32. Huli na!
Dumating ang tanghali, huminto ang mag-asawa sa isang kainan sa tabi ng kalsada at doon nag-lunch. Pagkatapos ng kalahating oras na pahinga, nagpatuloy sila sa paglalakbay, gusto nilang makarating sa pupuntahan nila bago dumating ang gabi.
Medyo binilisan nila ang pagmamaneho sa bukas na highway, nakarating sila sa Lashpar Village ng 5:30 ng hapon.
Ipinark nila ang kotse sa isang bakanteng lugar sa labas ng baryo. Mayroon ditong sampung bahay na gawa sa kahoy.
“Nasaan ang bahay ni Marina?” tanong ni Alfa Kalum, nakatingin sa sira-sirang bahay na ilang metro lang ang layo sa pinarkingan nila ng kotse.
“‘Yun ‘yung bahay na gawa sa kahoy sa ilalim ng puting puno ng oak,” turo ni Klaris sa bahay na kailangang-kailangan ng pagkukumpuni. Kunot ang noo niya. Sandali lang, huling punta niya dito, hindi naman ganito ang itsura ng bahay. Anong nangyayari?
“Bakit parang matagal nang iniwan ang mga bahay dito?” nagtatakang tanong ni Alfa Kalum. “Sigurado ka bang bahay ‘yan ni Marina?” tanong niya na hindi makapaniwala.
“Oo naman. Sigurado ako. Ilang beses na akong nakapunta dito,” sagot ni Klaris nang may kumpiyansa. Dito talaga ‘yun… pero may mali sa tanawin. Pangamba at takot ang bumalot sa kanyang isip at puso. Karaniwan, sa ganitong oras, nakikita ang mga bata na naglalaro sa labas ng bahay. Pero ngayon, walang tao!
Nasaan ang mga bata?
Bakit katahimikan at kakaibang pakiramdam ang bumungad sa kanila?
May nangyari ba dito?
Umalis sila ng kotse nang nagmamadali at naglakad papunta sa bahay. Bago pa man sila makarating sa bahay, ang mga bahay na nadaanan nila kanina ay walang tao. May mga pinto na rin na nakabukas.
Kumunot ang noo ni Alfa Kalum. “Parang pinabayaan na ang baryong ‘to,” komento niya. Umigting ang tono ng boses niya.
Kinakabahan, napansin din ni Klaris ang katahimikan ng paligid. Hindi na niya matiis ang pag-aantay. Naglakad siya nang mas mabilis papunta sa bahay at ilang beses kumatok sa pinto. “Marina, buksan mo ‘yung pinto! Marinaaa! Andiyan ka ba?” pasigaw niyang tanong.
Wala pa ring sagot na nanggagaling kay Marina o sa asawa niyang si Karlos.
“Walang sumasagot, baka walang tao sa loob ng bahay ngayon,” sabi ni Alfa Kalum, sumisilip sa siwang ng pinto. “Wala akong nakikita sa loob. May malaking problema dito…” nag-aalala niyang sinabi.
Luminga-linga si Klaris sa paligid, sinusubukang intindihin kung bakit walang laman ang bahay, at wala silang nakitang kahit isang kaluluwa pagkadating nila sa lugar.
Nakita ni Alfa Kalum ang putik sa loob ng bahay. Mabilis niyang itinulak nang malakas ang pinto at malayang bumukas ito. “Tara pasok tayo,” sabi niya.
Pagkapasok nila sa bahay, naintindihan na nila kung bakit parang pinabayaan na ang bahay. Ang sahig ay natatakpan ng makapal na putik. Hindi na talaga pwede tirahan ang buong bahay. Lahat ng kagamitang gawa sa kahoy sa loob ay natatakpan ng putik.
“Mukhang lumubog sa malaking baha ang bahay ng ilang araw,” malungkot niyang sabi.
