Kabanata 2
Hindi ako madalas makihalubilo sa mga ginagawa niya at kung saan siya pumupunta, pero yung umaga na 'yon, parang may bumabagabag sa isip ko habang naaamoy yung sobrang lakas na pabango niya.
Naligo na siya, at kumalat na yung pabango niya sa buong kuwarto namin. Amoy na amoy na para bang inubos niya yung isang bote sa katawan niya nung umagang 'yon, at hindi talaga siya kaaya-aya amuyin.
Dumeretso na ako sa banyo para maligo at maghanda na pumasok sa opisina ng araw na 'yon. Nagtatrabaho ako sa kaparehong kompanya ng real estate na pag-aari ng pamilya niya bilang katrabaho, na gusto ng tatay niya bago kami ikasal.
Magkapareho kami ng trabaho. Pareho kaming civil engineers; kaya madali kaming nagkasundo noong unang araw na nagkita kami. Pero yung mga hilig namin, magkakapareho rin; lahat talaga ay perpekto para sa amin, at 'yun ang nagtulak sa akin para mahalin ko siya ng sobra.
Sinubukan kong kalimutan yung mga hinala ko habang hinahayaan ko yung maligamgam na tubig galing sa shower na dumaloy sa katawan ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na si Lucas ay hindi yung tipo ng tao na gagawa ng kahit ano sa likuran ko, pero yung puso at isip ko, hindi sila magkasundo sa oras na 'yon.
Nang hindi ko na talaga kayang tiisin, agad kong tinawagan yung kalihim niya, kahit papunta rin ako sa opisina nung araw na 'yon. Tiningnan ko yung oras, at sigurado akong nakarating na siya sa opisina ng oras na 'yon.
Gusto ko lang kumpirmahin yung isang bagay, pero bago 'yun, kinailangan ko munang suhulan yung kalihim niya para makuha yung impormasyon na kailangan ko.
"Hello, Lucy! Magandang umaga! Pwede mo ba akong ipag-order ng kape? Mag-order ka rin, ako ang bahala!"
"Sure, ma'am!" sagot niya na tuwang-tuwa mula sa kabilang linya. Umaasa ako na hindi siya magdududa dahil mayroon din akong sekretarya na pwede kong hingan ng kaparehong pabor.
"Salamat! By the way, pwede mo bang tingnan yung schedule ng asawa ko ngayon? Kakarating lang niya sa bahay. Plano kong magluto ng maagang hapunan para sa aming dalawa, pero hindi ako sigurado kung posible 'yun dahil sa sobrang busy niya lately," dali-dali kong sabi ng mahina, umaasa na maaawa siya sa akin para ibigay niya sa akin yung impormasyon na 'yun.
"Tungkol diyan, ma'am, kinansela ni Sir Lucas yung lahat ng mga appointment niya ngayon, kaya posibleng magawa mo yung mga plano mo," magalang na sagot ng kalihim niya.
"Sigurado ka? Ayoko masayang yung mga plano ko. Pwede mo bang tingnan kung may binago siya?" pagmamakaawa ko.
"Sandali lang po, ma'am." Naghintay ako katulad ng sinabi niya.
"Malinis po yung schedule niya, ma'am."
May ngiti na sa mga labi ko matapos marinig kung ano yung ginawa ng asawa ko nung araw na 'yon. Isang bagay na matagal na niyang hindi ginagawa para sa akin ngayon, pero sinabi niya sa akin na mayroon siyang mahahalagang meeting nung araw na 'yon.
"Maganda 'yun! Salamat, Lucy! Nandoon na ba siya?"
"Hindi pa po dumadating si Sir Lucas, ma'am," mabilis niyang sagot, at napabuka yung labi ko dahil hindi naman kalayuan yung kompanya sa kung saan kami nakatira.
"O-okay, Lucy. Salamat ulit!"
"Walang anuman po, ma'am," sabi niya, at pinatay ko na yung tawag.
Nagsimula ng tumibok yung puso ko. May sinasabi sa akin yung pakiramdam ko.
