Kabanata 40: Nakilala ni Cindy si Mary
Si Cindy, naniniwala na may sumusubok na pigilan siya na pumasok sa kamalig. Sinubukan niyang puwersahin buksan yung pinto, pero ayaw bumukas; kaya, nilakad niya palibot yung istraktura para tignan kung may ibang daan papasok.
Habang natapos siya sa paglalakad palibot ng kamalig…pagliko sa huling sulok…si Mary, nakatayo sa harapan. Dahan-dahang lumapit si Cindy sa kanya.
“Mary?”
Mapanlait na ngumiti si Mary. “Cindy.”
“So, alam mo kung sino ako?”
“Oo; alam ko kung sino ka, Cindy. Alam ko rin kung sino si Propesor Rhyies, ganun din.”
Curious si Cindy. “Alam mo ba kung bakit tayo nandito, Mary?”
“Hindi mo alam kung bakit ka nandito, Cindy? Wait lang…wag mong sabihin…tinest mo ako; di ba, Cindy? Okay; laruin natin yung laro mo. Nandito ka dahil kay Chelsea.”
“Chelsea? Anong dahilan para isipin na nandito tayo para sa kanya, Mary?”
“Kasi wala na siya sa kontrol.”
“Paano siya nawawalan ng kontrol?”
“Tara na, Cindy; kailangan pa ba nating pagdaanan 'to?” Tumingin si Mary sa gubat; tapos, humarap kay Cindy at ngumiti. “Sige; kung ito yung paraan kung paano natin gagawin…wala na siya sa kontrol, dahil sinusubukan niyang saktan si Anna.”
“Anong ibig mong sabihin sinusubukan niyang saktan si Anna, Mary?”
“Anong ibig kong sabihin, anong ibig kong sabihin; Cindy? Sinusubukan niyang saktan si Anna; hindi ko na pwedeng palabuin pa dun. Tignan mo na lang yung ginawa niya sa kanya last week. Kawawa naman si Anna, pwede na sana siyang mamatay sa lamig.”
“So; si Chelsea ang may gawa nun?”
“Oo, Cindy. Sinubukan kong balaan si Beth; pero, ayaw niya akong paniwalaan.”
“Bakit ayaw ka niyang paniwalaan, Mary?”
“Kasi pinupuno ni Chelsea yung ulo niya ng kasinungalingan tungkol sa akin.”
“Anong kasinungalingan?”
“Kasinungalingan lang, Cindy.”
“Okay. Pero, bakit gustong saktan ni Chelsea si Anna?”
“Kasi gusto niyang tulungan siya ni Beth na mahanap si Tommy; na hindi naman ginagawa. Gusto ni Chelsea na masunod ang gusto niya; at, kung hindi…pinaparusahan ka niya.”
“Pero, bakit si Anna; bakit hindi na lang kay Beth?”
“Oh, pero ginagawa niya naman. Kita mo naman, Cindy, ang pag-sakit kay Anna ang magiging sanhi na mas masaktan si Beth kesa sa kahit ano pang kaya niyang gawin sa kanya.”
“Bakit gustong mahanap ni Chelsea si Tommy, Mary?”
Hindi sumagot si Mary, na may pagtatakang itsura sa kanyang mukha. Nag-aalala si Cindy na baka hindi niya sinasadyang nagtanong na nagiging sanhi na mag-isip ng husto ang persona na 'to; parang babala ng propesor na mangyayari kung masyadong mag-uusisa. Nararamdaman niya ang pagkaapurahan na ibaling ang atensyon ni Mary pabalik.
“Nasaan si Tommy ngayon, Mary?”
May maikling sandali ng katahimikan bago bumalik yung pag-iisip ni Mary sa kanilang usapan. “Nasa paligid.”
“Saan sa paligid?”
“Sa paligid lang, Cindy.”
“Hindi niya masyadong gusto si Chelsea; 'di ba?”
“Sisisihin mo ba siya, Cindy? Sa tingin ko hindi mo rin magugustuhan ang isang taong dudurugin yung ulo mo ng martilyo.”
“Siguro hindi. Pero, gusto ka niya. Sabi sa akin ni Beth na sinabi ni Tommy na tumatambay siya sa kamalig kasama ka; na gusto ka niya dahil mabait ka sa kanya.”
“So ano?”
“Wala lang…sinasabi ko lang yung narinig ko; yun lang yun.”
Nakatingin si Mary kay Cindy ng isang minuto, tapos nagtanong, “Bakit mo gustong pumasok sa kamalig?”
“Ano?”
“Sinusubukan mo pumasok sa kamalig; 'di ba, Cindy?”
“Oo sinubukan ko, Mary.”
“Anong gusto mo?”
“Anong pakialam mo, Mary; hindi ba ako pwedeng pumasok dun?”
Nanlait si Mary. “Larong-laro ka pa, Cindy?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ibig kong sabihin yung laro kung saan sinasagot mo ang tanong ng tanong. Tinanong kita kung bakit mo sinusubukan pumasok sa kamalig. Anong gusto mo, Cindy?”
“Gusto ko lang makita yung loob nun, Mary; yun lang yun.”
“Pero, bakit? Hindi ka pa ba nakakita ng loob ng kamalig dati?”
“Sabi ko nga, gusto ko lang tignan. Pero, hindi mo naman ako papapasukin; 'di ba?”
“Hindi.”
“Bakit hindi?”
Humarap si Mary, bahagyang binuksan yung pintuan sa kaliwa at sumilip sa loob; tapos, sinara yung pinto. “Kasi natutulog si Tommy; at, ayaw kong istorbohin siya.”
Umiling si Cindy at ngumiti. “Pwede akong pumasok mamaya; kapag gising na siya sa pagtulog niya?”
“Sa palagay ko; kung gusto mo.”
“Gusto ko.”
“Kung ano yung ikakasaya mo, Cindy.”
“At, ano yung ikakasaya mo, Mary?”
“Ang mapag-isa.”
“Sigurado ka ba dyan, Mary?”
“Sigurado sa ano, Cindy?”
“Sa pagiging mag-isa na nagpapasaya sa 'yo?”
“Oo, sigurado ako. Bakit?”
“Nag-iisip lang ako; kung yung pag-iisa nagpapasaya sa 'yo, bakit ka nakipag-ugnayan kina Anna at Beth?”
Natigilan ulit si Mary sa mapang-usisa na pagtatanong ni Cindy, at umatras sa kamalig; iniwang bukas yung pinto ng kaunti. Inabot ni Cindy yung pinto; pero, bigla itong sumara bago niya maabot yung hawakan. Sinubukan ni Cindy na buksan ulit yung pinto; pero, hindi niya kaya.