“Naku, hindi!” napabulalas si Klaris sa sobrang gulat, natatakot sa pinakamasamang pwedeng mangyari. “May ilog sa malapit. Sa tingin mo, umapaw ‘yun noong bagyo? May naganap na nakamamatay na baha dito?” tanong niya. Nanginginig ang kanyang bibig dahil sa nerbiyos, habang namumutla ang kanyang mukha.
“Damn! Mukhang tama ka,” seryosong sabi ni Alfa Kalum, mabilis na tumitibok ang puso para sa kaligtasan ng kanyang anak. “Sana ligtas si Marina, ang asawa niya at ang anak natin sa kung saan,” sabi niya, umiling nang may pag-aalinlangan.
Dahil sa pagkatakot sa kaligtasan ng kanyang anak, nagsimulang tumibok nang mabilis ang puso ni Klaris. Labis siyang nag-aalala sa kinaroroonan ni Kaden. “Sana ligtas sila. Sana ligtas ang anak natin!” kinakabahan niyang sabi, may tumulong luha sa kanyang mga mata. “Kailangan natin siyang hanapin! Kailangan natin silang hanapin! Pero saan!?” hysterical niyang tanong.
Nakita ni Alfa Kalum ang pag-agos ng luha sa mukha ni Klaris. “Sinta, kumalma ka. Huwag na tayong mag-isip ng negatibo. Baka lumipat sila sa ibang lugar, lumipat sa mas ligtas na lugar,” sabi niya nang may pananalig, niyakap siya nang mahigpit, pinapatahan siya.
Hindi na napigilan ni Klaris ang kanyang luha. “Kung may masamang mangyari sa anak natin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Hindi kailanman! Hindi ko siya dapat iniwan dito mag-isa. Kasalanan ko ‘to! Isa akong masamang ina!” sabi niya habang humihikbi, paulit-ulit na sinasaksak ang kanyang puso ng damdamin ng pagkakasala at pagsisisi.
Nabasag siya sa mga bisig ni Alfa Kalum, takot sa kaligtasan ng kanyang anak.
Hinagod ni Alfa Kalum ang kanyang likod nang marahan, pinapatahan siya. “Shh, kumalma ka, sinta. Sana walang nasaktan nang nilindol ng malaking baha ang mga bahay dito. Base sa nakikita natin ngayon, may naganap na nakamamatay na baha dito. Sa tingin ko, umapaw ang tubig mula sa ilog dahil sa malakas na ulan at pumasok sa mga bahay, kaya naman lumikas ang mga tao dito at iniwan ang kanilang mga bahay,” sabi niya, malungkot na umiling.
“Pero… pero saan natin sila mahahanap? Walang tao sa paligid para sagutin ang mga tanong natin,” sabi niya, umiiyak nang malakas. Hindi siya makahinga dahil sa tindi ng sitwasyon.
“Babalik tayo sa pasukan ng baryo at magtatanong kung saan lumipat ang mga may-ari ng mga bahay na ‘to. Baka may nakakaalam kung nasaan sila, at pwede tayong dalhin sa relokasyon,” positibong sabi ni Alfa Kalum, tumatangging tanggapin na namatay ang kanyang anak at ang mag-asawa noong malakas na pagbaha.
“OK,” malungkot na sagot ni Klaris, pinunasan ang luha sa kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang mga kamay.
Lumabas ang mag-asawa sa bahay.
Tumingin si Alfa Kalum sa puno ng oak at napansin ang putik na umaabot sa mga sanga ng puno, halos 4 na talampakan ang taas. Damn! Nagsisimula na siyang mawalan ng pag-asa.
Hindi siya naglakas-loob na sabihin ang tunay niyang nararamdaman ngayon. Pero ang ebidensyang nakita niya sa loob ng bahay at ang eksena sa labas ay nagbigay sa kanya ng isang sakuna. Ang kanyang puso ay napuno ng takot para sa kaligtasan ng kanyang anak na hindi pa niya nakikita at sa kaligtasan ng mga taong nag-aalaga kay Kaden.
