Ang talaarawan
Kahit isang oras na, nag-aaway pa rin sina Alpha at Prinse Casper sa walang katapusang dahilan nila. Naubos ang pasensya ni Charlotte,
"Bakit ang galing-galing niyo pareho na hindi niyo marehistro na ako ang kailangang pumili? Kailangan ko ng space. 'Wag niyo 'ko sundan."
Hinablot niya ang diary na 'yon kay Ramla at tumayo para umalis. Nagngingitngit si Alpha Eric mula sa likod,
"Hindi ka pwedeng umalis sa lupain ng Pack at hindi 'yon request!"
"Alam ko. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasosolve 'tong soulmate jiggalo."
Sinabi ni Charlotte nang hindi lumingon at tumakbo palabas para hanapin si Liam. Buti na lang, nasa paligid siya ng opisina ni Alpha, naghihintay sa kanya. Napahinto sa pagtatanong si Liam pagkakita sa lumalalang mood ng Master niya.
"Dalhin mo 'ko sa kwarto mo."
Mabilis siyang ginabayan ni Liam sa isang hiwalay na kuwarto sa gitna ng gubat.
"Malapit lang ang bahay ko sa school. Ako mismo ang pumili nitong lugar na 'to para sa permanenteng tirahan ko."
Sinusubukan siyang ipaliwanag ni Liam nang nagmamadali pero naramdaman ni Charlotte ang pagkasabik niya sa mga salita nito. Kitang-kita na nagbago rin ang ugali ni Eric dahil sa pagkakaiba ng pagkatao nito.
Inalok siya ni Liam ng nilutong hapunan sa oven at dugo mula sa fridge.
Napansin ni Charlotte ang limitasyon ng rasyon nito na mas kaunti kaysa sa karaniwang halaga para sa isang sired. Mas nakamamatay ang pagkauhaw sa sired vampires kaysa sa mga ipinanganak pero nagtatagumpay pa rin si Liam na harapin ang hirap na ito.
"Maayos ang pamumuhay mo nang wala ako. Paalalahanan mo 'ko na bigyan ka ng hunt kapag umalis na tayo sa Pack."
Nanlaki ang mata ni Liam, kumikinang sa pasasalamat.
"Sure, Master!"
Pinagsaluhan nila ang kanyang kwarto, sariwang alaala ng mga araw ng training niya. Mabilis na natulog si Liam dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho bukas. Sa wakas, nag-ayos na si Charlotte sa kanyang kama para basahin ang diary ni Tiyo Tadd.
Sa unang pahina, may lumang sulat na nakadikit ni Tiyo. Lumambot ang kanyang mga mata sa pagkakita sa sulat-kamay ng kanyang tatay, hinaplos niya ang nanginginig na mga daliri sa tinta nang dahan-dahan,
"Kung binabasa mo ang sulat na ito, cutie pie, ibig sabihin patay na ako. Una sa lahat, happy birthday mahal kong anak. Sana mahanap ka ng sulat na 'to sa bahay ng iyong minamahal, ang pinakamagandang sitwasyon. Kung hindi, nasa iyo ang aking mga panalangin mahal. Baka na-realize mo na walang kasiyahan sa pagiging adulto. Anuman ang pipiliin mo para sa buhay mo, nasa sa iyo 'yon at tandaan, mahal ka palagi ni daddy. Maniwala ka sa lahat ng sinasabi ni Tiyo Tadd. Hindi ka niya kailanman ililigaw.
Love,
William Lyn"
Tumulo ang luha sa mga mata ni Charlotte habang pinipikit niya ang mga ito, ang alat ng kanyang mga luha ay nakakain sa kanyang basa-basang labi. Tanging ang kurap ng Buwan sa salamin ng bintana ang nagliliwanag sa silid. Lumingon siya sa susunod na pahina para magbasa pa.
"Charlotte, isinusulat ko ang lahat ng mga sandali na nasaksihan ko mula sa aking pagkabata. Medyo mahaba-haba pero tiwala ka sa akin, masasagot lahat ng tanong mo sa dulo ng paliwanag ko.
Bilang bahagi ng pamilya ni Lyn, ang iyong ama ay sinanay na maging bantay tulad ng iyong Lolo. Ngunit ang katapangan ng iyong ama ay nagbigay sa kanya ng trabaho sa Royal Castle, kung saan na-promote siya sa posisyon ng espesyal na bantay.
Sa kanyang ika-100 kaarawan, nag-iisa siya hindi katulad ko, na kaagad natagpuan ang iyong Tita. Malungkot at wasak ang puso, ginugol niya ang lahat ng kanyang lakas para sa seguridad ng Royal at nakipaglaban pa sa mga mandirigma sa isang digmaan laban kay Alpha King.
Para sa Royal family, alam mo na ang kasalukuyang Haring Bampira ay may dalawa pang kapatid ngunit sa katotohanan, mayroon silang isang sanggol na kapatid na babae, si Scarlet Adino rin."
Sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang ina, umayos ng upo si Charlotte, nagkainteres siya sa kasaysayan ng Royal.
"Lahat ng tatlong magkakapatid ay nakapag-asawa at may isang anak na lalaki bawat isa. Ang panganay, ang anak ni Cyrus Adino ay pinatay ni Alpha King at kalaunan ang kanyang buhay ay tinapos din ng Hari.
Pagkatapos ay pinatay ni Alpha Eric Dietor ang bunso na kapatid at ang kanyang anak. Ngunit bago pa man ang lahat ng pagdanak ng dugo na ito, ikaw ay isinilang.
