Kabanata 91
‘Nakilala ko na ‘yung nanay nung lalaking ‘yun. Matanda na siya, tapos inampon niya ‘yung tatlong anghel na bata. Ang galing niyang babae, naghihirap para sa tatlong bata na ‘yun. ‘Yung mga anak niya, ‘yung lalaki at ‘yung kapatid niya, tinutulungan siya.’
Tumahimik si Adam, hinayaan akong ipagpatuloy ‘yung kwento ko.
‘Sumali ‘yung dalawang lalaki sa kompetisyon para matulungan ‘yung nanay nila na buhayin ‘yung mga inampon nilang kapatid. Nakakarelate ako sa pagiging desperado nila, na sumali sa kompetisyon para lang makatulong sa mahal mo. Nung nalaman ko ‘yung dahilan nila, naintindihan ko ‘yung galit niya kasi, kahit hindi ko sinasadya, sinira ko ‘yung buhay ng kapatid niya. Hindi lang sila sumali basta-basta, Adam, lumaban sila para sa mga mahal nila; katulad ko.’
Sobrang overwhelmed ako sa katapusan ng pagkukwento ko, gusto ko na lang matulog.
‘Hindi ako pwedeng umalis na lang pagkatapos kong pagdaanan ‘yung lahat ng nangyari sa pamilyang ‘yun. Hindi ko siya pwedeng hayaan na naghirap siya sa lahat ng ‘to nang walang nangyari. Kailangan ko silang tulungan.’ Tiningnan ko si Adam sa mata, gusto kong maintindihan niya na kailangan kong gawin ‘to para sa sarili ko.
Inabot ni Adam ‘yung kamay ko at hinawakan niya. Tiningnan ko ‘yung magkahawak naming kamay, nagtataka kung gaano ka-familiar ‘yung pakiramdam bago ako tumingin ulit sa mga mata niya. Marahan niyang pinisil ‘yung kamay ko.
‘Hindi ako makapaniwalang naniwala ako na kaya mong patayin ‘yung nanay ko.’ Mahinang sabi ni Adam, bumaba ‘yung tingin niya na parang nahihiya, bago siya tumingin ulit sa mga mata ko. ‘Iba ka talaga, Case Johnson.’
Naramdaman kong umangat ‘yung gilid ng bibig ko para mabuo ‘yung ngiti at naramdaman ko ‘yung mga luha na tumutulo sa mga mata ko.
Nagpapasalamat ako na meron akong kahit isang tao sa mundo na sumusuporta sa akin. Para sabihin sa akin na hindi ako tuluyang nawawala sa sarili ko dahil gusto kong tulungan ‘yung pamilya ni Cole.
‘Salamat,’ mahina kong bulong kay Adam at tumango siya minsan, binitawan niya ‘yung kamay ko.
Iniwas ko ‘yung tingin ko sa kalangitan, hinihinga ‘yung hangin ng gabi.
Nung tiningnan ko ‘yung palayo sa langit, nakatingin pa rin sa akin si Adam, nagtataka at namamangha pa rin ‘yung mga mata niya.
Naramdaman kong lumaki ‘yung puso ko ng kaunti, iniisip na baka – baka – ‘yung Adam ko ay nasa loob pa at makikita ko ulit siya balang araw.
Noong gabing ‘yun, natulog ako nang payapa hangga’t kaya ko sa lahat ng sakit at pasa na natamo ko sa laban. Payapa ‘yung isip ko hangga’t kaya nito.
Malinaw ‘yung mga naiisip ko sa kung ano ‘yung gusto ko – kailangan kong gawin at wala akong problema na kamumuhian ako ni Adam o isipin niya na masama ako ulit.
Lalaban ako para makaalis sa kompetisyon na ‘to at mananalo ako para sa lahat ng taong mahal ko at pinapahalagahan ko. Kasi ‘yun lang ‘yung buhay.
Kailangan mo lang lumaban sa buhay. Lagi kang may pagpipilian.
Pwede kang gumulong at mamatay,
O pwede kang patuloy na lumaban. At pinili ko ‘yung huli. Kasi para sa akin?
Ang mabuhay – ay lumaban.