Kabanata 84
'So ngayong gabi na 'yon, ha?"
Humarap ako kay Adam nang marinig ko 'yung boses niya.
Nakasandal siya sa may pintuan, nakabulsa 'yung kamay niya habang pinapanood ako.
Nakaupo ako sa sahig ng kwarto ko, nag-iimpake ng mga huling gamit sa duffel bag ko.
'Oo,' nagbuntong-hininga ako habang tinitignan ko 'yung laman ng bag ko.
Hindi na gaano masakit 'yung mga paa't kamay ko kumpara nung mga unang araw pagkatapos ng laban ko kay Cole at sobrang thankful ako.
Umaasa ako sa adrenaline para mawala 'yung sakit mamaya sa laban.
'Mag-ingat ka palagi, Case,' Sabi niya sa mahinang boses kaya hindi ko masyadong narinig. Nginitian ko siya ng mahina.
Gusto kong ipakita na kampante ako at siguruhin siya na okay lang ako mamaya pero sa totoo lang, hindi ako sigurado sa sarili ko.
'Sigurado ako gagalingan mo, Case,' Sabi ni Adam pagkatapos ng ilang segundo habang tinanggal niya 'yung pagkakasandal niya sa pintuan at humakbang para lumuhod sa tabi ko.
'Sana nga,' bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ko ulit 'yung medyo nakasara kong bag.
Sobrang pressure ng gabing 'to. Kailangan kong manalo at tapusin 'yung sinimulan ko.
'Hoy,' naramdaman ko 'yung daliri ni Adam sa baba ko at hinayaan ko siyang iharap 'yung ulo ko para makita 'yung berdeng mata niya. 'Yung madilim na kulay nila, palagi akong pinapakalma.
'Malakas ka. Mananalo ka at mananalo ka,' Seryosong sabi ni Adam. Pagkatapos kong tignan 'yung mga mata niya at hindi nakita 'yung kahit anong pagdududa, napagtanto ko kung gaano kalapit 'yung mga mukha namin. Halos nagkakadikit 'yung mga ilong namin.
Hindi ko namalayang bumaba 'yung tingin ko sa labi niya bago ako bumalik sa mga mata niya.
'Ikaw 'yung pinakamalakas na taong nakilala ko,' Bulong niya, 'yung mainit na hininga niya tumama sa ibaba ng mukha ko. Hindi ako nakahinga nang simulan niya 'yung paglapit.
Hindi ako gumalaw para pigilan siya habang nakatayo ako sa kinatatayuan ko.
Nang nagdikit 'yung labi niya sa akin, may umubo ng malakas at biglang pumasok si Preston sa kwarto. Nagulat ako, kaya tumama 'yung ulo ko sa ulo ni Adam.
Napahawak ako sa sakit at hinawakan ko 'yung noo ko.
Mura ng mura si Adam sa ilalim ng kanyang hininga. Nakita ko siyang nakatingin ng masama kay Preston habang sinisilip ko siya para makasigurado na okay lang siya.
'Oh, nakakaistorbo ba ako?' Tanong ni Preston, nakatingin sa amin na may ngiti sa mata niya. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumiti siya na parang hindi siya nagkasala.
'Oras na para umalis na, mahuhuli na tayo,' Anunsyo ni Preston habang lumalabas siya ng kwarto.
Nagbuntong-hininga ako habang sinasara ko 'yung bag ko. Tinanggap ko 'yung kamay na inaabot sa akin ni Adam at hinayaan ko siyang hilahin ako patayo.
Kumapit ako sa strap ng duffel bag ko para hindi manginig 'yung kamay ko. Ayokong may mapansin na kinakabahan ako. Gabing-gabi na at hindi lang nerbiyos 'yung nagpapahirap sa isip ko, pati na rin takot.
May mga taong gustong pumatay para manalo ng premyo na 'to. Diyos lang ang nakakaalam kung gaano katapang 'yung kalaban ko.
'Yung kawalan ko ng tapang baka maging dahilan ng pagbagsak ko ngayong gabi. Nakikita ko na 'yung pagdadalawang isip ko na magiging kahinaan ko.
'Case?' Tawag ni Adam, ipinatong 'yung kamay niya sa balikat ko para gisingin ako sa pag-iisip.
'Natatakot ako,' bulong ko ng paos habang tinitignan ko 'yung mata niya at inamin ko 'yung takot ko. 'Yung mga mata na nagiging pamilyar na naman sa akin.
Mula nung pinalayas si Kiara sa buhay namin, nakikita ko na ulit 'yung Adam na kilala ko at hindi maipaliwanag ng mga salita kung gaano ako kasaya.
'Yung kamay na nakapatong sa balikat ko ay humigpit habang marahang pinisil ako ni Adam para muling pakalmahin ako.
'Huwag mong kalimutan kung sino ka. Ikaw si Cassandra Johnson at si Pixie. Parehong bahagi mo ay hindi kapani-paniwala. Baka hindi ko maalala lahat, pero naaalala ko kung paano mo ipinagtanggol 'yung natatakot na babae sa school nung hinawakan ni Maddison sa may locker. Sa tingin ko, 'yon 'yung panahon na nagkagusto ako sa'yo. Nung ipinaglaban mo siya kahit ayaw mo ng spotlight,' Tinitigan ako ni Adam sa mga mata at naririnig ko 'yung sinseridad sa mga salita niya habang nakatingin ako sa mata niya.
'Mapagkawang-gawa ka at walang iniisip kundi ang iba; hell, lumalaban ka para sa lalaking nagbabanta sa kaligtasan ng mga taong mahal mo ngayong gabi. Pero higit sa lahat, matapang ka rin. Ikaw 'yung pinakamatapang na taong nakilala ko kapag lumalaban ka para sa ibang tao,' Hindi ko namalayan na umiiyak ako hanggang sa hinawakan ako ni Adam para punasan 'yung luha sa kaliwang mata ko.
Hinawakan ni Adam 'yung pisngi ko, nakatingin pa rin sa akin.
'Kung mayroon man, natatakot ako para sa mahihirap na makakalaban mo ngayong gabi,' 'Yung tono ni Adam ay may halong katatawanan pero seryoso pa rin 'yung mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako at humikbi nang kaunti.
Posible bang ma-in love ulit sa iisang lalaki?