Kabanata 9
Yung unang hambog na bata nagtanong sa kanila, "Nasaan yung ice cream niyo?"
Yung pangalawang hambog na bata, mapang-uyong tinuro, "Mahirap sila…hindi sila makakabili ng ice cream."
Yung pangatlong hambog na bata nang-asar, "Oo nga…hindi mo mabibili 'tong ice cream gamit ang Food Stamps…di ba, mahirap na bata?"
Yung unang hambog na bata sinimulang ikaway yung ice cream cone niya sa harap ng mga mukha nila at nang-asar, "Gee; sayang naman…" tapos lumaklak siya ng matagal at nagpatuloy, "kasi ang sarap talaga ng lasa ng ice cream na 'to."
Yung pangalawang hambog na bata lumaklak sa cone niya at mapang-inis na sumang-ayon, "Oo nga."
Naglakad sila palayo na kinakain yung ice cream cone nila; iniwan yung magkapatid sa gilid na mukhang malungkot.
Nasaktan nito si Adele ng sobra. Kaya niyang isipin kung ano yung nararamdaman nila sa loob; dahil madalas din siyang nakaranas nito. Agad siyang umalis sa pila at pumunta sa kanila.
Nagtanong si Sarah kay Nadine, "Saan siya pupunta?"
Lumingon si Nadine. "Ewan ko."
Umupo si Adele sa gilid katabi nila. "Hi; ako si Adele. Sino kayo?"
Sumagot yung lalaki, "Ako si Bobby. Ito ang kapatid kong si Ellie."
Nakipagkamay siya sa kanila. "Nice to meet you, Bobby at Ellie. Sabagay; gusto niyo ba ng ice cream?"
Mapait na tumango yung mga ulo nila.
"Gusto niyo ba ng meron?"
Nagkatinginan yung magkapatid; tapos tumingin si Ellie pabalik sa kalsada habang si Bobby ay humarap kay Adele at sinabihan siya…
"Hindi kami pwede…" napayuko siya sa kahihiyan, "Mahirap kami. Wala kaming pera."
"Well…meron akong pera. Bibilhan ko kayo ng ice cream kung gusto niyo." Pareho silang agad tumingin sa kanya na nagliliwanag yung mga mukha nila. "Tara; kumuha tayo."
Nanood si Nadine, na may malaking ngiti sa mukha niya, habang yung dalawang bata ay masayang sumunod kay Adele sa kabilang kalsada papunta sa tindahan ng ice cream.
Nung bumukas yung bintana ng tiket, sinabi ni Sarah, "Nadine…kung tapos na si Mother Theresa sa pagpapakain sa masa…nagsisimula nang gumalaw yung pila. Kailangan niyang bumalik dito."
Sumigaw si Nadine, "Adele…tara; maghahanda na kaming pumasok."
Sinabi ni Adele sa magkapatid, "Kailangan ko nang umalis. Kitakits."
Nagsimula siyang maglakad palayo, pero agad siyang pinigilan ni Ellie; na hinawakan si Adele sa braso at hinatak siya pababa sa kanya. Niyakap ni Ellie yung leeg ni Adele at bumulong sa kanyang tainga…
"Salamat, Adele."
Lumitaw ulit yung ngiti sa mukha ni Nadine habang pinapanood yung maliit na batang babae na binitawan si Adele at binigyan siya ng napakalaking ngiti.
Dahan-dahang nagbalik si Adele papunta sa sinehan. Nung nakarating siya doon, sinabi ni Sarah sa kanya…
"Adele, bumalik ka sa pila; malapit na tayo sa bintana."
Nanatiling nakatayo si Adele sa labas ng pila; at panandaliang nanahimik. Sa wakas sinabi niya…
"Okay lang…nagbago na yung isip ko."
Agad na humarap si Sarah kay Nadine. "Anong sinasabi niya…nagbago yung isip niya? Nadine?"
"Adele; anong problema?"
"Wala…ayoko lang…ayokong manuod ng sine; yun lang. Maghihintay na lang ako dito sa labas."
"Ng dalawang oras? Hindi mo pwede…"
"Okay lang. Walang problema sakin ang maghintay."
Biglang nagliwanag kay Nadine. "Teka muna…ginastos mo yung lahat ng pera mo para bumili ng ice cream?" Tumingin pababa si Adele sa lupa at nanatiling tahimik. "Ginawa mo…hindi ba?"
Tumingin pa rin sa lupa, tumango si Adele.
Hindi naniniwala sa kanyang narinig, napasigaw si Sarah, "Oh my God; nagbibiro ka lang. Kaya wala ka nang natitirang pera para sa sine?"
Pumuna si Janice, "Ang tanga naman nun."
Agad na sumang-ayon si Trish, "Oo nga."
Sinamaan ng tingin ni Nadine yung tatlo. "Guys." Humarap siya kay Adele, "Okay lang; ako ang bibili ng tiket mo."
Tumingala si Adele kay Nadine, tapos lumingon at nakita yung mga naghuhusgang tingin na binibigay sa kanya ng mga kaibigan ni Nadine. "Okay lang yun, Nadine; mas gusto kong maghintay sa labas hanggang sa dumating yung mama mo."
Malungkot na naglakad si Adele sa kabilang kalsada at umupo sa bangko ng bus stop.
Muli, si Nadine Martin ay palaging may malambot na puso kay Adele Wilson; pero pagkatapos masaksihan ang sakripisyo na ginawa ni Adele doon ngayon, yung nakaraang pakiramdam na pinakamagandang mailarawan bilang awa lang para kay Adele ay nagbago sa malalim na paghanga sa kanya. Napagtanto ni Nadine na yung sakripisyo ni Adele ay hindi lang dahil sa hindi niya makakanuod ng sine; pero isa na mas monumental.