Kabanata 89
Tapos na 'ko sa pakikipaglaban. Oras na para mag-retiro sa ilegal na parte ng mundo ko at linisin ang buhay ko.
Napabuntong-hininga si Richard at tinuro ang isang bag na nakasandal sa pader at sinabi sa 'kin na nandoon lahat ng pera.
Lumapit ako doon at binuksan ang bag, nakitang puno ng pera.
Ayokong mag-aksaya pa ng kahit isang minuto kaya kinuha ko ang bag, tumango kay Richard at nagsimulang maglakad palayo papunta sa dressing room.
Simula nung nawala na yung adrenaline, wala na 'kong naramdaman kundi sakit habang naglalakad ako.
Hindi ko talaga gustong makita yung kalaban.
Kahit masakit, hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon hanggang sa makabalik ako sa dressing room.
Inaasahan kong nandoon si Adam at Preston sa dressing room pero pagpasok ko, si Cole lang ang nandoon.
Pigilan ko yung paghinga ko nung nagulat ako.
Nag-aalala ako dahil hindi ko alam kung paano ko makakausap si Cole, 10 minuto pa lang ang nakakalipas at ngayon nandito siya, nakatayo sa dressing room ko.
Agad akong kinabahan. Napagtanto ko na kahit siya yung lalaking sumali sa kompetisyon na 'to para tulungan yung mga magulang niya na alagaan yung mga kapatid niya, siya rin yung lalaking nagbanta na sasaktan yung lahat ng mahal ko.
Kahit gaano siya ka-mapagmahal sa pamilya niya, hindi maikakaila na medyo siraulo siya.
Lumayo ako habang nagtititigan kami, parehong hindi nagpapakita ng kahinaan.
Itinaas ko yung braso ko na hindi hawak yung bag ng pera para ipakita sa kanya na sumusuko ako. Dahan-dahan kong nilapag yung bag sa sahig sa pagitan namin bago humakbang paatras.
Tinignan ni Cole yung bag bago ako tinignan ulit.
"Ano 'to?" Hindi man lang siya gumawa ng hakbang para lapitan yung bag na nilagay ko sa sahig.
Tinanguan ko 'yun, "Tingnan mo."
Nagsalubong ang kilay niya habang tinitignan ako ulit bago lumapit sa bag nang dahan-dahan at binuksan 'yun.
Nung nakita niya kung ano ang nasa loob, tumingin siya sa 'kin.
"Sa 'yo 'yan." Sabi ko lang.
"Ito ay.."
"Yung premyo." Tinapos ko para sa kanya.
Humakbang paatras si Cole mula sa pera, nakatingin ang mga mata niya sa perang puno ng bag.
Bumuka at sumara ang bibig niya na parang isda sa labas ng tubig.
"Alam kong kailangan mo 'yan." Sabi ko nang hindi nag-iisip, napagtanto ko yung pagkakamali ko isang segundo lang ang nakalipas.
Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung ano yung sinasabi ko.
Shit.
Gumalaw ang ulo ni Cole ng napakabilis, nagulat ako na hindi siya na-whiplash.
"Ano?" Halos pasigaw na tanong ni Cole.
Gumalaw-galaw ako sa aking mga paa, hindi alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung susunod na parte nang hindi siya naiinis o na-trigger yung nakakabaliw niyang side.
"Alam ko kung bakit ka sumali sa kompetisyon na 'to." Sabi ko sa kanya.
"Alam ko tungkol sa mga nakababata mong inampon na kapatid at alam ko na lumaban ka para sa kanila." Bago pa man ako makapagpaliwanag pa, nasa harapan ko na si Cole at hawak ng kanyang mga kamay ang leeg ko at pinipilit ako sa pader na katabi ng pinto.
"Ano'ng pinagsasabi mo?! Nags-stalk ka ba sa 'kin?!" Galit na sumigaw si Cole, nagtatanong sa akin sa isang matinding paraan at alam ko na mas natakot siya kaysa sa galit.
Magaling, Case.