing si Lawrence mismo ang nagdala ay nando'n na.
'Okay. Maniniwala na 'kong walang nangyari sa inyo, pero konti lang,' sabi ni Cindy na nanginginig habang nakaharap sa dresser. Naayos na 'yung buhok at makeup niya.
Umikot 'yung mata ko. Wala rin namang saysay kahit magpaliwanag pa ako; tutal, parang wala siyang balak maniwala sa mga sagot ko.
Tumingin ulit ako sa gown na isusuot ko. Napakunot 'yung noo ko kasi sobrang revealing ng gown. Hindi ko talaga gusto 'tong suot ko. Kung hindi lang dahil sa kasal ni Cindy, hindi ko talaga 'to mae-enjoy.
'Ang ganda-ganda mo! Sabi ko sa 'yo, para sa 'yo talaga ang mga gawa ko,' sabi ni Cindy nang pareho na kaming handa at suot ko na 'yung gown. 'Tingnan mo 'yung sarili mo sa salamin!' Hinila niya ako at ipinakita niya ako sa full-length mirror habang nasa likod ko siya. 'Ang ganda-ganda mo.'
Pinigilan ko 'yung labi ko. Tiningnan ko siya at inilipat siya sa upuan ko. Humakbang ako sa likod niya at hinawakan ko 'yung dalawa niyang balikat.
'Wala ako kung ikukumpara sa 'yo, bestie. Mas okay ka. Blessed ka at mahalaga ka. Swerte si Carrick kasi ikaw 'yung papakasalan niya,' sabi ko sa kanya.
Umiling siya nang bahagya at ngumiti, pero nakita ko 'yung perlas ng luha na gustong tumulo sa mga mata niya.
Hindi ko na hinintay na umiyak siya, kaya niyakap ko siya mula sa likod.
'Sigurado ako na mas mamahalin ka ni Carrick higit sa kahit ano sa mundo. Maipapangako ko sa kanya na kasama mo siyang magbuo ng pamilya at tumanda,' sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya 'yung braso ko na nakayakap sa kanya at tumango. Talagang ayaw niyang ma-emosyonal dahil sa makeup niya. Binitawan ko na rin siya nang kumatok 'yung wedding planner at 'yung photographer. Sabi ng photographer, magsisimula 'yung photoshoot sa mga flower girls, tapos sa bridesmaids, at huli na 'yung mga magulang niya.
Pagkatapos ng mahabang photoshoot, tinawag na kami para sa paparating na kasal. Kaya iniwan ko na si Cindy para mauna nang pumunta sa venue.
***
'MARGAUX!' NARINIG KONG may tumawag sa 'kin.
'Peter!'
'Wow! Ang ganda-ganda mo ngayong gabi!' Hindi maikakaila 'yung paghanga sa mga mata niya.
'Salamat. Ikaw rin,' Ang gwapo niya sa black suit niya.
'Salamat,' sabi niya nang nakangiti bago ako kinindatan. Inabot niya 'yung kamay niya sa 'kin, at tinanggap ko naman.
Tumingin pa ako kay Carrick, na palaging kasama 'yung best man niya na si Lawrence. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pinapanood 'yung madilim at mapanganib niyang mga mata. Nakasuot siya ng black tuxedo, habang ang groom naman ay nakasuot ng white tuxedo.
Tamang-tama 'yung panahon para sa kasal kasi napakalinaw ng kalangitan. Kahanga-hanga 'yung kalangitan sa gabi, kasama 'yung malamig na simoy ng hangin.
Kumikinang 'yung mga mata ko sa excitement. Feeling ko nasa fairytale ako, pero nakakalungkot na hindi ako 'yung ikakasal. Hindi ko maiwasang bumalik sa mga masasakit na bagay na nangyari sa amin ni Lester. Siguro, oras na para pagalingin 'yung sugat na iniwan niya sa puso ko.
Tumigil ako sa pag-iisip nang nagsimulang mag-ingay 'yung ibang bisita. Nakita ko si Cindy na nag-umpisang maglakad. Napakaganda niya sa white gown. Nakalapat lang 'yung gown sa ibaba ng tuhod at napapalibutan ng nakasisilaw na mga bato na lalo pang nagpapatingkad sa ganda niya. May ngiti sa mukha niya. Ito na siguro 'yung pinakamalapad niyang ngiti simula nang makilala ko siya.