May isang Propesiya na ang Kaharian ng Bampira ay magkakaroon ng babaeng pinuno, lahat ng lalaking tagapagmana ay papatayin sa mga digmaan. Para maiwasan ang kalokohan na ito, ginamit ng Royal family ang bawat paraan na magagamit.
Sa gitna ng pakikibaka na iyon sa kapangyarihan, umabot sa 100 taong gulang si Scarlet at kinilala ang iyong ama bilang kanyang soulmate, minarkahan siya sa lugar. Nagalit dito ang mga nakatatanda pati na rin ang kanyang mga kapatid, na nakaramdam ng kahihiyan sa mas mababang katayuan ng iyong ama.
Dahil sa takot sa kanilang pagsalungat, tumakas si Scarlet kasama si William, nagtago sila sa mundo ng tao. Hindi natanggap ng Royals ang kanilang pag-insulto at hinabol sila. Ang pagtakas mula sa isang lugar patungo sa isa pa ay walang epekto sa pag-ibig ng mag-asawa, pinatindi pa nga ito.
Sa loob ng isang taon, hinukay ng Royals ang lupa at natagpuan sila, pinatay ang iyong ina sa unang tingin. Isinakripisyo ni Scarlet ang kanyang buhay para iligtas ang kanyang pag-ibig at ikaw, ang kanyang nag-iisang anak. Bago ang kanyang kamatayan, nagmamakaawa ang kanyang matalik na kaibigan na si 'Alora' na supilin ang iyong aura at pumayag siya. Si Ramla ang anak ng witch na si Alora, alam din niya ang lahat tungkol sa iyong nakaraan.
Pagkalipas ng isang taon, bumalik ang iyong ama sa Kaharian ng Bampira kasama ang isang babaeng tao, na sinasabing mayroon siyang isang anak na babae sa isang asawang tao. Sinuri ka ng Royals at pinasiyahan ang posibilidad na ikaw ang tagapagmana ng trono at pinababa ang iyong ama sa pinakamababang posibleng ranggo.
Sinubukan kong tanungin si William ng ilang beses kung paano namatay ang iyong ina ngunit natatakot siyang sabihin sa akin ang anuman. Inalis ang kanyang kaluluwa kay Scarlet, mahina ang kanyang puso at isang himala na nakaligtas siya sa ganito katagal.
Dalawang araw bago ang kanyang pagkamatay, sinabi niya sa akin na ang iyong ina ay napakabayani na hinarap niya ang kanyang kamatayan nang mag-isa, pinapaalis siya bago pa man siya mahuli ng Royals. Ipinakita sa akin ni William ang mga pilak na baras na natagpuan niya sa kanyang nasunog na katawan, humihiling sa akin na ilibing ang mga ito kasama siya.
Natapos ang proteksyon na spell ni Alora sa iyong pagdadalaga, ngayon kahit sino na makikilala ka ay madali kang makikilala bilang Royal. Paulit-ulit akong inatasan ni William na tiyakin na malaya kang gumawa ng iyong pinili, hindi isinasaalang-alang ang lahat ng hinanakit ng nakaraan.
At sa wakas, ang mga abo ng iyong ina ay inilibing sa libingan ng iyong ama. Kaya sa susunod na bibisita ka sa Kaharian ng Bampira, huwag kang pupunta sa walang laman na libingan na ginawa namin upang itago ang katotohanan.
'Yun lang ang gusto kong sabihin, Charlotte. Bukas palagi ang puso ko at ang aking bahay para sa iyo."
Sa huli, gulong-gulo ang emosyon ni Charlotte, ang kanyang pag-iyak na puno ng paghihirap na naglalaro sa tahimik na silid na iyon. Tinakpan niya ang kanyang bibig at ipinikit ang kanyang mga mata, umaasa na mababawasan ang kanyang sakit ngunit ang paghihirap na ito ay higit pa sa antas ng kanyang pagtitiis.
Bigla, dalawang malalakas na braso ang yumakap sa kanya, pinapahiran ang kanyang likod.
"Huwag mo itong itago sa iyong puso, Charlotte. Iyak mo ang lahat, nakakatulong 'yon."
Ang malambot na boses ni Liam ay nagbigay sa kanya ng lakas ng loob. Ipinahinga niya ang kanyang ulo sa kanyang malapad na dibdib,
"Sila, pinatay nila ang nanay ko. Isinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa akin."
Ang paghikbi ni Charlotte ay nakakasakit ng puso, ang kanyang mga luha ng pagdadalamhati ay bumabagsak tulad ng isang ulan habang patuloy siyang umiiyak nang mahabagin.
"Isinakripisyo ng iyong ina ang kanyang buhay para sa iyong kapakanan. Hindi 'yon isang mahal na deal. Hindi natin kayang isipin ang pag-ibig ng isang ina ngunit tingnan mo, siya ay nanganak ng isang tagapagligtas. Nakuha mo ang kanyang kapangyarihan na magligtas, ganoon mo ako binatak mula sa mga kuko ng kamatayan."
Nananatili silang ganito sa buong gabi. Paulit-ulit na kumatok ang pangunahing pinto ng kubo ngunit pinasabi ni Charlotte na umalis na sila. Wala siya sa mood na harapin ang mga lider na uhaw sa kapangyarihan na nagsisikap na ligawan siya para sa kanilang personal na pakinabang.
Gustong-gusto ni Charlotte na makita ang kanyang ama, kaya hinawakan niya ang kamay ni Liam at tumakbo patungo sa Kaharian ng Bampira. Sa pagkakataong ito ay hindi rin siya pinigilan ng mga bantay.
"Bakit hindi mo 'ko isinama, tatay, hindi ako mabubuhay nang wala ka. Ayoko nang maging adulto. Please, dalhin mo ako…."
At nawalan siya ng malay…