Isang buwan na ang nakalilipas, binigyan ako ng isang taong pinagkakatiwalaan ko ng isang numero bilang biro kung sakaling kailangan ko ng pribadong imbestigador. Nag-aalangan ako noong oras na 'yon, pero nagpasya akong itago yung numero sa phonebook ko just in case, at hindi ko talaga inaasahan na tatawag ako sa oras na 'yon para humingi ng tulong.
Dinial ko yung numero. Agad na sinagot ng may-ari, at binigay ko sa kanya yung lahat ng kinakailangang impormasyon na kailangan niya.
"Mukhang may pupuntahan yung asawa ko ngayon. Gusto kong sundan mo siya. Nag-iisa siya at gumagamit siya ng itim na kotse," impormasyon ko sa kanya ng walang pag-aalinlangan, at binigay ko sa kanya yung eksaktong plaka ng sasakyan.
"Sige po, ma'am," agad na sagot nung lalaki mula sa kabilang linya, na hindi nag-iiwan ng kahit anong katanungan. Hindi ako sigurado kung paano niya mahahanap yung asawa ko sa oras na 'yon gamit yung impormasyon na nakuha niya mula sa akin, pero gusto kong magtiwala sa kakayahan niya.
Matapos makipag-usap sa kanya, tiningnan ko yung oras sa cellphone ko. Mga alas-siyete pa lang ng umaga. Plano kong pumunta sa opisina, pero nagdadalawang isip ako tungkol dito.
Umupo ako sandali para mag-isip. Umupo ako doon, nakatitig ng blangko sa king-size bed na inayos ko kanina. Dahan-dahan kong kinakatok yung isa sa mga daliri ko sa armrest habang naghihintay ng update, at pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko yung tunog ng mensahe sa telepono ko at agad na tinignan kung kanino galing.
Galing ito sa taong kinuha ko. Ayon sa kanya, yung asawa ko ay nasa isang coffee shop kasama ang isang babae.
Nagpadala ako ng sagot kaagad. Hiniling ko sa kanya na ipadala sa akin yung ilang litrato dahil gusto kong makilala yung babae. Maya-maya, nakatanggap ako ng mga litrato. Nagpadala siya ng limang litrato mula sa iba't ibang anggulo. Lahat ng mga litrato ay malinaw para makilala ko siya.
Alam ko kung sino yung kasama niya. Yung tinatawag niyang kaibigan.
Ayoko bigyan ng malisya yung paraan ng pagtingin niya, pagtawa niya, at paghawak sa braso ng asawa ko, pero may kung anong kakaiba sa loob ko na nagsasabi sa akin na mayroong higit pa sa kanilang dalawa.
Kumukulo yung dugo ko, at nanginginig yung mga kamay ko. Sinabi ko sa ahente na sundan sila kung sakaling magpasya silang umalis. Nanatili akong nakaupo. Parang nakakabagot na yung araw, kahit na wala pang nangyayari sa harap ng mga mata ko, pero hindi pa hanggang sa dumating yung ilang minuto.
Paluha-luha at hindi mapalagay, parang may sinasabi sa akin yung pakiramdam ko, may kung anong hindi makatwiran na nangyayari na—at nandoon na nga. May isa pang mensahe na dumating, at isa lang itong larawan.
Hindi ako handa. Nayayanig yung mundo ko agad at nanginginig yung tuhod ko na parang jelly. Sobrang lapit nina Lucas at Diane sa larawang 'yon—hindi lang lapit. Naghahalikan sila, at nasa parking lot pa rin sila ng sikat na coffee shop kung saan nahuli sila ng ahente.
Kung sino man yung makakakita sa kanila, yung unang bagay na papasok sa isip nila ay para silang matagal nang nawawalang mga magkasintahan na namiss yung isa't isa ng sobra.
Naghahalikan sila sa publiko ng walang takot! Para silang mga gutom na hayop na hindi na makapaghintay na maibsan yung pananabik na nararamdaman nila sa isa't isa. 'Naku naman!'