Mahirap isipin na ang kanyang anak ay isa sa mga biktima ng baha. Pero totoo ang posibilidad, pinahihirapan ang kanyang puso ngayon. Dahil alam na niya ang mapaminsalang epekto ng pagguho ng lupa na nangyayari sa kanyang sariling angkan, dahan-dahan niyang inihahanda ang sarili para sa pinakamasamang senaryo. Alam na alam niya na walang pinatawad ang baha nang bumagsak ito nang malakas mula sa mga bundok, nagmamadali pababa sa mga baryo nang buong bilis, sinisira ang lahat sa kanyang daanan.
Nakakatakot at sakuna ang pagkawasak.
Pero sa kabila ng matitinding posibilidad, tumanggi ang kanyang puso na sumuko sa kanyang anak. Dinala ni Alfa Kalum ang nagdadalamhating si Klaris pabalik sa sasakyan.
“Sana ligtas ang anak natin, si Marina at ang asawa niya,” sabi ni Klaris sa isang gulong tono, lumalaban sa pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.
“Huwag tayong tumuon sa negatibong aspeto, sinta. Sana ligtas sila,” kalmadong sabi ni Alfa Kalum. Inistart niya ang makina ng kotse at bumalik sa lugar kung saan nakita nila ang ilang bahay na may mga taong nagpapahinga sa labas ng kanilang mga bahay.
Huminto sila sa unang bahay kung saan nakita ang isang matandang lalaki na nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy sa labas ng bahay, nakatitig sa abot-tanaw, may blangkong ekspresyon sa kanyang mukha.
“Magandang hapon po, sir. Gusto ko pong itanong kung ano ang nangyari sa mga bahay malapit sa ilog? Bakit walang nakatira doon ngayon?” tanong ni Klaris.
Tiningnan siya ng matandang lalaki sa loob ng ilang minuto, dahan-dahang pinoproseso ang kanyang mga tanong, pagkatapos ay sumagot siya, “Namatay ang lahat ng tao malapit sa ilog dahil sa malakas na pagbaha na naganap noong super typhoon,” kalmado niyang sagot.
Nanigas si Klaris sa pagkabigla. “Nooooooooooo! Hindi pwede ‘to! Hindi totoo ‘to!” sigaw niya sa kalungkutan at pag-asa. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha habang may bumagsak na luha sa kanyang mukha.
Pumikit si Alfa Kalum nang marinig ang masamang balita. Parang ang kanyang puso ay mahigpit na pinipiga sa loob ng kanyang dibdib. Nagluluksa siya ngayon. Hindi niya matanggap na patay na ang anak na sabik niyang makita.
Niyakap niya nang mahigpit si Klaris, gusto siyang protektahan mula sa sakit at kalungkutan ng pagkawala ng kanilang anak.
“Hindi! Hindi ko matatanggap ‘to! Hindi totoo ‘to! Buhay pa ang anak ko!” humihikbi nang walang kontrol si Klaris sa kanyang mga bisig. Malungkot at wasak ang kanyang puso. Ang pag-iisip na namatay ang kanyang anak nang nag-iisa nang wala siya sa kanyang tabi ay pinuno ang kanyang puso ng pagkakasala at pagsisisi.
Napansin ni Alfa Kalum na nanlumo ang katawan ni Klaris sa kanyang mga bisig. Damn! Nawalan siya ng malay dahil sa tindi ng balita.
Ang kanyang puso ay napuno ng kalungkutan. Maaari lamang siyang umungol sa sakit. Lumalaban siya sa luha, tumatangging umiyak sa lugar na iyon. Hindi siya maaaring magpakita ng anumang kahinaan ngayon. Mas kailangan siya ni Klaris kaysa kailanman. Kailangan niyang maging malakas para sa kanilang dalawa.
Dammit!
Umungol siya sa sakit at kawalan ng pag-asa. Ang pagkawala ng kanyang anak ay parang isang malaking bahagi na ng kanyang namatay.
Dumating sila nang huli para makita ang kanilang anak, at ito ang pinakamasakit na pakiramdam na naranasan niya sa buong buhay niya.