Ang Pista
Kahit gabi na, nakisabay pa rin sila sa isang mabait na mag-asawa. Naguluhan si Charlotte nung sinabi ni Daniel yung address nila. Pero halatang hindi na siya pwede bumalik sa hostel, grabe na ang isyu para sirain ang pangalan niya.
Sa isang pagtitipon, narinig niya tungkol sa pamilya nito at nagkaroon din siya ng pagkakataon na makilala sila. Ang swerte nga naman!
Si Julia, nanay ni Daniel, ang tumanggap sa kanila. Naguluhan din siya kung bakit yung mabait niyang anak na may kasamang babae, umuwi ng ganitong oras.
“Nay, sugatan si Star! Pakikuha nga yung first aid kit.”
Pinaupo niya ito sa may sofa, lumuhod para lagyan ng gamot.
“Medyo mahapdi. Tiisin mo lang saglit.”
Tinitignan ni Charlotte yung lalaking mabait na ito na tinatrato siya na parang isang bulaklak. Pagkatapos ng pagkamatay ng tatay niya, si Daniel ang nagparamdam sa kanya na espesyal siya ng ganito. Kahit sa mga tao, bihira na yung ganitong pag-aalaga.
Malinaw niyang naramdaman ang tiwala na mas lumalakas sa kanila.
Tumira si Charlotte sa kwarto ni Gng. Webber, na nag-update sa kanya sa buong background nila.
“Namatay yung tatay ni Daniel nung sampung taon pa lang siya. Ako ay isang nurse sa General Hospital at sina Lila at Marry (mga kapatid ni Daniel) ay nasa nursing college. Masaya ako na seryoso na si Daniel sa kanyang buhay. Nasira ni Riya yung buhay ng anak ko.”
Habang natutulog, pinakinggan ni Charlotte ang buong podcast tungkol sa nabigong relasyon ni Daniel at nag-enjoy sa bagong tuklas na libangan sa tsismisan. Hindi siya palakwento pero yung nanay niya ay sobrang bait at inosente kaya hindi niya mapigilang makisabay sa kwento nito.
Sa almusal, nakilala ni Charlotte ang mga babae na sobrang excited, itinuturing siya na kanilang bagong bayaw. Hindi sila naapektuhan ng clearance ni Daniel, sa katunayan nakakuha sila ng pangako na manatiling magkausap sa hinaharap. Nabaunan siya ni Tita Julia ng lunch kagaya ng mga anak niya. Puno ang puso ni Charlotte ng init ng kanyang pagmamahal.
“Medyo OA ang pamilya ko. Sana hindi mo sila mamasamain.”
Humingi ng paumanhin si Daniel tungkol sa ugali ng pamilya niya habang pabalik sila sa hostel na basta na lang binasag ni Charlotte.
“Hindi na kailangan humingi ng tawad sa pagiging simple at pagmamahal nila. Mapalad ka na may pamilya.”
“Paano naman yung pamilya mo, Star?”
Naalala rin ni Daniel na may dinala pala siya sa bahay na babae na hindi niya masyadong kilala.
“Ulila ako. Pinalaki ako ng tiyo ko. May pinsan ako na nasa ibang bansa para sa pag-aaral.”
Inulit niya ang parehong impormasyon na ginagamit niyang sagot sa lahat ng lugar.
“Ay! Sorry. Kaya pala sanay ka na itago ang mga bagay-bagay sa sarili mo. Hindi ko sasabihin sa 'yo na maging bukas ka agad pero pwedeng gumamit ng alternatibong pamamaraan para maipahayag ang sarili mo. Magrereseta ako ng ilang gamot para sa 'yo, sana gumaling ka.”
Naiintindihan ni Charlotte ang pagiging tapat niya na parang bata. Tinandaan niya ang lahat ng payo niya tungkol sa kanyang sugatang paa at bumalik sa dorm, na nakahakbang sa isang paa. Nakatulong yung tsinelas ni Lila kundi mas nakakapagod ang paggalaw ng nakataas.
Nakakuha siya ng reseta mula kay Daniel sa parehong araw na nagpadala rin ng gamot bilang tanda ng pasasalamat.
Nakuha rin niya ang trabaho sa opisina ni Charlotte na may dobleng bayad, tirahan at kotse.
dahil sa pang-araw-araw na paalala ni Daniel, kumuha si Charlotte (inis sa kanyang pagmamagmamadali) ng isang dosis at himala, natulog siya ng tatlong oras.
