Kabanata 31 Desididong Tumira sa Paaralan!
Nagulat si Sean, "Mas okay na sa bahay. Kung hindi naman tayo kailangang mag-self-study hanggang gabi, mas gusto kong umuwi."
"Oo nga, 'di hamak na mas maganda ang buhay natin dito sa bahay, 'di ba?" Agad na sumalungat si Winston.
"Pero malapit na ang monthly test ko. Kung sa school ako titira, mas makakapag-focus ako sa pag-aaral," ginamit ni Monica ang monthly test para may dahilan siyang tumira sa school.
Napangisi sa sarili si Anne, kaya pala gusto ng probinsyanang 'to na tumira sa school, dahil nag-aalala siya sa pag-aaral niya.
Alam ni Nancy na gusto niyang umasenso, pero ayaw niyang makita si Monica na nahihirapan. "Monica, grade 11 ka pa lang, hindi pa naman huli ang tumira sa school pagdating ng grade 12. Huwag mong masyadong pilitin ang sarili mo."
Tumingin si Monica sa nag-aalalang nanay niya, hindi niya mapigilang aliwin ito, nakangiti, "Alam ko, 'Nay. Pero binigyan ng sobrang atensyon ng teacher namin ang test na 'to, natatakot akong hindi ako makahabol, kaya gusto kong tumira roon para makapag-aral kasama ng ibang estudyante."
"Kung ganun..." Napakunot ang noo ni Nancy sa dahilan, "kung dahil lang sa pag-aaral, pwede ka namang manatili sa bahay. Pwede kong pabalikin si Michael para turuan ka. Hindi talaga kailangan na doon ka tumira." Kababalik lang ng anak niya, gusto niyang mas matagal silang magkasama. Kung titira siya sa school, mamimiss niya ito nang sobra.
Naintindihan ni Jeffery kung gaano ayaw ni Nancy, kaya pumayag siya, "Nancy, tama ang 'yong ina. Kung titira ka sa school, ano nang gagawin natin kung mamimiss ka namin?"
Nahirapan si Monica dahil sobrang sinsero ng mga magulang niya.
Ang bait-bait nila sa kanya; hindi siya makagawa agad ng desisyon na ipagwalang bahala ang kabaitan nila. Dapat niya ring isaalang-alang ang mga ito.
Pinanood sila ni Justine laban sa suhestiyon niya, kinuha niya ang tasa ng kape na may mapaglarong ngiti, "Tay, 'Nay, gusto ni Monica ang mag-aral, dapat suportahan niyo siya. Si Michael sobrang mahiyain; paano niya tuturuan si Monica?"
Pumula agad si Michael sa mga sinabi, "Kaya kong turuan si Monica!"
"Kaya mo? Hindi ka na ba takot sa mga babae?" Mapaglarong tiningnan ni Justine si Michael.
Nagreklamo si Michael pagkatapos pagtawanan, "Hindi ako takot kay Monica."
'Yun ang totoo. Ayaw niyang malapit sa mga babae, pero wala siyang sama ng loob kay Monica.
"Oh? Kakaiba." Hindi inaasahan na espesyal si Monica kay Michael.
Nang pinag-isipan nila, parang lahat sa pamilya ay nagbago dahil sa presensya ni Monica.
Tumingin si Justine kay Monica nang mapaglaro, dahil hindi makatulong, "Monica, hindi kita matutulungan."
Bumuntong hininga si Monica sa sarili niya, parang imposible nang tumira siya sa school.
Noong susuko na siya, isang boses ang umalingawngaw sa pintuan bigla.
"Gusto ni Monica na tumira sa school para mag-aral nang mabuti, napakagandang ideya, 'di ba? Ang umasenso ay ang katangian na dapat taglayin ng ating mga anak ng pamilyang Moore!"
Nakita nila si Master Henry na dumating, at nagulat na tumayo, "Tay, ang aga naman, anong ginagawa mo rito?"
At hindi siya nagbigay ng paunang abiso.
Iniling ni Master Henry ang kanyang kamay, "May appointment ako kay Punong-guro Williams ngayon. Pupunta ako para sunduin si Monica para pumunta sa school, na daan din naman. Pagkatapos narinig ko ang pinag-uusapan niyo nang pumasok ako."
