Kabanata 51 Si Anne, Ang Isa na Lubos na Nakalimutan
Maiisip ni Monica ang galit na mukha ni Joey habang sine-send niya yung mensahe.
Naguilty siya dun. Sobrang kabado siya at alam niyang hindi niya dapat sinagot yung tawag.
Pero gusto lang niyang kumpirmahin na safe si Kale, kaya hindi siya naging considerate.
Bumuntong-hininga siya ng mahina. Nalito siya saglit.
Tumunog ulit yung telepono. Nakita sa caller ID na si Sean.
Hindi ine-expect ni Monica na tatawag si Sean ng ganitong oras tapos sinagot niya. Inilagay niya yung telepono sa tenga niya, isang energetic na boses ang nanggaling agad sa kabilang linya, 'Ate! May oras ka ba? Pupuntahan ka namin ni Winston para magdinner!"
Walang klase si Monica sa hapon at hindi rin niya balak pumunta sa evening session. Inisip niya at sinabi niya, 'Wala akong gagawin. Hihintayin ko na lang kayo sa gate ng school. Aalis na ako ngayon.'
Sobrang daming tagahanga ni Sean at Winston. Magkakaproblema sa buong building kung pupunta sila.
Nagbago siya ng isip pagkatapos niyang ibaba yung tawag at umalis pagkatapos magpaalam kay Suzie.
Grabe ang laban ni Suzie sa forum. Nung nagpaalam si Monica sa kanya, sinabi niya na pumunta para tumingin.
Tiningnan ni Monica yung computer niya. Yung matatapang na pulang letra ay nagsiksikan, na nagpapadilim sa kanya. 'Hayaan mo na at magpahinga ka. Dadalhan kita ng dinner.'
Tumango si Suzie nang hindi inaangat ang ulo niya, 'Sige.'
Walang ibang magawa si Monica kundi tumakbo pababa. Sa totoo lang, wala siyang pakialam sa mga sinasabi nila tungkol sa kanya sa forum, kung hindi pwede niyang i-hack para mawala yung buong forum.
Pero ikahihiya niya kung gagawin niya yun.
Nung nakarating siya sa gate, nakita niya na kumakaway si Sean sa kanya mula sa malayo para pumunta sa kanila. Binabasa nila yung labi nila, parang sinasabi nila na magmadali siya. Si Winston ay naglalayo sa kanya, tinitingnan siya na may konting paghamak.
Nagkurba ang labi ni Monica at lumapit para makita na nandun din si Anne, tinitingnan siya ng hindi natutuwa.
Lumipat siya sa school ng dalawang araw at walang nakakausap sa magkapatid kaya kinausap niya sila para magdinner, pero hindi niya ine-expect na yung unang bagay na pumasok sa isip nila ay tawagan si Monica.
At nung nakita niya na parehas silang masaya na makita si Monica, muntik na siyang sumuka ng dugo sa galit.
Nakita ni Monica ang mga mata ni Anne, pero hindi niya mapigilang matawa sa sarili niya.
Dumiretso siya kay Sean at ngumiti sa kanya ng malapit, 'Sean, saan tayo kakain?'
Ang ganda ng ngiti niya kaya nagulat si Sean, 'Kami...kami...saan tayo pupunta?'
Tumingin siya kay Winston ng tanga. Hindi gumana ang utak niya sa oras na yun.
'Hindi ba sinabi mo kanina na tanungin si Monica kung saan pupunta? Bakit mo ako tinatanong?' Tumingin si Winston sa kanya na parang tumitingin sa isang tanga.
Hindi mapigilan ni Anne na magselos, 'Sean at Winston, gusto ko ng spaghetti...'
Pero bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, biglang sinabi ni Monica, 'Gusto ko ng maanghang na isda. Hindi ko alam kung mayroon ba dito sa school?'
Sumagot agad si Anne, 'Wala, wala. Pero may alam ako na lugar na may masarap na isda! Tatawag tayo ng taxi para pumunta!'
Hindi ine-expect ni Anne na si Sean na palaging mabait sa kanya ay tuluyang pinabayaan siya.
Kaya nagpanggap siya na nagkamali, 'Okay, dahil bago si Monica sa school, dapat isipin muna natin siya.'
'Oo, sobrang considerate mo!' Ngumiti ng inosente si Sean.
Natigilan ang ngiti ni Anne. Sa simula, gusto niya na pansinin siya ni Sean at Winston para mabago nila ang isip niya. Pero hindi niya alam na seryoso si Sean sa sinabi niya!
Napansin ni Winston ang kanyang pagkapahiya at sinabi niya, 'Pwede tayong pumunta sa susunod.'
'Okay...' Kinagat ni Anne ang kanyang ibabang labi at kinailangan tanggapin kung ano man yun.
Dahil taxi ito kaya magsisiksikan sa likod ng upuan, gusto ni Anne na sumakay sa upuan ng pasahero sa oras na ito.
Plano niyang maglakad ng mabilis para makuha ito, pero mas mabilis pa sa kanya si Sean at binuksan niya ang pinto, 'Monica, ikaw ang mauna.'
Natigilan ang mga paa ni Anne sa lupa, at hindi alam kung dapat siyang umusog pasulong o paatras.
Hindi niya inakala na yung huli sa pamilya na nag-aalaga sa kanya ay makikita lang si Monica!
Walang puwang para sa kanya sa kanyang mga mata!
'Salamat, Sean.' Tumingin kay Anne na parang awkward, hindi nag-atubili si Monica at umupo diretso sa upuan ng pasahero.
Pagkatapos sumakay na rin yung dalawang kapatid.
Tumingin si Anne sa limitadong espasyo na natira para sa kanya; ang kanyang mukha ay naging pangit na berde.
'Anong problema, Anne? Sakay na, nagugutom na tayo.' Nagmamadaling sinabi ni Sean.
Sa oras na yun, nawala ang huling pagmamahal na naramdaman ni Anne para sa kanya.
Kahit na hindi masama si Sean sa kanya, wala siyang silbi sa kanya sa kanyang katalinuhan!
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at sumiksik ng walang kusa. Halos hindi maisara ang pinto!
Sa wakas, nakasara ang pinto, papunta sila sa sikat na fish restaurant sa Imperial Capital.
Nagsisiksikan sa restaurant. Walang makakapasok kung walang reservation.
Pero tumawag si Winston at pagkatapos sumakay sila sa VIP lift sa itaas.
Umupo sila sa VIP table. Umupo si Monica malapit sa bintana na may tanawin ng kalahati ng Imperial Capital. Anong nakakarelaks na tanawin!
Gusto lang niya ng maanghang na isda, pero hindi niya ine-expect na sina Sean at Winston ay nag-ayos ng isang marangyang lugar.
Hindi inisip ni Anne na dinala siya ng magkapatid dito.
Limitado ang kanilang allowance kada buwan, kaya minsan inimbita sila ni Anne noon. Ang pinakamagandang lugar na pinuntahan nila ay simpleng western food lang. Pero sa oras na ito tila hindi nila pinansin kung gaano ang kanilang gagastusin para kay Monica, na ginawa siyang muling nagseselos.
Pagkatapos nilang umupo, hindi mapigilang magsalita ni Anne, 'Sean at Winston, mayroon ba kayong sapat na allowance ngayong buwan? Maanghang na isda lang ang gusto ni Monica. Kailangan pa bang pumunta sa isang marangyang restaurant?'