Kabanata 80
Pananaw ni Felicity
"B-bakit?" tanong sa akin ni Elyana nang bigla ko siyang hinawakan sa kamay, pero paano ko nga ba sasagutin 'yun kung ako mismo hindi ko alam kung bakit?
Tumingin ang mga mata ko sa mga kamay namin tapos umakyat sa mga naguguluhang mata niya. Pero, mas marami pa do'n ang nakita ko. May pagka-miss. 'Yung mainit niyang palad, na nahawakan ko, ay nagpapadala ng senyales sa utak ko.
Gusto kong mandiri, pero hindi ako mabigyan ng utak ko ng emosyon na 'yun no'ng oras na 'yun. 'Anong nangyayari sa akin?' Isip ko. Gusto kong bitawan ang kamay niya, pero lalo pang humigpit 'yung hawak ko.
Alam kong hindi na 'yon ako. 'Yun na 'yung side na pinapatay ko ng matagal na kaya naman natukso akong lumabas sa tali na nilagay ko sa kanya dati.
"H-hindi mo na kailangan bumalik sa kwarto mo," sabi ko sa kanya. Naging pilit ang boses ko.
Naramdaman kong hinila ni Elyana 'yung kamay niya mula sa akin. Ramdam ko pa rin 'yung matinding pagnanasa na nagmumula sa loob niya, pero hindi hanggang sa siya lumayo ng tingin.
"M-may gagawin ako. Sa tingin ko hindi mo na kailangan makita 'yun."
"Okay lang," sabi ko, na ikinagulat naming pareho.
Lumingon ulit siya sa akin, this time may malalim na kunot sa noo niya. Alam ko kung gaano ako naguguluhan sa kanya no'ng mga oras na 'yun, pero hindi 'yun iba sa kung gaano ako naguguluhan sa sarili ko. Sa kaibuturan ko, gusto ko siyang tulungan. Hindi ko hahayaang mangyari ang kahit ano sa anak namin.
"B-bakit? I mean, ikaw ay..." Mukhang nakita na niya na seryoso ako.
"Sabi ko okay lang. Pwede kang bumalik sa guest room kasama ako," sabi ko nang hindi na hinintay na matapos ni Elyana 'yung sasabihin niya.
"O-okay," nakumbinsi na rin siya. "Pero mag-cr muna ako," dagdag niya.
Kinabahan ako, pero hindi ko alam kung bakit. "H-hindi!" sigaw ko. Gusto kong sampalin ang bibig ko no'ng mga oras na 'yun. Mukhang hindi na nagrereciprocate ang utak ko sa mga emosyon ko.
Lalong lumaki 'yung mga mata ni Elyana. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. "Hindi na kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin do'n?" tanong niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip ang pinakamaganda at direktang sagot. Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na gusto ko siyang tulungan at sa mahinang boses ko, ito 'yung mga lumabas na salita, "Pwede mo akong gamitin."
Parang hindi nakaka-akit, pero sino ang pakialam? Kaming dalawa lang naman 'to—-walang manonood. Kahit sampalin niya ako o sipain, walang makakakita.
Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko gamit ang dalawa kong mata kung paano siya nag-react. Halos bumagsak ang panga niya at muntik ng lumuwa ang mga mata niya.
Kita ko sa mga mata niya. Hindi siya tumawa pero masasabi kong gusto niyang tumawa no'ng sinabi ko 'yun sa kanya.
Nilunok ko ang pride ko tungkol do'n. Umaasa akong matutulungan siya sa kakaibang pagnanasa niya, pero grabe! Sobrang hiya ang naramdaman ko. Kung pwede lang akong kainin ng sahig no'ng mga oras na 'yun, hindi na ako lalaban.
'Yun lang 'yung beses na nakaramdam ako ng ganitong klase ng hiya sa buong buhay ko, na pinagdudahan ko ang sarili ko kung parang manyak ba ang dating ko o ano, pero teka, mas pinahiyahan ako ni Elyana.