"Ihahatid mo si Monica sa school?" Nagulat si Jeffery at sumulyap kay Nancy.
Si Master Henry mismo ang naghahatid kay Monica sa school. Hindi pa nangyari 'yun sa alinmang apo niya noon.
Nagtinginan ang ibang kapatid na lalaki na may inggit.
Dumating ang selos ni Anne na parang bagyo.
Kagagaling lang na lahat sila ay hindi siya pinapansin, at si lolo lang ang nakakakita kay Monica. At gusto pa niyang ihatid si Monica sa school!
Nang naisip niya na gusto siyang paalisin ni Master Henry, pero kasabay nito ay sobrang protektado niya kay Monica, tinitigan niya ito nang may poot sa kanyang mga mata.
Sa oras na 'yun, kinuha ni Master Henry ang pangunahing upuan sa kabilang dulo, nagpatuloy sa kanyang iniisip, "Sa tingin ko ay maganda na tumira si Monica sa school. Hindi mo dapat pakialaman ang kanyang desisyon. Ipapakuha ko lang ang kanyang gamit sa lingkod at kakausapin ko si Punong-guro Williams. Kung alam niyang lilipat si Monica doon, sigurado akong matutuwa rin siya!"
Ayaw pa ring pumayag ni Nancy na umalis si Monica, pero kinindatan siya ni Jeffery para pigilan siya sa pagtanggi sa kabaitan ng kanilang tatay.
Kaya naman, inaliw niya ang sarili na lahat ng anak na lalaki ay nagtagumpay sa akademya, kaya hindi dapat mahuli ang kanilang anak na babae.
Dahil pwede nang lumipat si Monica sa school, nagtinginan sina Sean at Winston at sabay na sinabi.
"Tay, 'Nay, huwag kayong mag-alala, aalagaan namin siya nang mabuti."
"Tay, 'Nay, madalas ko siyang bibisitahin," nagkusang-loob pa si Michael na alagaan si Monica.
Sa wakas, nakaramdam ng katiyakan si Nancy na hindi siya dapat masyadong mag-alala sa tatlong anak na lalaki na aalaga sa kanyang anak na babae sa school.
"Gaya ng ipinangako niyo, kailangan niyo ring alagaan si Monica sa school. Kung malaman kong binubully siya o may nangyayari sa kanya, bibigyan ko kayo ng magandang leksyon pagbalik niyo," nagsalita rin si Jeffery.
Ngumiti si Michael, "Tay, huwag kayong mag-alala. Sisiguraduhin naming walang magtatangkang hawakan si Monica."
Tumango sina Sean at Winston nang sabay, na may determinasyon na nakasulat sa kanilang mga mukha.
Dahil taimtim silang nanumpa, tumango si Master Henry nang may kasiyahan. Halos handa na ang pag-iimpake, humarap siya kay Monica, "Monica, tapos ka na bang mag-agahan? Gusto mo bang sumabay sa akin papuntang school?"
"Oo, tapos na ako." Ngayon gusto ni Monica si Master Henry lalo na, at ayaw pa nga niyang mag-almusal.
"Monica, isang baso lang ng gatas ang nainom mo, kumain ka muna," natutuwa si Nancy para sa kanya, kaya kailangan niyang gawin kung ano ang gusto niya.
"Okay." Kinuha ni Monica ang sandwich mula sa lingkod nang masaya at paalis na kasama ang kanyang lolo.
Nakita ito ni Anne at sinabing walang pakundangan, "Lolo, hintayin mo ako. Papasok din ako."
Pero hindi inaasahang, tumingin si Master Henry sa plato niya, "Hindi ka pa tapos mag-almusal. Sumabay ka sa mga kapatid mo kapag tapos ka na."
Malinaw na, gusto lang niyang sumama kay Monica nang nag-iisa.
Naging malungkot ang mukha ni Anne. Parang sampal sa mukha niya na tanggihan siya ng kanyang lolo sa harap ng kanyang mga magulang at mga kapatid.