Pagkatapos ng mahabang panahon, naramdaman niyang buhay siya!
Ang sariwang dugo mula sa kanyang mga kaibigan ay nakapagpapalusog pero walang makukumpara sa kapayapaan pagkatapos ng nakaka-aliw na tulog, ang enerhiyang ito ay walang kapantay!
Pero panandalian lang ang kaligayahan niya. Tinawagan siya ng kanyang manager para sa isang taunang hapunan sa kanyang Mansyon. Sawa na si Charlotte, iniisip yung show-off kung saan nagpakilala ang iba't ibang negosyante sa kanyang mga anak, umaasa ng mas maraming kita sa pananalapi.
Nakakaawa!
Hindi katulad noong nakaraang taon, nagpasya siyang humanap ng permanenteng solusyon sa problemang ito. Nag-iisip siya tungkol dito nang magrekomenda si Angie ng isang paraan,
“Paano kung kumuha ka ng pekeng boyfriend sa party?”
Kuminang ang mga mata ni Charlotte sa kahusayan ng kanyang mungkahi, kaya nagpatuloy si Angie,
“Sa tingin ko, isama mo si Dr. Daniel. Makakumbinsi kung ipakilala mo siya bilang date mo.”
Hindi naman masama ang pagpili ni Angie pero ang pangunahing hadlang ay ang pakikipag-usap kay Daniel tungkol dito. Sinubukan si Charlotte na i-text siya at pumunta pa sa kanyang opisina pero tahimik na bumalik dahil hindi siya komportable sa buong pagpaplano na ito. Kinatatakutan niya ang kanyang reaksyon, kung paano siya magagalit na napakababa ng kanyang iniisip at pinili siya para sa nakakahiya na gawain na ito.
Sa wakas, dumating ang araw ng piging at umalis si Charlotte mag-isa sa kanyang kotse. Naka-pink na limitadong edisyon na topless gown siya na may kaunting makeup at alahas pero kinakabahan sa pagharap sa mga sakim na negosyanteng iyon muli.
Sa kanyang paglalakbay, hiniling niya sa driver na bumili ng isang bouquet ng mga orchids para sa party. Dumating sila sa Mansyon pagkatapos ng apatnapu't limang minuto.
Tinitignan niya ang pintuan sa harap, nag-aatubiling pumasok sa masiglang party na iyon. Biglang may isang mainit na braso ang bumalot sa kanyang baywang. Nagulat siya at itinaas ang kanyang ulo, para lang makita ang kalmado at nakaka-aliw na puso ni Daniel,
“Si Daniel ay nasa serbisyo, Madam Star!”
Bahagyang yumuko ang kanyang ulo, ang kanyang karaniwang alindog ay tumindi sa itim na suit na suot niya. Mahirap malaman kung ang kanyang pananamit ay mas kaakit-akit o ang kanyang personalidad? Sa kanyang aura na napaka-regal, nakatayo siya ng matangkad sa buong karamihan.
Si Charlotte ay si Charlotte Lockwood sa party, pamangkin ni Sharon Lockwood, ang may-ari ng Lockwood Jewelry studios. Ito ay isang magandang pagtuklas para sa kanya na sa kabila ng pagiging doktor, si Daniel ay medyo may alam sa negosyo. Ang kanyang pormal na pag-uusap ay nagbigay ng malaking epekto sa karamihan. Nakatanggap din siya ng masamang tingin mula sa mga babae na nagseselos sa kanilang mag-asawa.
“Nakakatuwang makita kung alam ba nila na si Daniel ay walang asawa.”
Naglalaro siya ng kanyang baso ng alak nang ipakilala ni G. Sharon ang isang sobrang palakaibigang bilog na tiyo,
“Star, kilalanin mo si Director Lawrence. Nangunguna ang kanyang kumpanya sa negosyo ng diyamante.”
Nakilala siya ni Star na may pekeng ngiti pero ang lahat ng kanyang pormalidad ay napunta sa Impyerno nang ipakilala siya nito sa kanyang anak,
“Siya ang aking anak, si Rick Lawrence. Siya rin ay estudyante sa Colorado University.”