"Sa tingin ko hindi ko pa kailangan ngayon," sabi niya. Ramdam ko pa rin kung gaano siya nagulat.
Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o madismaya dahil parang nasayang 'yung effort ko at mas malala, naging masama 'yung imahe ko.
"N-nagbago ba 'yung mood?" tanong ko, para lang maibsan ang awkwardness no'ng mga oras na 'yun.
Bahagya siyang tumango habang kinakagat niya ang labi niya. Iniwasan niya ang tingin ko at 'yun 'yung oras na tuluyan ko na siyang binitawan.
"Haha!" Hindi ko mapigilan ang pagtawa na awkward kahit hindi ko naman dapat ginawa. "H-hindi ako makapaniwala na effective 'yun!" Tumawa ulit ako.
Awkward—sobrang awkward na ang gusto ko lang ay tumakas.
"O-oo, nakatulong 'yun. S-salamat," sabi niya at katulad ko, nauutal din siya.
"H-well, natutuwa ako," katahimikan ang namayani sa aming dalawa pagkatapos ko 'yung sabihin sa kanya, pero sinira niya 'yung katahimikan.
"Pupunta na ako sa kwarto ko," sabi niya. Alam kong dahilan lang 'yun pero wala na akong sinabi at hinayaan ko na siyang umalis.
Nagdarasal ako na sana hindi siya lilingon dahil parang nakadikit ang mga paa ko sa sahig. Hindi ko inaasahan na mahahanap ko ang sarili ko sa ganitong awkward na sitwasyon. Pero, ang pinakamahirap na parte ay 'yung fact na na-reject ako.
Pwedeng parang baliw, pero pakiramdam ko papayag akong gamitin niya ako. Para sa kapakanan ng anak at sa kaligtasan nila. Kahit hindi ko alam kung paano ako gagawa kapag pumayag siya, 'yung pagtanggi ay nagbigay sa akin ng isipan na mas okay kung hindi siya pumayag.
No'ng bumalik ako sa guest room, nanatiling malabo ang isip ko. Medyo nagsisi ako sa sinabi ko sa kanya dahil nasaktan 'yung ego ko nang malaki.
'Pero paano kung pumayag siya? Anong gagawin ko? Hindi pa ako nakatry matulog kasama ang isang babae sa buhay ko.' Isip ko at nagsimulang mag-imagine ang isip ko ng mga bagay-bagay at inilagay ako sa partikular na eksena na 'yun.
Nagwawala ang puso ko sa puntong 'to at habang nakahiga ako sa kama, parang masikip ang pajama pants ko. Agad akong humiga ng patagilid sa kama para diinan ito, nilibing ang mukha ko sa unan habang nakakuyom ang dalawa kong kamao.
Sinubukan kong mag-relax sa pamamagitan ng pagbura sa mga isiping 'yun. Wala akong ideya kung gaano katagal 'yun, pero ramdam ko na pumipikit ang mga mata ko. Sa huli ay nakatulog ako, at no'ng binuksan ko ang mga mata ko, nakita ko ang araw na nagliliwanag sa mga bintana.
Umupo ako sa kama at tiningnan ang oras. Maaga pa. Tinapos ko 'yung morning routine ko at bumaba, kinakabahan. Tahimik akong nagdarasal na sana tulog pa si Elyana dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, pero sa aking sorpresa, nakita ko siya sa dining area, nag-eenjoy sa agahan niya.
"M-magandang umaga!" awkwardly kong binati ang lahat. Dalawang katulong ang nandun sa dining area at binati nila ako pabalik habang si Elyana ay walang sinabi.
Nakaserve na ang almusal at isang walang laman na plato na ang naghihintay sa akin sa gilid ng mesa kung saan ako madalas umupo. Lumingon si Elyana sa akin. No'ng nagtagpo ang mga mata namin, napilitan akong batiin siya, "Magandang umaga!"
"Umaga," sagot niya sa isang bulong. Nawawala 'yung maganda. Naintindihan ko naman kung bakit, pero naging duda ako kung bakit siya maaga at maayos siyang nagbihis no'ng umagang 'yun. Parang aalis siya papuntang kung saan at hindi ko lang talaga siya kayang hayaan na umalis mag-isa.
