Kabanata 19
Nagsimulang muling tumingin-tingin si Adele. "Ah-ha."
"Kaya ba palagi kang nag-iisa sa school?"
Napatingin si Adele sa lupa at nanahimik sandali bago sumagot, "Hindi… iba kasi. Gusto ko talagang mapag-isa rito. Sa school…ganyan talaga. Okay lang naman. Sanay na kasi ako."
Napatingin si Adele kay Nadine, may lungkot sa mukha na parang tanggap na ang kanyang kalagayan sa school…at halos lahat ng lugar pa nga…tapos bumalik ang tingin sa lupa.
"Adele…naranasan mo na bang makipagkaibigan…para hindi ka laging nag-iisa sa school?"
Tumingin si Adele kay Nadine, nagmamakaawa sa kanyang mga mata. "Kaibigan kita, Nadine…diba?"
"Oo naman. Hindi…ibig kong sabihin, ibang tao; bukod sa akin?"
Super happy sa pagkakaibigan nila ni Nadine, nagtataka si Adele, "Bakit pa ako kailangan ng iba ngayong kaibigan na kita?"
"Maganda na may higit sa isang kaibigan, Adele…" Napatingin si Nadine sa lupa habang nag-aalangan, at tila nagpapahiwatig, tungkol sa nalalapit niyang kamatayan, "Ibig kong sabihin…paano kung mawala ako isang araw…at hindi na bumalik?"
Agad na nag-alala at naguluhan si Adele pagkarinig nito. Hindi siya makapaniwala…kakaibigan pa lang siya ni Nadine…tapos aalis na ito?
"Hindi ka aalis…diba? Pero kaibigan kita…bakit mo ako iiwan, Nadine? Ako…"
Napahagulgol si Adele at nagsimulang umiyak. Agad hinawakan ni Nadine ang kanyang mga kamay at sinubukang pakalmahin si Adele sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasiguraduhan…
"Shh…kumalma ka…hindi kita iiwan."
Pilit na pinigilan ni Adele ang pag-iyak para makapagtanong, "Hindi ka aalis?"
"Hindi."
Nagsimulang huminahon si Adele nang kaunti. "Promise?"
Dahan-dahang hinila ni Nadine si Adele palapit sa kanya; tapos hinagkan siya ng malumanay. "Promise."
Habang yakap si Adele, napansin ni Nadine ang isang usa na lumabas mula sa makapal na damo sa kabilang panig ng clearing at lumapit sa sapa. Nagsimula itong uminom.
Sa mahinang boses, sinabi ni Nadine sa kanya, "Adele…tingnan mo…sa likod mo."
Lumingon si Adele at nakita ang usa. Humarap siya kay Nadine; itinapat ang kanyang hintuturo sa kanyang labi habang mahinang sinasabi kay Nadine…
"Shh…maghintay ka rito."
Pumunta si Adele sa usa; maingat na gumagalaw sa bawat hakbang para hindi ito magulat. Nanood si Nadine na nagpipigil-hininga habang dahan-dahang lumalapit si Adele sa hayop na umiinom. Sa ilang hakbang na lang ang layo niya sa usa, huminto si Adele. Ang usa, na ngayon ay alam ang kanyang presensya, ay tumingin kay Adele. Gumagalaw na parang slow motion, lumuhod si Adele.
Ang usa, na hindi nagpakita ng anumang pag-aalinlangan, ay lumapit kay Adele. Nanood si Nadine na nagtataka habang pinahihintulutan si Adele na abutin at dahan-dahang haplusin ang ulo ng hayop. Pagkatapos ay kumuha si Adele ng isang dakot ng damo at sinimulang pakainin ito.
Hindi na makapaghintay si Nadine. Nagsimula siyang maglakad nang dahan-dahan patungo sa kanila; ngunit sa loob ng kanyang unang ilang hakbang, ang hayop ay mabilis na tumakbo pabalik sa damo.
Lumingon si Adele at nakita ang isang mukhang nadismayang Nadine. Tumayo siya at pumunta sa kanya.
"Sorry…hindi ko sinasadyang takutin."
"Okay lang; huwag mo nang intindihin. Tumakbo lang kasi hindi ka niya kilala; yun lang."
"Actually; sa tingin ko hindi dahil hindi niya ako kilala. Adele…kadalasan, hindi pinapalapit ng mga ligaw na hayop ang mga tao sa kanila ng ganun.". Ngumiti siya kay Adele. "Hindi; may higit pa doon."
"Hindi ko maintindihan."
"Sinasabing may magandang pakiramdam ang mga hayop sa mga tao…kaya sa palagay ko kinumpirma lang ng usang yun ang alam ko tungkol sa iyo."
"Ano?"
Hinawakan ni Nadine ang mga kamay ni Adele at ngumiti ulit. "Na ikaw…Adele Wilson…ay isang espesyal na tao."
Pagkatapos ng kanyang pag-uusap kay Adele kanang hapon sa gubat, natanto ni Nadine na may isang bagay siyang mas ikinababahala pa kaysa sa katotohanang mamamatay siya; at iyon ay kapag namatay siya, mag-isa na naman si Adele nang walang kaibigan.
Desidido si Nadine na hindi hayaang mangyari ito. Siguro hindi niya matatalo ang leukemia sa pagkakataong ito…siguro ang kamatayan ay hindi maiiwasang palapit sa kanya sa bawat araw na lumilipas…ngunit siguradong makakahanap siya ng isang matamis, mabait, kahanga-hangang babae na magkaroon ng kaibigan bago ang kanyang kamatayan. At bakit hindi magsimula sa mga halatang pagpipilian; ang kanyang sariling mga kaibigan.
Ipinahayag ni Nadine na walang malungkot na puno sa malayong dulo ng schoolyard tuwing oras ng tanghalian; dahil kakain si Adele sa kantina kasama siya, Sarah, Trish at Janice…at ang iba pang estudyante sa fifth period lunch na kumakain doon ngayon.
Si Adele, Nadine at ang kanyang mga kaibigan ay nakaupo sa isang malaking mesa ng tanghalian na sila lang. Napansin ni Sarah, Janice at Trish ang ibang mga estudyante sa kantina na nakatingin sa kanilang mesa na gumagawa ng mga komento sa isa't isa. Sinubukan nilang pagka-abalahan ang kanilang sarili; nagkukunwaring hindi alam ang nangyayari. Nagsimulang mag-ayos ng make-up si Sarah; kinakalikot ni Janice ang pagkain sa kanyang tray; at binuksan ni Trish ang isang crossword puzzle book.
Tinapos ni Adele ang pag-scrape sa huling bahagi ng chocolate pudding mula sa ilalim ng lalagyan nito. "Ang sarap…pero kulang lagi."
"Eto; sa iyo na lang.". Inabot ni Nadine kay Adele ang kanyang pudding cup.
"Sigurado ka?"
"Oo."
"Salamat."
Hinatak ni Adele ang takip at masigasig na inenjoy ang matamis na treat. Agad na nahiya si Sarah pagkatapos mapansin ang parang bata na paraan ng pagkain ni Adele; tapos ay lumingon kay Trish at nagsimula ng isang pag-uusap sa pagtatangkang alisin ito sa kanyang isipan.
"So, Trish; anong nangyari sa biglang interes sa crossword puzzle?"