Kabanata 63
Pananaw ni Felicity
"Hindi tayo pabor ngayon, mukhang ganun," rinig kong sabi ni Quintin. Mukhang nalungkot siya dun, pero dahil hindi ko pa rin alam kung anong dapat naming gawin sa lugar na 'yon, hindi ako sang-ayon sa gusto niyang ipahiwatig.
"Bakit mo pa ako dinala sa lugar na 'to? At sino 'tong mga babae?" tanong ko kay Quintin habang patuloy akong nakatingin sa napakaraming babae na nakatingin sa akin na parang may gustong kunin sa akin.
Hindi ko gusto kung paano sila tumingin sa akin. Sobrang hindi komportable at kinilabutan ako.
Lumingon ako kay Quintin at nagtanong, "Pwede na ba tayong umalis? Ayoko sa lugar na 'to."
"Sige, tara na," agad niyang sinabi sa akin at naglakad na siya. Hinabol ko siya at kumaway sa amin 'yung mga babae sa paligid ko. Kinilabutan ako sa boses nila na pumipiyok, na nagtulak sa akin na bilisan 'yung paglakad ko.
"Alam mo ba kung nasaan na si Elyana ngayon?" Tanong niya sa akin pagkalabas namin ng kwarto.
"Nasa bahay siya ngayon," sagot ko na medyo nakahinga nang maluwag na nakalabas na kami sa kwartong pinuntahan namin.
"Bahay? Sa mansyon ba nila o sa bahay mo?"
"Sa amin—sa bahay ni Nanay," sagot ko.
"Ay!" Tumigil siya. "Kaya ka ba lumabas ngayon? Ginawa mo pa akong dahilan." Dahan-dahan niyang nilingon ang ulo niya sa direksyon ko habang nagsasalita na parang may ilaw sa taas ng ulo niya nun.
Nagulat ako dahil 'yun talaga 'yung dahilan.
"Alam ko na!" sigaw niya nung hindi siya nakarinig ng kahit anong salita mula sa akin.
"Bakit mo nga pala siya hinahanap?" Pinalitan ko 'yung topic. Hindi ako handa sa pag-iisip niyang 'yun, pero pakiramdam ko kahit hindi ako nagpaliwanag, parang alam na ni Quintin.
Hindi ako makapaniwala na ganoon siya katalino.
"Puntahan natin siya," sambit niya at naglakad na naman siya.
"Uy! Anong sabi mo? Ibig kong sabihin, bakit tayo pupunta dun?" tanong ko habang hinahabol siya.
"Bakit ang dami mong tanong? Sinabi ko na sa 'yo na tutulungan kita, diba?" reklamo ni Quintin. Parang naiirita siya sa boses niya, pero kailangan kong malaman kung bakit kailangan naming makita si Elyana.
"Pwede ka bang tumigil sandali?" Hinawakan ko 'yung braso niya, na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. "Salamat sa pagtulong mo pero ipaalam mo muna sa akin kung anong klaseng tulong 'yun. May pakiramdam ako na hindi maganda at hindi ko magugustuhan sa huli kaya ipaalam mo muna sa akin kung anong plano mo," patuloy ko.
Napahinga si Quintin. "Akala ko alam mo na kung ano 'yun. Tinanong pa nga kita kung nasubukan mo na—"
Nanlaki 'yung mata ko. "Teka! Ibig mong sabihin na makipag-sleep sa—kung sino-sinong babae—'yung mga babae dun sa loob?" tanong ko nang kinakabahan, na pinutol 'yung sasabihin niya.
"Well, oo. 'Yun 'yung dahilan kung bakit kita dinala dito."
Nanginginig 'yung tuhod ko. Hindi ako makapaniwala sa dahilan niya. Feeling ko ang tanga ko nun dahil hindi ko agad nakuha kung anong gusto niyang iparating tungkol sa tulong. Tama siya; dapat ko nang alam kasi tinanong niya muna ako kung nasubukan ko na ba, pero grabe!
Na-appreciate ko 'yun—pero hindi 'yun 'yung klaseng tulong na gusto ko.
"Kailangan mo siyang harapin at pag-usapan 'yung mga bagay na sinabi mo sa akin. Alam mo—" sambit niya, na sinasadya niyang iwanan 'yung payo niya at ginawa akong walang alam.
Nung tinanong ko siya na linawin 'yun, hindi niya pinansin 'yung tanong ko. "Kailangan ko nang umalis; naghihintay sa akin 'yung mga pamangkin ko," sinabi niya sa halip at wala na akong nagawa kundi hayaan siyang umalis.
Nagkahiwalay kami nung nakalabas kami sa sikretong casino at dahil gutom ako at alam kong maraming pagkaing niluto si Nanay nun, nagdesisyon akong bumalik sa bahay ni Nanay, umaasa na umalis na si Elyana nun.
Umuwi ako na nagugutom 'yung tiyan. Alas dos na ng hapon at tapos na silang kumain ng lunch.