"Bakit parang maaga ka ngayon? Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Pupunta akong magpa-check up ngayon," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin. Inilapag niya 'yung tinidor at kutsara niya at pinunasan ang bibig niya gamit ang table napkin. "Pupunta ako sa mall pagkatapos ng check-up ko. Bibili lang ako ng gamit para sa nursery," dagdag niya, kahit alam niyang pipigilan ko siya dahil pinayuhan siya ni Chelsea na huwag pagurin ang sarili niya.
"May kulang ba do'n? Halos puno na 'yung kwarto at wala nang space na pwede," sabi ko at nagsimula akong maglagay ng pagkain sa plato ko.
"Maghahanap ako ng ibang dresser. Sobrang dami na ng damit na inorder ko at puno na 'yung malaki. Siguro 'yung pwede ilagay sa dingding para makatipid ng espasyo," sabi niya.
"Alam mo na hindi ka dapat mapagod, 'di ba? Ako na lang ang bibili, at magpi-picture ako para makapili ka kung alin 'yung gusto mo," alok ko.
Sinigurado kong kalmado 'yung boses ko para hindi niya isipin na nangungulit ako. Naging sobrang sensitibo na siya lately at ang pagtaas ng boses nang kaunti ay agad magpapaluha sa kanya.
"Hindi, okay lang. Hindi ako mapapagod; saglit lang naman tayo do'n. Kasama ko si Daldalita at Mona," giit niya.
Daldalita ay isa sa mga katulong sa dining area no'ng mga oras na 'yun. Binigyan ko siya ng tingin at ngumiti siya sa akin para ipakita na sisiguraduhin niyang ligtas si Elyana.
Wala na akong sinabi. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya, pero kailangan ko pa ring kausapin ang dalawang katulong bago sila umalis. Sakto lang, dahil tapos na kumain si Elyana at paalis na papunta sa kwarto niya.
Agad kong tinawag ang dalawang katulong at binigyan sila ng mga tagubilin. Nangako silang susundin ang mga tagubilin ko at naglagay 'yun ng sapat na ginhawa sa utak ko.
Pagkatapos kong matapos 'yung pagkain ko, pumunta ako sa opisina ko, no'ng paalis na si Elyana. Nagpapasalamat ako dahil mukhang hindi na apektado si Elyana sa nangyari. Dahil do'n, inaasahan kong magiging kahanga-hanga ang araw, pero no'ng mga bandang alas-diyes ng umaga, nakatanggap ako ng tawag mula sa driver ni Elyana na sinasabing nasa ospital sila.
Iniwan ko ang lahat sa opisina. Kumakabog ng malakas ang puso ko habang nasa daan. Nagmadali akong pumunta do'n at nakita ko siyang nakahiga sa kama.
"A-anong nangyari sa 'yo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya makasagot, pero dahil umiiyak siya at hawak niya 'yung tiyan niya, alam kong seryoso ang sakit niya.
Gusto ko silang pagalitan—sila, pero natanto ko na kasalanan ko rin 'yun dahil hinayaan ko siyang umalis. Lumingon ako sa mga katulong sa halip at tinanong sila ng mga detalye at no'ng nalaman ko na pauwi na sila no'ng sinabi ni Elyana sa kanila na hindi siya maganda ang pakiramdam.
Dumating na si Chelsea. "Pwede ba akong makausap ka ng isang minuto?" tanong niya. Hindi na niya hinintay 'yung sagot ko. Lumakad siya agad, iniwan ako na walang pagpipilian kundi sumunod.
Huminto siya no'ng nasa malayo na kami mula sa kinaroroonan ni Elyana. "May problema tayo," anunsyo niya habang humarap siya sa akin.
Agad akong nilamon ng nerbiyos. Alam kong seryoso 'yun dahil sa paraan niya akong tinignan at no'ng narinig ko 'yung balita, nanginginig 'yung mga tuhod ko.