Kabanata 58
Kahit gaano pa kasama si Maddison sa akin nung namatay ang kapatid ko, deserve ni Preston na sumaya. Kahit pa yung paraan niya ng pag-handle sa pagkamatay ng kapatid ko, maayos naman siyang girlfriend. Pero pag may nangyari kay Preston tapos ginawa niya kay Cali yung ginawa niya sa akin, sisiguraduhin kong mapuputol niya ulo niya.
'Hindi naman kami best friends. Pero ipangako mo sa akin na hindi mo hahayaan na makasagabal 'to sa relasyon niyo, Pres. Kung anuman ang nangyari sa amin, hindi dapat makaapekto sa relasyon niyo. You deserve to be happy." Mukhang naguluhan si Preston pero tumango siya para magpatuloy ako sa pag-explain.
'Nung namatay si Bryant, nahirapan si Maddison tapos siguro iba yung paraan niya ng pagluluksa. Hindi naman siya naging masamang girlfriend, pinasaya niya si Bryant at naging mabait siya sa akin, alam mo yun?" Mukhang naiinip si Preston habang chine-check niya yung rearview mirror niya at tinanggal yung kamay niya sa manibela para mag-motion na magsalita pa ako. Inirapan ko siya pero nagpatuloy ako.
'Sinimulan akong sisihin ni Maddison sa pagkamatay ng kapatid ko. Namatay si Bryant sa car crash pagkatapos niya akong sunduin sa isang party na sinabihan niya akong huwag puntahan." Sinubukan kong tapusin agad pero hindi yata pwede dahil huminto agad si Preston sa red light at lumingon sa akin ng sobrang bilis na siguro na-whiplash siya.
'Ano?" Tanong niya ng pagalit at nagkibit-balikat lang ako.
'Nag-apologize siya sa akin sa labas ng restaurant. Hindi tama yung sinisi niya ako at na-realize niya yun tapos —" Inirapan ko yung nanliit niyang mata habang nakatingin siya sa akin. 'Oh, wag mo akong tingnan ng ganyan, hindi naman ganun kalaki yung isyu. Sinasisi ko na nga rin yung sarili ko, hindi na gaanong nakatulong yung mga sinabi niya."
'Yung kotse sa likod namin nagbu-beep ng busina at gumalaw ulit yung kotse namin.
'Anong ibig mong sabihin na hindi malaking isyu?! Hindi okay yun, hindi man lang malapit sa pagiging okay!" Natawa ako ng mahina dun. Alam na alam ko na hindi okay yun. Pero parang wala akong magawa dun. Nalunod siya sa galit, pagluluksa at lahat ng iba pa. Wala siyang oras para huminto at mag-isip ng maayos.
'Tapos na yun. Over na ako dun, Pres, nakaraan na yun. Kalimutan mo na rin 'to. Ayaw kong maging problema 'to sa inyo. Gusto kong sumaya ka, dude. Huwag mong hayaan na may pigilan kang sumaya dahil sa mga nangyari noon." Tinapik ko yung braso niya ng mahina, lumingon sa bintana habang nag-ungol lang siya. Kinuha ko na narinig niya ako. Hindi ko naman mapipilit yung lalaki na makinig sa akin kaya ipinagdarasal ko na lang na sundin niya yung mga salita ko imbes na kung anong nasa isip niya.
Inikot ko yung katawan ko para tingnan yung mga bata sa likod at tulog na silang dalawa. Kaya pala ang tahimik nila.
Pagkadating namin sa bahay nina Jones, tinulungan ko si Preston na buhatin si Pio papunta sa kwarto niya at kinumutan siya. Hinalikan ko siya sa noo habang inikot niya yung katawan niya at sumiksik sa loob ng kumot niya sa kama.
Tahimik ko siyang kinantahan bago ako umalis, sinara ko yung pinto ng dahan-dahan hangga't kaya ko para hindi siya magising. Kukuha na sana ako ng daan para hanapin si Preston at umuwi na nang mabangga ako sa isang matigas na dibdib.
Humakbang ako paatras para magkaroon ng espasyo sa pagitan ko at kung sino man yung nasa harap ko, idiniin ko yung katawan ko sa pintuan ng kwarto ni Pio sa aking pagtatangka. Dahan-dahan akong tumingala at nakita ko ang mga mata ni Adam. Huminto yung paghinga ko.
Mukhang hindi naintindihan ni Adam yung nangyari dahil nanatili siya sa lugar habang sinusubukan kong gumilid para makatakas sa maliit na espasyo sa pagitan ni Adam at ng pinto.
Nung hindi na ako nakulong, hinayaan ko yung sarili kong huminga at sinubukan kong huminga ng maayos ulit.
'Um, hi. Matutulungan ba kita?" Tanong ko ng awkward dahil hindi siya umimik. Parang 'gawing awkward si Case Johnson' day ngayon. Dahan-dahang umiling si Adam at sinubukang sumagot ng maayos.
'Um, sorry — ako," Umiling ulit siya, mas mabilis ngayon, mukhang nahihirapan siyang ayusin yung mga iniisip niya. 'Palagi akong nagkakaroon ng mga flash, panaginip, whatever you want to call it, at nangangarap ako tungkol doon at ngayon hindi ko na matukoy kung alin yung totoo at alin yung hindi. Kailangan ko yung tulong mo para piliin yung mga alaala mula sa mga panaginip."
Nahihirapan na akong huminga ulit. Naaalala niya na.
'P-pero —" Inayos ko yung lalamunan ko at sinubukang huwag mautal, 'kamusta naman si Kiara? Alam mo namang hindi platonic yung mga nararamdaman natin noon."
Mukhang naguguluhan ang ekspresyon ni Adam.
'Kailangan kong maalala, Case. Hindi na ako pwedeng maging vulnerable sa mga brainwashing tricks. Tulungan mo ako, please." Pinaglalaban ko yung sarili kong sobrang emosyon. Ang nagawa ko lang ay tumango sa hiling niya.
Ngumiti siya at bigla na lang, nakayakap na yung mga braso niya sa akin. Napahila ako sa kanyang pamilyar na katawan at napapaligiran ng kanyang pamilyar na init.
Sinabi ko sa sarili ko na lumalagpas na ako sa limitasyon ngayon. Dapat lumayo ako. Hindi na siya akin. Dapat lumayo ako. Pero ginawa ng katawan ko yung kabaliktaran at nagdesisyon na may sariling isip habang natutunaw ako sa ginhawa na nahanap ko sa yakap niya. Minsan, mukhang okay na ang lahat. Minsan, lahat ng bagay na nawawalan na ng kontrol ay natatakpan ng bubble na nilikha nung kasama ko si Adam.
Minsan, okay na ang lahat.