Kabanata 39
Pinanood ko yung mga bata na nagpapalitan sa pag-slide pababa sa mini slide sa park at pinanood ko rin yung isang bata na nakabitin sa monkey bars. Biglang nag-flashback sa isip ko yung araw na nahulog ako sa monkey bar nung sinusubukan kong tumawid. Natumba ako ng todo sa mukha ko at sobrang nasaktan yung ilong ko kaya halos mawalan ako ng malay dahil sa dami ng dugo na tumutulo sa sugat. Akala ni Little Case na natanggal yung maliit niyang button nose nun at nag-panic siya. Naalala ko yung pagtakbo ko kay Bryant na mas nag-panic pa kesa sa akin nung nakita niya yung dugo sa ilong ko.
Pinagalitan niya ako habang dinala niya ako sa klinika at nakasakay ako sa likod niya. Umiyak ako at sinabihan ko siyang tumahimik dahil masakit yung ilong ko.
Ngumiti ako sa katangahan; walang koneksyon yung pakikinig ng tenga ko sa pangungulit niya at yung nasugatan kong ilong.
Hinila ko yung hood ng jacket ko pataas nung may humangin at pinalamig ako. Yung masayang tili ng mga bata na nag-slide pababa sa slide at naghahabulan ay patuloy na pumupuno sa ere. Pero, yung tunog ng sigaw at tili nila ay naglaho. Nakita ng mga mata ko yung pamilyar na mukha na naglalakad papalampas na may tatlong bata sa tabi niya.
Sila yung mga batang nakita ko nung isang araw. Nakaramdam ako ng ginhawa sa buong katawan ko nung nalaman ko na yung posibilidad na yung mga bata ay biktima ng child―trafficking ay maliit lang. Natutuwa ako na nasa medyo ligtas na mga kamay yung mga bata.
Yung isa ay nakaupo pa rin sa balikat nung lalaki, yung maliliit niyang kamay ay nakapalibot sa ulo nung lalaki. Yung dalawa naman ay nakahawak sa kamay niya at muli, yung batang babae yung tumuro sa park. Rinig ko yung mahinang pagmamakaawa niya sa kanya na payagan silang maglaro. 'Please Cole, ilang minuto lang tayo. Nangangako ako babalik ako agad sayo kapag sinabi mong tapos na yung oras natin.' Rinig ko yung tawa ni ‘Cole' na pigil at nagbigay siya ng pag-apruba.
Bumilis yung tibok ng puso ko nung nalaman ko na palapit sila sa akin. Maya-maya pa, yung puso ko ay nagkarera sa dibdib ko. Nagkunwari akong nagkamot ng ulo at dahan-dahang binaba yung hoodie ko para matakpan yung mukha ko.
Ang cute ng mga bata.
Naramdaman ko na lumalambot yung mga itsura ko sa paningin nila. Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa gilid ng labi ko nung pinanood ko kung paano tumakbo yung dalawang bata para sumali sa iba sa playground sa harap ko. Yung pinakabata ay binaba sa lupa at pagkadikit na pagkadikit ng paa niya sa lupa, tumakbo siya kasunod ng dalawa.
Nakuha ko yung sarili ko na nag-iisip ulit, nawawala sa sarili ko sa mga iniisip ko. Tinawag nila siyang Cole at hindi tatay. Inakala ko na Cole yung pangalan niya.
Hindi rin nila siya tinatawag na tito, kahit posible na hiniling niya na wag siyang tawaging tito. Sa tingin ko hindi naman niya sila kadugo at hindi sila magkakamag-anak sa dugo kahit yung pinakabata pwede pero walang paraan para makasigurado ng 100%.
Pwede silang mga pamangkin niya.
Nadurog yung puso ko sa isiping iyon. Muli, naisip ko yung posibilidad na baka nakasakit ako sa mga batang yun sa pamamagitan ng pagsakit sa isang tao na pwede nilang ama.
Naranasan ko na yung pagkawala at isipin na baka ako yung nakapagdulot ng ganung sakit na pwede nilang maramdaman na nawalan sila ng figure na ama sa murang edad ay hindi ko kaya.
Tumulo yung luha sa mga mata ko sa isiping iyon at may bukol na nabuo sa lalamunan ko. Kasalanan ang bumaha sa sistema ko sa isang nanosecond at pinaramdam sa akin na parang nahihirapan akong huminga. Kasalanan dahil sa nagawa ko sa mga kawawang bata na ito at kasalanan na dumating yung pagka-realize ng sobrang huli.
Baka nasira ko yung buhay ng 3 kawawang bata at halos hindi ako natinag sa aking araw-araw na gawain.
‘Nawala na ba talaga yung pagkatao ko?' naisip ko na may labis na takot nung nalaman ko na nakatingin ako sa berdeng talahib sa harap ng sapatos ko, tulala.