Kabanata 2: Ipinakikilala… si Mary
Nakaupo si Beth sa sofa sa sala nang maraming oras; habang gumagala-gala ang isip niya. Nagsisimula siyang alalahanin 'yung mga gabing nagpalipas siya sa bahay ng lola niya noong bata pa siya.
Gabi-gabi, sa dilim, 'yung mga pasilyo at hagdanan, habang naglalakad ka, parang humahaba nang humahaba. Kung mas mabilis kang tumakbo, mas lalong lumalayo sa 'yo ang pupuntahan mo; hanggang sa parang may magic formula sa quantum physics na nakatulong sa 'yo na maabutan ito.
Tapos, may mga nakakakilabot na ingay sa dilim…'yung mga kung ano sa dilim, ika nga. Bawat tunog lumalaki, tumutunog sa 'yong tainga buong gabi. Mga nakakatakot na tunog na gumugulo sa isip mo habang buhay. Hindi mo talaga sila makakalimutan. Mananatili lang sila, naghihintay ng oras nila para gumising at tumunog ulit sa isip mo. Ngayon na ang oras para gumising ang mga ingay ni Beth.
Sa isang estado na parang nasa sariling mundo, natutulala si Beth sa pag-iisip tungkol sa mga gabi niya kasama ang lola niya; nang bigla siyang 'nagising' dahil sa katok sa pintuan.
Habang nakatingin sa pintuan, may isa pang katok.
"Sino 'yan?"
Walang sagot. "Hello? Sino diyan?"
Walang sagot; pero, isa pang katok. Nagdesisyon si Beth na pumunta sa pintuan; pero, bago 'yon, kinuha niya 'yung lalagyan ng kandila sa mantel.
Dahan-dahang naglakad si Beth papunta sa pintuan. Mas maraming katok. Huminto siya, hinigpitan ang hawak sa lalagyan ng kandila habang hinihila ito sa dibdib niya, huminga nang malalim at sumigaw…
"Sino…ba…'yan?!"
Walang sagot. Pero, walang katok din.
Tapos, isang nakakagulat na kaisipan ang pumasok sa isip niya…nasa labas si Anna mag-isa!
Nagmadali si Beth sa pintuan para tumingin sa labas; pero, pagkahawak niya sa doorknob, nakarinig siya ng kalampag sa pintuan sa kusina.
Ngayon nag-aalala kay Anna…walang pag-aalinlangan…umikot siya at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan sa likod. Tumigil ang kalampag nang buong pwersang iniikot ni Beth ang doorknob at binuksan ang pintuan. Lumabas siya, hawak ang lalagyan ng kandila.
Walang tao.
Napansin ni Beth na naglalaro si Anna ng pisi sa may barn. Si Anna, nang makita ang nanay niya, huminto para kumaway sa kanya. Si Beth, na gumaan ang pakiramdam dahil ayos lang ang anak niya, ngumiti at kumaway pabalik. Bumalik si Anna sa paglalaro ng pisi.
Si Beth, natigilan, nagsimulang tumawa. Ayaw niya; pero, hindi niya mapigilan. Tapos, narinig niya ito; at, tumigil ang pagtawa.
Sumarado ang pintuan.
Pumasok ulit si Beth sa bahay; nag-iingat sa pagbalik sa likod ng sofa. Nakatayo si Beth sa likod ng sofa, tinitignan ang paligid niya.
Walang senyales na may tao doon. Ngayon, iniisip na baka umalis na 'yung kung sino man 'yon; binaba ni Beth, pero, hawak pa rin 'yung lalagyan ng kandila. Pumunta siya para tumingin sa pintuan.
Pagdating sa pintuan, mabilis niyang itinaas ang lalagyan ng kandila pabalik sa 'posisyon na pang-bomba', habang nananaktik ang kanyang mga kamay dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya rito. Nagsimulang tumibok ang puso niya at humihinga siya nang malalim. Nanginginig siya, habang nagsisimula nang mamuo ang pawis sa kanyang noo.
Naka-lock ang dead-bolt at naka-chain pa ang pintuan. Napagtanto ni Beth na 'yung kung sino man ang nagsara ng pintuan ay dapat na nasa loob pa rin ng bahay; at, sa maikling sandali ng malinaw na pag-iisip at pangangatuwiran, nagmadali siya sa telepono para tumawag sa 911. Kinuha niya ang telepono at…walang dial tone.
Sabay niyang binagsak ang telepono at lalagyan ng kandila; nakatayo doon na paralisado sa takot. Gusto niyang gumalaw; pero, hindi niya kaya.
Pagkatapos ng hindi pagkilos na parang walang katapusan para sa kanya, narinig ni Beth ang mga yabag ng bata na tumatakbo sa sahig sa itaas niya. Biglang, nakagalaw siya; at, nagsimulang sundan ang pagtapak ng mga yabag na naglalakad pabalik-balik sa kisame.
Huminto sila; at, huminto rin si Beth. Naghintay siya at nakinig.
"Mommy?" tawag ni Anna mula sa kusina.
Nagulat si Beth; tapos tinawag niya si Anna, "Teka, Sweetie; pupunta ako diyan."
Hindi na narinig ni Beth ang anumang yabag, kaya pumunta siya kay Anna; na nasa mesa sa kusina na naghahanda para magbuhos ng dalawang baso ng orange juice.
"Mommy, nakita mo ba si Mary?"
Nalilito pa rin, tumitingin pabalik sa ibang silid, si Beth, na parang nasa 'auto-pilot', ayon sa ugali ay itinuloy ang pag-uusap, "Hindi. Sino si Mary?"
"Siya 'yung kaibigan ko."
"Kaibigan mo? Hindi ko alam na may kaibigan ka na dito."
"Oo; naglalaro kami lagi sa barn."
"Ah. Ang ganda naman; natutuwa ako na may kalaro ka." Patuloy na nakatingin si Beth sa kusina papunta sa sala. "So; mabait ba siya?"
"Oo. Sobrang bait."
"Mabuti naman. Kailangan mo siyang ipakilala sa akin minsan." Tapos nag-isip si Beth. "Sweetie, teka muna; bakit mo ako tinatanong kung nakita ko si Mary? Hindi ba siya nakikipaglaro sa 'yo?"
"Oo; pero tinanong niya kung pwede niyang gamitin 'yung banyo."
"So, sinabi mo kay Mary na gamitin ang banyo natin?"
"Oo. Okay lang ba 'yon, Mommy?"
Yumuko si Beth at niyakap si Anna. "Oo. Oo naman okay lang 'yon, Sweetie." Niyakap niya ulit si Anna, at hinalikan siya sa pisngi.
Sa wakas gumaan ang pakiramdam niya, umupo siya sa mesa sa kusina habang binubuhos ni Anna ang juice. Umupo sila at naghintay kay Mary na bumaba.
Hindi bumaba si Mary nang hapon na 'yon.