POV ni Elyana
Lumundag sa saya yung puso ko nung narinig ko yung makina ng kotse sa labas ng pinto. Inaasahan ko yung asawa ko, si Lucas, na alam kong darating talaga ng gabing 'yon.
Hindi pa nakalipas ang isang linggo simula nung umalis siya para sa business trip. Agad akong nagmadaling lumabas dahil sa sobrang excitement at pagka-miss sa kanya sa mga araw na hindi kami nagkita.
Hinintay ko siya mismo sa paanan ng malaking hagdanan, nakayapak at nakasuot ng silky black robe para itago yung surpresa sa ilalim n'on.
"Honey!" sigaw ko pagkakita ko sa kanya. Nakayuko siya habang naglalakad at tumingala lang nung tinawag ko siya.
Tumakbo ako na parang bata para salubungin siya ng mahigpit na yakap, pero nung nagtama yung mata namin, nagulat ako sa reaksyon niya—walang reaksyon.
Sinubukan kong hindi pansinin 'yon at patuloy na yakapin siya nang mahigpit para ipaalam sa kanya na miss na miss ko siya; pero hindi ko mapigilang mapansin na para akong yumayakap sa isang kahoy. Ang tigas ng katawan niya, grabe.
Siguro nagulat lang siya sa ginawa ko, kaya hinayaan ko na naman yung isip na 'yon.
Tinaas ko yung ulo ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, at nagbalik yung ngiti sa mukha ko. Tumingkayad ako para abutin yung labi niya, pero tumigil ako nung wala akong nakuha na sagot sa ginawa ko.
Lumayo ako para tignan yung mukha niya.
"M-may problema ba? Hindi ba naging maayos yung business trip?" Agad kong naisip na ganito yung dahilan—na baka pinagalitan siya ng tatay niya dahil do'n.
"Pagod ako masyado para mag-usap, Elyana," sagot niya, iniiwasan yung mata ko.
Nagkasalubong yung kilay ko sa gulat, pero ang dahilan ay yung paraan ng pagtawag niya sa akin dahil kadalasan, tinatawag niya ako sa palayaw ko o kung anong matatamis na gawa-gawang pangalan.
Lumakad siya palayo at iniwan akong nakatayo sa parehong lugar. Gusto ko siyang habulin para tanungin siya, pero nagbago yung isip ko.
Lumingon ako at pinanood siyang umakyat ng hagdan. Kinakalag niya yung necktie niya habang naglalakad, at base sa kilos ng katawan niya, mukhang pagod siya.
Nagdesisyon akong sundan siya, at nung nasa loob na ako ng kwarto namin, hindi ko na siya nakita. Narinig ko yung malakas na agos ng tubig na nanggagaling sa banyo namin. Nakabukas yung pinto, pero pinilit ko yung sarili ko na huwag pumasok at gambalain siya. Kaya humiga muna ako sa kama at hinintay siyang matapos.
Sa oras na 'yon, bukas na bukas yung pinto. Naglabas ako ng malokong ngiti at tumalon mula sa kama. Gusto ni Lucas yung mga sandali na ako yung nag-i-initiate ng mga ganoong oras.
Tumalon ako mula sa kama para ipakita sa kanya yung kailangan ko. Itinago ko yung mukha ko sa gilid ng leeg niya; pero nung sinubukan kong magtanim ng mga halik do'n, bahagya niya akong tinulak palayo.
"S-sabi ko na sa'yo, pagod ako." Lumakad siya palayo pagkatapos akong itulak. Pumunta siya sa walk-in closet at nanatili do'n ng ilang minuto.
Bumagsak yung mood ko sa sahig—agad niya itong pinatay. Wala akong pagpipilian kundi ang sumuko, maglabas ng mabigat na buntong-hininga, at bumalik sa kama.
