Kabanata 66
Hindi na ako naghintay pa na lumingon si Levy at mapansin ako. Yung mga paa ko, nagsimula nang tumakbo papunta sa kanya, parang sasali sa world record. Aaminin ko, medyo impulsive ako na sumugod sa sitwasyon na walang plano. Nasa publiko kami; pwede siyang sumigaw na ni-rape siya at lahat ng tao magsisimula nang tumingin sa amin. Alam ni Levy lahat ng galaw ko. Para nga kaming nag-training simula nung nag-umpisa akong lumaban.
Mahirap manalo sa laban na 'yon pero isang suntok lang sapat na para masiyahan ako.
"Tamara, takbo!" sigaw ni Levy sa kanya nung tumayo siya para pigilan ako pero wala akong pake sa mga sinasabi niya. Hindi nga totoo yung pangalan niya. Napaka-peke ng bitch na 'to.
"Ay, hindi ngayon, taba!" sigaw ko sa kanya, sinipa ko siya sa ano niya bago pa siya makagawa ng kahit ano. Umikot ako kay Levy at dumiretso sa pekeng bitch.
"Hayop ka!" sigaw ko sa kanya. Hinatak ko yung braso ko at sinuntok ko siya ng malakas, sinisigurado ko na lahat ng lakas ko ay ginamit ko. Natumba siya sa lupa at tinuntungan ko siya, kinulong ko siya sa lugar niya habang naghahanda ako ilabas lahat ng galit ko sa kanya.
"Peke kang hayop! Kahit pangalan mo peke! May totoo ba sayo?" sigaw ko, sinuntok ko siya ng walang tigil hanggang sa matamaan ako sa gilid ng ulo at natumba ako mula kay ‘Kiara'.
Busy ako sa pagbugbog sa ‘Kiara' nakalimutan ko yung isang rule na pinapasaulo sa akin ni Bryant parang sampung utos. Isang bagay na hindi ko pa nagawa kahit kailan sa mga laban ko dati. Huwag kailanman tatalikod sa kalaban mo.
Nakatayo sa harap ko si Levy. Sa sakit ng ulo ko, hindi na ako nagdalawang isip na sipain yung mga paa niya at gumulong palayo. Hindi ko na chineck kung natumba ba siya o hindi.
Tumingin ako kay Kiara at nanliit yung mga mata ko sa kanya, "Hindi pa ako tapos sayo," ngisi ko sa kanya. Nagulat ako nung ngumisi siya sa akin.
"Wala kang kwenta, sweetie." Halos susugurin ko na naman siya nung pinigilan ako ni Levy at tumayo sa pagitan naming dalawa at pinaalala sa akin na mas marami sila. Lumipat yung tingin ko sa kanilang dalawa bago yumuko para pulutin yung plastic bag ko ng ice cream. Umalis na yung adrenaline ko, at nagkakaroon na ako ng sakit ng ulo mula sa suntok na natanggap ko. Sinubukan kong iwasan yung sakit hanggang sa makauwi ako.
Naglakad ako paatras, hindi na uulit yung pagkakamali ko na hinayaan silang dalawa na mawala sa paningin ko, hanggang sa makalayo ako. Pinanood ko yung mga tenga ko baka tumakbo sila at sinubukan akong ambusin habang naglalakad ako pauwi.
Hindi ako nag-aalala na susundan nila ako sa bahay ko. Siguro alam na nila kung saan ako nakatira dahil si Dom yung boss nila. At least yung mga baby ko na ice cream, ligtas sa eksena. Tiningnan ko yung mga damit ko, mukhang magulo nga. Napansin ko yung dumi at damo na nakadikit pa sa damit ko habang sinusubukan kong tanggalin yung pwede nang matanggal. Nung nakauwi na ako, nagpalit ako ng malinis na pajama at binuksan ko yung isang tub ng ice cream.
Sinusubukan kong tingnan yung magandang parte ng mga bagay-bagay. Nagpapalit-palit ako ng pagkain ng isang kutsara at ginagamit ko yung tub para alagaan yung bukol na nabuo sa gilid ng ulo ko.
Well at least may chance ako na makasama si Adam ngayon. Hindi ako uurong pagkatapos malaman yung totoong pagkatao ni Kiara.
Subukan ko kayang maging artsy at simulan kong ipinta yung mga mukha ng mga taong kinamumuhian ko sa lahat ng punching bag ko. Sigurado, makakatulong 'yon para mailabas yung galit ko sa sistema ko sa susunod na gagawa ako ng karahasan para kumalma.
Sa ibang bagay, sa tingin ko yung nakaraang engkwentro ay pinalitan yung warm up ko para sa training mamayang gabi. Yung semi-finals ay mangyayari sa tatlong araw at gusto kong maging handa. Hindi ako hahayaan na matalo ako ngayon. Malapit na ako sa pag-alis ko sa buhay na 'to. Hindi ko sisirain 'to.