Chapter85 Nagising si Anna
Nasa catacomb si Anna; na nasa ilalim ng lupa, mga trenta piye. Nandyan na yan nung panahon pa ng monastery; at, sa mismong kwartong 'to ginagawa ng mga monghe yung satanic rituals nila.
Nakaratay yung katawan ni Anna sa altar, nakatayo sa isang plataporma sa gitna ng kung saan dating sacrificial chamber. May nakaguhit na malaking pentagram sa sahig, gawa sa dugo nung mga sinacrifice; habang yung mga dingding, may mga spells at incantations na nakasulat…dugo din ang gamit. Madilim ang kwarto, may maliliit na ilawan na may langis na nakalagay sa paligid ng altar; nililiwanagan yung natutulog na si Anna.
At, habang yung natutulog, walang ganang katawan niya ay nakaratay sa altar sa sacrificial chamber; si Anna ay naglilibot sa loob ng malaki at lumang bahay na yun sa kanyang isip…nag hahanap ng paraan para makaalis. Dahan-dahan siyang bumababa sa madilim na pasilyo, nakalahad yung mga kamay niya; ginagamit niyang ‘pang-aninag’ habang gumagalaw siya. Bumukas yung mga ilaw, at kinusot niya yung mata niya na masakit; sinusubukang i-focus yung mga mata niya sa pasilyong kakabukas lang ng ilaw.
Naghanda siya sa panibagong paparating na bisita; na kadalasan nangyayari kapag bumubukas yung mga ilaw.
Nakita ni Anna si Mary at Davey na nakatayo sa kabilang dulo ng hallway; at, nag ngitian sila habang naglalakad siya palapit sa kanila. Huminto si Anna sa harap nila, mga ilang piye, at nagdemanda, “Gusto kong makita yung mga magulang ko!”
Sagot ni Mary, “Natatakot akong hindi pwede, Anna.”
“Bakit hindi pwede?”
“Kasi; wala na sila.”
Naguluhan si Anna. “Anong ibig mong sabihin na wala na sila, Mary?”
“Umalis na sila; at, hindi na sila babalik, Anna.”
Mariing tinutulan ni Anna yung sinabi ni Mary, “Nagsisinungaling ka! Hindi sila aalis nang wala ako!”
“Hindi ako nagsisinungaling, Anna; umalis talaga sila.”
“Bakit?”
“Kasi, sinabi ko sa nanay mo na patay ka na; at, mas mabuti pang umalis na sila bago sila mapatay.”
“Bakit ka nagsinungaling sa nanay ko, Mary?!”
“Hindi ako nagsinungaling sa nanay mo, Anna.”
“Oo, nagsinungaling ka! Sinabi mo na patay na ako! Hindi ako patay!”
“Oh, pero patay ka na, Anna.”
“Hindi ah!”
“Ahuh,” nang-aasar ni Mary kay Anna. “Bakit sa tingin mo palaging madilim dito, Anna? Bakit hindi ka makahanap ng ibang tao? Paano ka hindi makaalis ng bahay?”
Nakatayo lang si Anna dun, panandaliang tahimik bago siya bahagyang nagkibit balikat at malungkot na bumuntong hininga, “Hindi ko alam.”
Sinister na ngumiti si Mary habang itinaas niya ang kilay niya ng kaunti at sumagot, “Hindi mo alam? Sasabihin ko sayo kung bakit…kasi, patay ka na; yun ang dahilan.”
Kinagat ni Anna yung ibabang labi niya habang nakatitig sa sahig na gawa sa kahoy; nanginginig, habang tumutulo yung luha sa pisngi niya. Tapos bigla siyang nag-isip, “Mary, hindi ako pwedeng patay; sabi mo gagamitin ko yung pala para pumatay ng tao…at, kung hindi ko gagawin; mapapatay ako. Hindi pa nangyari yun.”
“Oo nangyari na, Anna; hindi mo lang maalala.”
“Hindi nangyari; nagsisinungaling ka ulit, Mary. Hindi ako patay…at wala na yung mga magulang ko.”
Nagtinginan si Mary at Davey; tapos, umalis siya.
Galit na sumimangot si Mary kay Anna at nagbuntong hininga, “Nakita mo na ba yung ginawa mo ngayon, Anna? Napikon mo si Davey. Bakit kailangan mo pang sirain yung saya ng lahat?”
“Gusto kong bumalik sa mga magulang ko, Mary! Pakawalan mo na ako!”
“Aba; ang arte mo, maliit na bitch! May alam ka, Anna; halos kasing sama mo na si Chelsea…halos.”
Lumingon si Anna sa paligid, at nagtanong, “Nasaan ako, Mary?”
Lumingon si Mary sa paligid, at tumawa, “Nasa bahay mo, Anna; hindi mo ba ito nakikilala?”
Umiling si Anna. “Hindi.”
“Hindi…hindi mo ito nakikilala, Anna?”
“Hindi…hindi ako sa bahay; niloloko mo ako, Mary. Nasaan ako?”
Naiirita na si Mary kay Anna at sumigaw, “Nasa bahay mo, bitch!”
Sumagot si Anna, “Hindi ako…bitch!”
Sa sandaling iyon, nawala si Mary; at, lahat ay naging madilim ulit. Hindi gumagalaw si Anna, humihinga ng mabilis habang yung puso niya ay kumakabog sa dibdib niya; tapos, huminga siya ng malalim at tumalon.
Panandalian siyang nabulag ng liwanag sa kwarto…kahit na madilim…habang sinusubukan ng mata niya na mag-focus galing sa pagkakaroon ng sarado ng mga nagdaang araw. Nagising si Anna galing sa kanyang coma; natagpuan ang sarili niya na nakaupo sa altar sa silid; kasama si Jean-Louise Wadell sa tabi niya.