Lumabas si Lucas na walang suot na damit pang-itaas, hindi lang yung boxer shorts na karaniwan niyang suot, kundi naka pajama pants pa siya ng gabing iyon. Weird para sa akin, pero nahihiya akong bigyan ng sobrang atensyon 'yon.
Humiga ako sa tagiliran ko habang naghihintay na humiga siya. Hinintay ko siyang hilahin ako palapit, yakapin ako ng kanyang mga braso, at humingi ng tawad sa ginawa niya, pero wala akong nakuha kahit isa man lang sa mga 'yon hanggang sa sumikat yung araw kinabukasan.
Handa na siya nung nagising ako.
"Saan ka pupunta ng maaga?" tanong ko habang naghihikab, pero parang hindi ako narinig ni Lucas dahil nagmamadali siya.
"Paano kung mag-almusal muna tayo bago ka umalis?" suhestiyon ko, umaasang maririnig na niya ako sa wakas.
"Aalis na ako. May importante akong meeting," sabi niya nang hindi man lang ako tinitingnan.
Nagpatuloy siya sa paglalagay ng necktie niya mag-isa, samantalang kadalasan, ako yung nag-aayos nito para sa kanya araw-araw, pero hindi ko na maalala yung araw na nagsimula siyang gawin 'yon para sa sarili niya.
"Pero kararating mo lang—" akala ko magrereklamo ako, pero nagbago yung isip ko. Isa lang ang pwede niyang kahinatnan, at 'yon ay isang away.
"O-okay," sagot ko nang matamlay, kahit na sa loob-loob ko ay parang may kung anong pumipiga sa puso ko.
Umalis siya ng kwarto nang hindi man lang ako hinalikan o nagpaalam, tulad ng dati. Dalawang beses akong naramdaman na tinanggihan ako.
Wala na siya nung napansin kong naiwan niya yung ibang gamit na karaniwan niyang dinadala sa mga business meetings. Ang dami kong 'kung sakali' at 'paano kung', pero hinayaan kong piliin ng bulag kong isip yung maganda.
'Pero paano kung sobra na?'
Sinilip ko yung gumagalaw niyang kotse mula sa bintana ng kwarto namin at nanatili do'n hanggang sa hindi ko na siya makita.
Limang taon na akong kasal sa lalaking nag-iisang nagpapaniwala sa akin sa pag-ibig at, sa parehong oras—mga fairy tale.
Ang pamilya niya ay kilala sa buong England dahil sa pagkakaroon ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa real estate, na may mga sangay sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ganun din ang mga magulang ko, pero kilala sila sa Turkey sa larangan ng mga hotel at tour.
Ang nag-iisang problema namin ay hirap kaming magkaanak. Ang pagkakaroon ng sanggol sa pamilya nila ay isang malaking bagay dahil si Lucas ay nag-iisang anak, katulad ko.
May pressure mula sa magkabilang panig, pero yung tatay niya yung nag-exert ng karamihan sa pressure dahil gusto niya ng tagapagmana sa lalong madaling panahon.
Dahil sa kadahilanang 'yon, akala ko seryoso si Lucas sa pagsusubok ng ilang mga paraan para sa amin na magkaanak, pero kalaunan, ang dami niyang dahilan na nagpakumbinsi sa akin na sumang-ayon sa ideya niyang maging pasensyoso lang habang ginagawa yung mga bagay sa natural na paraan.
Pwede kong gawin kung ano man sa tingin niya ang pinakamaganda at komportable para sa kanya. Mahal na mahal ko siya, at kung ano man ang gusto niya, agad akong sasang-ayon.
Alam ko kung ano ang nagpapaka-abala sa asawa ko—yung trabaho lang niya—yung negosyo nila, at ginugugol niya ang karamihan sa oras niya sa labas ng bahay na nakikipagkita sa mga kliyente at paminsan-minsan ay naglalakbay mag-isa, pero—"Anong amoy 'yan?" tanong ko, sinisinghot yung malakas na amoy na iniwan ni Lucas.