Tapos na si Charlotte sa diplomasyang ito, kaya humingi siya ng paumanhin para sa pahinga sa banyo at nag-text sa kanyang manager para kanselahin ang lahat ng deal sa grupong Lawrence na ito.
Ang eksena ng duguan katawan ni Angie at ang kanyang nakakatakot na sigaw ay sariwa pa rin sa kanyang isipan, na tinatakot ang kanyang kaluluwa. Bahagya niyang pinigilan ang kanyang sarili sa pagputol ng kanyang leeg dahil ang pagpatay ay maaaring maging isang nakamamatay na pagkagumon para sa isang bampira. Kapag natikman mo na ang luho ng pangangaso sa iyong biktima, hindi mo na mapipigilan ang iyong sarili kailanman.
Pumunta si Charlotte sa pool area sa backyard, malayo sa main party hall. Nag-scroll siya sa social media doon nang makuha ng amoy ni Daniel ang kanyang atensyon.
“Kaya iniisip mong ilunod ang iyong galit sa malamig na tubig. Magandang pamamaraan, pero napakalamig ng panahon para sa pagpapatupad nito.”
Dumating si Daniel na may plato ng meryenda, na nalaman niyang kahanga-hanga dahil gutom na gutom siya.
“Mali ang pagkakaintindi mo sa payo ko. Sa party, nanginginig ka sa galit. Ang tatay ni Rick ay kapareha ng iyong tiyo, hindi mo siya pwedeng insultuhin nang hayagan.”
Andiyan na naman siya, isang lektyur na naman kay Daniel!
“Kaya ko at gagawin ko. Hindi makikipag-usap ang tiyo ko sa mga bastos na katulad nila. Dapat magpasalamat si Rick na hindi ko siya iniulat sa pulisya.”
Sa pagkilala sa pagiging sensitibo ni Charlotte sa bagay na ito, binago ni Daniel ang paksa,
“Nakakabaliw ang pagiging mayaman. Maaari kang umupa ng date sa pamamagitan ng iyong kalihim. Maaari ba akong magtanong kung bakit hindi mo ako tinawagan nang direkta? Wala akong pakialam pero mas espesyal kung personal mo akong tinanong.”
“Kalihim?”
Nag-iisip siya tungkol sa bagay na hindi umiiral nang lumitaw ang pangalan ni Angie sa kanyang isipan.
“Ideya ni Angie na tawagan ka. Nag-iisip ako na dumalo mag-isa sa party na ito.”
Tumawa siya habang tumitingin sa buong paligid,
“Mas gusto mong harapin ang mga bagay-bagay nang mag-isa kaysa sa paghingi ng tulong ko. Mabuti na lang at alam ko ito!”
Nag-ikot si Charlotte ng kanyang mga mata at sinubukan na pasayahin siya,
“Hindi ikaw Daniel, ako ito. Natatakot ako kapag may tumutulong sa akin nang walang anumang intensyon.”
“Well, may intensyon akong kumita ng pera kapalit. Marahil, isang dagdag sahod.”
Agad na binanggit ni Daniel ang kanyang kahilingan, na pinapangiti siya sa kanyang isip ng negosyo.
“Hindi ko alam ang tungkol sa dagdag sahod, mayroon akong spoiler alert. Nagpapadala sa 'yo ang Tiyo sa dalawang linggong workshop sa New York. Maaari ka nitong bigyan ng bonus.”
Sinimulan ni Daniel na paliguan siya ng mga cheesy line ng taos-pusong pasasalamat gaya ng dati. Literal na naiinip si Charlotte sa broadcast na ito, tumayo siya at umalis silang magkasama sa party na ito.
…
Kinaumagahan, pumunta siya sa klase bilang nakagawian pero mas mapanlait ang mga estudyante kaysa sa dati. Karaniwan ang mga cat fight sa mga mayayamang estudyante pero hindi niya kailanman binigyang pansin ang kanilang kaawa-awang pag-uugali ng tagasuporta. Dumaan siya sa mga grupo ng mga lalaki at babae mula sa mga pasilyo, lahat ay lumingon at itinuro siya.
Nabagabag ng kanilang pangkalahatang nakakadiring kilos, pumunta si Charlotte diretso sa notice board dahil ang pangunahing mainit na tsismis ay naka-post doon. Pero ang balita ngayon ay ang hindi niya inaasahan…