Chapter72 Pinatay si Mary…Muli
“Grabe na ‘to! Anong nangyayari, put*ngina?” galit na galit si Beth. “Yung b*tch na ‘yon umupo doon na may luha pa sa mata habang hawak-hawak yung anak ko! Tapos; sasabihin mo sa akin, lahat ng ‘yon kasinungalingan lang…na hindi siya yung tunay na Mary Howell? Anong kalokohan ‘to, Cindy? Bakit?”
Napahiga si Beth sa sofa, tinakpan niya yung mukha niya, umiiyak. Umupo si Cindy sa tabi ni Beth na sobrang iritado at hinagod ang likod niya. “Hindi ko alam kung anong nangyayari, Beth. Sa tuwing iniisip natin na nalaman na natin ang katotohanan tungkol sa multong ‘to; kasinungalingan lang pala. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.”
Pumagitna si Deputy Hopkins, “Ayoko mang sabihin; pero, hindi na ako nagulat na nagsisinungaling siya. Kasi, si Roy ang nagdala sa atin sa kanya. Malamang, set-up lang ‘yon ni Jackie boy.”
Tanong ng sheriff kay deputy, “Pero, bakit niya pa ipapasabi kay Beth at kay Professor na nandun ang tatay niya nung gabing ‘yon; at, na ideya ni Phil ang paglipat niya ng bagong pagkakakilanlan?”
“Ewan ko, Lloyd…siguro para paniwalaan tayo na nagsasabi siya ng totoo; dahil sa sinabi niya ay pwede niyang isabit ang magandang pangalan ni Steinman.”
“At, sa tingin ko walang paraan para patunayan kung totoo o kasinungalingan ang sinabi niya; ‘yon ay hanggang sa lumitaw ang kalansay ng totoong Mary Howells.”
“Tama ka; pardner!”
“Very good, Mike. Gagawin ka naming tunay na Texan.”
“Naku, pwede ba akong mangarap?”
Pumasok si Professor Rhyies sa sala galing sa pagtawag sa babaeng nagpapanggap na si Mary Howell na lumipat ng bahay. Nanatiling tahimik siya nang sumama siya sa iba; tinanggal niya ang kanyang salamin at nilinis ng maigi.
Tinignan siya ni Cindy at nagsimulang mag-alala. “Anong problema, Professor?”
Hindi sumagot si Professor; patuloy lang siya sa pagpupunas ng lente. Inulit ni Cindy; medyo mas malakas, “Anong problema, Professor?”
Walang sagot. Nagpupunas pa rin siya.
Sumigaw si Cindy, “Professor!”
Sa wakas sumagot siya, “Ano ‘yon, Ms. Lidestrom?”
“Nakausap mo ba siya?”
“Hindi…hindi ko.” Bumalik siya sa paglilinis ng kanyang salamin.
“Anong problema, Professor? Hindi mo ba siya nakontak?”
“Hindi, Ms. Lidestrom, hindi ko nagawa.” Patuloy pa rin siya sa pagpupunas.
“Pero, susubukan mo mamaya; ‘di ba?”
“Hindi; hindi ko gagawin.” Patuloy pa rin siya sa pagpupunas.
Lito na si Cindy. “Bakit, Professor?”
Sa biglang pagsabog…na hindi katulad sa kadalasang mahinahong professor…ibinagsak niya ang kanyang salamin sa sahig; nabasag sa maraming piraso. Sumigaw siya, “Dahil patay na siya, Ms. Lidestrom!…Patay na!”
Katahimikan ang bumalot sa kuwarto. Tumayo si Professor, ginulo ang kanyang kulay abong buhok na parang kay Albert Einstein at naglakad papunta sa fireplace. Inilagay niya ang kanyang braso sa mantle at lumingon sa iba; na nagulat pa rin sa balita ng pagkamatay ng babae.
“Humihingi ako ng tawad sa aking maliit na episode, Ms. Lidestrom. Sobrang naguluhan lang ako sa pag-alam na siya ay…”
“Naging ano; Professor?” tanong ni Sheriff Faulkner.
“Pinatay; Sheriff.”
“Pinatay? Paano? Paano mo nalaman ‘to, Professor?”
“Noong tinawagan ko siya, sumagot ang isang Homicide Detective Williams ng New Hampshire sa telepono. Nang tanungin niya kung bakit ko tinatawagan si Mrs. Johnson, sinabi ko sa kanya ang tungkol sa aming kamakailang pagbisita doon sa kanya; at, ipinaliwanag sa kanya kung bakit kami pumunta doon. Pagkatapos noon, ipinaalam niya sa akin…na kumpidensyal siyempre…kung ano ang nangyari.”
“Plano mo ba na sabihin sa amin; ‘di ba, Professor?” tanong ng deputy.
“Oo naman.” Si Professor, nakagawian na, inabot niya ang kanyang salamin; na wala na sa kanyang mukha. Humalakhak siya ng mahina. “Ang sabaw ko naman. Nasira ko ang salamin ko; ‘di ba? Ay, bahala na.” Tumahimik siya.
“Professor,” tanong ni Cindy, “anong nangyari?”
“Lumilitaw na, ang asawa niya ay nasa business trip nitong mga nakaraang araw; at, nang umuwi siya ngayong umaga, nakita niya ito sa kanilang kwarto. Ang kanyang katawan ay pinutol-putol gamit ang palakol.”
“My God!” sigaw ni Cindy bago tinakpan ang kanyang bibig habang nagulat siya.
“Mayroon pang iba.” ipinaalam sa kanila ni Professor.
“Iba pa?” tanong ng sheriff, “Put*ngina, Professor; ano pa?”
“Sinumang gumawa nito ay sumulat ng mensahe sa kanyang dingding gamit ang kanyang dugo.”
“Isa pang mensahe na may dugo? Galing. Anong nakasulat, Professor?”
“Nakasulat…‘Ngayon pwede ka nang maging Mary Howell’.”