Kabanata 70
Pagmulat ko, narinig ko yung *beeping* ng heart monitor at yung mabahong amoy ng *disinfectant*. Sinubukan kong igalaw yung mga daliri ko at naramdaman kong kumikislot yung hintuturo ko. Sinubukan ko ding imulat yung mata ko.
“Gising na siya,” sigaw ng isang tao bago ako nakarinig ng maraming yapak at naramdaman ko yung presensya ng ibang tao sa paligid ko.
Minulat ko yung mata ko pero pinikit ko rin agad dahil nabulag ako sa puting ilaw.
“Tawagan mo yung doktor,” narinig kong sabi ni Jerry bago may yapak na lumayo sa tabi ng kama ko at mahinang sumara yung pinto.
“Hoy,” mahinang tawag ni boses ni Preston nang sinubukan kong imulat ulit yung mata ko. Itinaas ko yung isang gilid ng labi ko pataas, sinubukan ko yung mahinang ngiti bilang pagbati. Mahina pa rin ako, pero wala akong lakas na labanan yung pakiramdam.
Sa wakas, nakapagpikit ako ng maayos sa pamamagitan ng namamaga kong mata at agad akong tumingin sa paligid.
“Nasa labas sina Adam, Maddison at yung mga bata,” parang gusto pang sabihin ni Preston pero nag-atubili siya. Itinaas ko yung kilay ko sa kanya. Pakiramdam ko parang masusunog yung lalamunan ko kung may sasabihin ako nang wala pang isang basong tubig na pampawala ng uhaw. Ginalaw ko yung kamay na hindi nakakabit sa IV *needles* at sa *heartbeat monitor* papunta sa mesa na may basong tubig sa ibabaw.
Inabot sa akin ni Preston yung baso, tinulungan niya akong uminom.
“Ano pa?” tanong ko agad pagkatapos kong punasan yung labi ko.
“Nasa labas din si Kiara.” Nag-aatubili na sagot ni Preston. Naramdaman kong kumulo yung puso ko. Hindi na normal yung pag-beep ng puso ko. Agad akong sinubukan ni Preston at Jerry na pakalmahin.
“Anong ibig mong sabihin nasa labas siya?!” tanong ko, galit na galit. Nagaspang yung boses ko. Naisip ko yung mga bata na nasa labas din.
“Sinubukan kong paalisin siya, Case pero ayaw pumayag ni Adam. Gusto niyang manatili at hintayin ka rin na magising, pero nakakapit siya kay Kiara at wala akong magawa tungkol doon. Hiniling ko kay Maddison na bantayan yung mga bata,” mabilis na paliwanag ni Preston. Wala rin namang nangyari. Sinubukan kong umupo, isang bagong determinasyon ang dumadaloy sa akin sa pag-iisip ng isang banta na malapit sa mga bata.
“Oh no, hindi pwede,” babala ni Preston. Tinitigan ko si Preston.
“Sinugal ko yung buhay ko para sa mga batang yun sa *ring* na yun. Hindi ko sila hahayaang malapit sa hayop na yun pagkatapos ng impyerno na pinagdaanan ko.” Mahinang sinabi ko sa kanya, halos umungol sa ilalim ng hininga ko. Umiling si Preston nang may pagsuway sa akin.
“Tama ka, pinagdaanan mo yung impyerno at kaya ka wala sa kondisyon para magpapadyak, susuntukin yung pwet ng hayop na yun. Ipapasok ko yung mga bata dito at sisiguraduhin kong mananatili sa labas si Kiara.” Pinalaya ako ni Preston nang tumango ako doon. Papayag ako sa kahit ano basta’t ilayo yung mga bata kay Kiara.
“Mas mabuti pang bumalik ka dito sa loob ng 5 minuto o tatanggalin ko yung mga *needles* sa braso ko at ako mismo ang kukuha sa mga bata,” sinabi ko sa kanya. Ngumisi lang si Preston, iniwan akong mag-isa kay Jerry.
Tumahimik yung kwarto at humarap ako kay Jerry na tumingin sa akin na may pagmamalasakit.
“Humahanga ako kung gaano mo gagawin para protektahan yung mga batang yun,” sabi ni Jerry. Ngumiti ako sa kanya nang pinunasan niya yung lumuluhang mata niya.
“Nangako ako sa asawa mo na magiging nandiyan ako para sa pamilya mo nang namatay siya. Parang mga kapatid ko sila, Jer,” mahinang sagot ko sa kanya bago pumasok yung isang nars at doktor sa kwarto para tingnan ako.
“Well, mukha kang mas malala kaysa sa kalagayan mo. Mayroon kang *mild concussion* at namamaga na panga, ilang pasa sa mga tadyang mo pero walang bali kaya maganda yun.” Sumulat yung doktor ng reseta para sa sakit at ibinigay kay Jerry, na nagpasalamat sa kanya habang lumabas yung doktor at nars sa kwarto.
Hindi nagtagal, pumasok si Preston kasama yung mga bata sa kanyang mga bisig at si Maddison na nakasunod sa kanya. Tumili sila nang nakita nila akong gising, nagpupumiglas para makalabas sa hawak ni Preston. Ngumiti ako sa kanila.
“Case! Okay ka lang? Bakit maliit yung mata mo?” sigaw ni Cali na nag-aalala. Inabot niya para hawakan yung namamaga kong mata pero nagbago ang isip niya bago niya mahawakan at inilagay niya yung kamay niya sa kanyang dibdib. Tumawa ako sa kung gaano siya ka-adorable at hinawakan ko yung mata ko.
“Okay lang ako, mahal. Namamaga lang yung mata ko.” Lumaki yung mga mata ni Pio.
“Umiyak ka ba ng marami? Kaya namamaga?” Tanong niya sa akin, seryoso ang itsura. Umiling ako nang may maliit na ngiti sa mukha ko.
“Okay lang ako, Pio.” Ginulo ko yung buhok niya. Ang mga batang ito ay sulit sa bawat suntok na natanggap ko sa bawat laban.
Sa wakas, naalala ko yung gusto kong itanong kay Preston at humarap sa kanya. “Tinawagan ba ng sinuman yung mga magulang ko?” Tanong ko na nag-aalala. Hindi ko gusto na tanungin nila kung bakit ako nasa ospital at hindi ko rin gusto na mag-alala sila tungkol sa akin. Sa kabutihang palad, umiling si Preston.
“Malaki yung utang mo sa akin dahil doon. Kinailangan kong makiusap sa mga taong ito na huwag silang tawagan. Kinailangan ko pang ‘ligawan’ yung matandang babae sa *reception desk*.” Nagbigay si Preston ng pekeng pag-uurong at tumawa ako sa kanyang pag-arte bago ko siya binigyan ng tamang pasasalamat na tinanggal niya.
Biglang, narinig ko yung pagbukas ng pinto at itinaas ko yung ulo ko para makita si Adam kasama si Kiara na nakasunod sa kanya. Magkahawak yung mga kamay nila, at tumigil yung paghinga ko sa isang segundo.