Nandun pa rin 'yung mga bisita, pero nasa garden na silang lahat. Kinuha ko 'yung pagkakataon na sumilip sa kusina para humanap ng makakain. 'Yung dalawang katulong, nandon, naghuhugas ng pinggan. Gusto nila akong asikasuhin pero pinigilan ko sila at sinabihan silang ituloy 'yung ginagawa nila.
Kumuha ako ng isang slice ng lasagna at nilagay sa isang maliit na plato. Tumayo ako habang kumakain sa sulok, na tinitiyak na walang makakapansin sa akin sa garden, pero nagkamali ako.
Nakita ako ng kakambal ko. Natigilan ako nung bigla niya akong tinapik sa balikat. "Bakit ka kumakain diyan?" tanong niya. "Nasa labas ang lahat," dagdag niya at tinuro 'yung garden.
May sweet talaga akong kakambal; sobrang swerte ng mapapangasawa niya na magkaroon ng lalaking tulad niya. Mukha lang siyang masungit, pero maalaga at mapagmahal siyang tao.
"Ayos lang ako dito. Tinikman ko lang 'yung lasagna ni Nanay. Aalis na rin ako mamaya," nagsinungaling ako, umaasang kakagatin niya.
"Bakit 'yan lang? Ang daming pagkaing niluto ni Nanay. Kumain ka ng marami, ikaw talaga," sabi niya sa akin at binuksan niya 'yung ref para kumuha ng malamig na tubig.
"Andito ka pala, Bakla! Akala ko hindi ka na babalik, tulad ng sinabi sa akin ni Felix!" Halos nalaglag 'yung panga ko nung isang pamilyar, malakas na boses ang pumasok sa pintuan ng garden.
Halos mabulunan ako sa lasagnang kinakain ko dahil sa kanya.
"Eto, tubig!" Inabot sa akin ng kapatid ko 'yung baso ng malamig na tubig na kakatapos lang niyang ibuhos.
Kinuha ko agad at dahan-dahan kong ininom. Akala ko si Elyana na 'yung nakita ko pagkatapos niya akong tawaging Bakla.
"Akin 'yun," rinig kong protesta ni Pretzel habang pinapanood akong uminom ng tubig na ibinuhos daw ni Felix sa baso para sa kanya.
Malinaw na malinaw 'yung lalamunan ko habang nakatingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin na may mahabang nguso.
"Sorry kung ininom ko 'yung tubig mo; kasalanan mo rin naman 'yun. Nagulat mo ako," sinabi ko sa kanya na may sisi. "Eto, sa 'yo na," dagdag ko habang inaabot sa kanya 'yung baso ng tubig na nainom ko na.
"Ayoko na nun; baka maging bakla 'yung anak ko," bulong niya.
Rinig na rinig ko 'yung sinabi niya, pero dahan-dahan pa 'yung pag-iisip ng utak ko.
"T-teka, ano?" sigaw ko, nag-uutal nung narealize ko na sinabi niyang anak.
Nahuli ko si Felix na may kakaibang tingin kay Pretzel. Isang bagay na nagpagising sa kuryosidad ko.
"B-buntis ka ba?" Nanlaki 'yung mata ko.
Mas mababa pa sa isang taon 'yung panganay nila. Nanganak siya nung araw na nagtangkang mag-propose 'yung kapatid ko sa kanya at 'yung kasal nila ay noong Pebrero.
Hindi naman sila nagmamadali, diba? Dalawa agad. Matanda na rin naman silang pareho; dapat magmadali na sila kung gusto nilang magkaroon ng malaking pamilya at sino ang mag-aakala na 'yung dating parang aso at pusa ay parang linta na mahirap nang paghiwalayin ngayon?
"Shh! Hinaan mo 'yung boses mo. Hindi pa namin sinasabi sa kahit sino. Kaya huwag kang maingay," sinabi sa akin ni Pretzel, na nakatingin sa dalawang katulong, na parang walang pakialam sa amin dahil abala sila at medyo malayo 'yung lababo sa kung saan kami nakatayo na tatlo.
"OMG—natutuwa ako para sa inyong dalawa." Wala na akong nagawa kundi hinaan 'yung boses ko.
'Yung dalawa ay produkto rin ng trabaho ko. Pinagmatch ko sila. Nagkataon lang na may malaking plot twist sa kwento nila, na hindi man lang inaasahan.
"Sumama ka sa amin; naghihintay sila sa 'yo sa labas," sinabi sa akin ni Felix.
"Oo, sasama ako; tatapusin ko lang 'yung pagkain ko," sagot ko, kahit wala akong planong lumabas.
Habang naglalakad 'yung dalawa pabalik sa garden, napansin ko 'yung kakambal ko na hawak 'yung kamay ni Pretzel. Maganda silang tingnan. Nakikita ko kung gaano sila kasaya sa isa't isa.
Nakatitig ako sa kanila nung biglang lumitaw si Elyana, at nung nagtama 'yung mga tingin namin, natigilan ako.