Mate-bond
'Kailangan mong pirmahan 'to, Casper!'
Sigaw ni Haring Bahman sa anak niya, na busy masyado kaya hindi pinansin ang utos ng tatay niya. Naka-focus sa libro tungkol sa history, dinilaan ni Casper ang hintuturo niya at binaliktad ang susunod na pahina, may nakakalokong ngiti sa mga mata niyang kalmado.
'Hoy, bata! Kausap kita.'
Kinuha ni Haring Bahman ang paborito niyang libro at binato sa dingding. Nasa ere pa saglit ang mga kamay ni Casper, nagbuntong-hininga siya habang iniiling ang ulo niya.
'Basahin mo 'to!'
Kumuha si Haring Bahman ng simpleng sobre sa bulsa ng damit niya at ipinakita kay Casper.
'Nagpadala sa akin ng babala ang Alpha King tungkol sa laban bukas. Malinaw na kakampi niya ang mga lobo.'
Binasa ni Casper ang papel ng maayos. Itinaas niya ang kanyang mga mata,
'Sino ang nagpayo sa 'yo na lasunin si Eric, ama ko? Alam ko na walang hanggan ang pagmamahal mo sa akin pero daya 'to.
Bakit hindi mo napansin na lahat ay maghihinala sa 'yo pagkatapos ng bukas na hamon na 'to?'
Kinunot niya ang kilay niya, tinupi ang papel na 'yon pabalik sa sobre.
'Ako? Akala mo ako ang may gawa niyan?'
Hindi makapaniwala si Haring Bahman na inaakusahan din siya ng kanyang anak.
'Bakit naman ako gagawa ng kahit ano para sa laban, e kontra ako simula pa nung una?
Mas okay ka kahit wala 'yang abala na 'yan. Personal kong hahanapan ka ng karapat-dapat na partner, mahal kong anak.'
Well, 'yon na 'yon para sa pagsunod ni Casper.
'Una si Tiyo Cyrus, tapos ikaw. Lahat ng Royal nagsumikap nang husto para magkaroon ng masamang relasyon sa ibang lahi. Hindi ko ine-expect na lalabanan mo rin ang nakatadhana kong kapareha.
Hahanapan mo ako ng karapat-dapat na partner? Anong mali sa Star ko? Siya ang mahal ko, sino ka para pagbintangan ang desisyon ng Dyosa?'
Habang lumalala ang usapan na 'to, iniabot ni Haring Bahman ang sulat ng pagtanggi.
'Ako ang tatay mo, Casper. Pagdating sa edad at abilidad, mas may karanasan ako kaysa sa 'yo. Maniwala ka sa akin, para sa ikabubuti mo 'to.'
Huminga nang malalim si Casper, ang bumubuong galit ay nagpapabaliw sa kanya. Tumayo siya, ang papel sa kanyang kamay ay biglang nagliyab.
'Pasensya na, ama ko. Hindi ko siya kailanman papakawalan. Malaki ang utang ng pamilya royal sa pamilya ni Star. Siya ang magiging Reyna ko at 'yan na ang huli.'
…
Nasa panganib ang buong Silver Moon Pack dahil sa buhay at kamatayan ni Alpha Eric pero nasa Impyerno ang buhay ni Beta Noah.
Sinasabi na ang paghahanap ng iyong kapareha ay ang pinakamagandang sandali ng iyong buhay, ang sitwasyong kinakaharap ni Noah ay kabaliktaran sa mga kaibigan niya.
Halost lahat ng mga kaklase niya at katrabaho ay masayang namumuhay kasama ang kanilang mga pamilya, nagkaroon din siya ng maraming saya sa kanilang Mating Ceremonies.
Bakit ang parehong pinagpalang sandali ay isang bangungot para sa kanya? Talagang nagulat siya.
Mula sa nakaraang dalawang araw, hindi tumitigil sa pag-iyak si Angie, tumatanggi na kumain o uminom ng kahit ano. Hindi man lang siya nakinig sa kanyang paliwanag at sumigaw sa tuwing susubukan niya siyang hawakan.
Dati, ang kanyang dramatikong pagpasok kasama ang isang takot na tao ay nakagawa ng malaking eksena sa hangganan ng Pack, kumalat ang balita ng paghahanap niya ng kanyang kapareha na parang apoy sa gubat. Ngayon, lahat ng kanyang mga kaibigan ay pinipilit siyang mag-ayos ng isang party para sa pagpapakilala. Ngunit ang kalagayan ng kanyang kapareha ay mas masahol pa sa dati. Ginugulo rin siya ng kanyang lobo, patuloy na nagngangalit para pasayahin ang kanilang umiiyak na kapareha.
'Tensyonado rin ako tulad mo, Vicky. Huwag mo nang gawing mas mahirap.'
Pagkatapos ng hindi mabilang na mga pagpupumilit na pakalmahin siya, tapos na si Noah. Lubos na natalo, pumunta siya sa lugar ng kanyang nakababatang kapatid, na pinalad na makahanap ng kapareha sa kalapit na Pack.
Ang isang oras na biyahe sakay ng kotse ay isang maginhawang paraan upang kunin siya. Bukod dito, ang bayaw ni Noah (Andrew) ay isang sweet at mapagmahal na lalaki, hindi tulad ng karamihan sa mga bastos na mandirigma.
Sa balita ng kanyang kapareha, pinadala siya ni Andrew kasama si Milly (kapatid ni Noah), sa kabila ng katotohanan na siya ay anim na buwang buntis. (Ang panahon ng pagdadalang-tao sa mga lobo ay pitong buwan).
'Wala kang ikinababahala, Noah. Nakita mo na ba ang salamin kamakailan? Tignan mo ang iyong mga damit, na para bang isang walang tirahan na rogue ang gumagala sa mga kalye. Hindi magandang paraan ito upang mapabilib ang iyong walang muwang na tao.'
Sa kanilang pagbalik, sapilitang pinakain siya ni Milly sa dahilan na gutom ang kanyang anak. Pabalik sa Pack, mas maganda na ang pakiramdam ni Noah at mas positibo na tatanggapin siya ni Angie pagkatapos makilala ang kanyang kapatid.
Binuksan niya ang pintuan sa harap ng kanyang bahay, na nilalanghap nang may kasakiman para sa amoy ng kanyang kapareha. Ang unti-unting pagkawala ng amoy ng lavender ay nagbigay sa kanya ng isang butas sa kanyang tiyan.
Anunsyo ng kanyang lobo (Vicky) na may pag-aalala.
'Kapareha! Wala na siya.'
.
'Pumasok ka.'
Bumaling si Noah sa kanyang mga takong at tumakbo palabas nang walang pakiramdam, sinisinghot ang paligid para kay Angie. Ang bakas ng kanyang amoy ay humantong sa kanya sa kalapit na gubat. Pinunit niya ang kanyang mga damit at agad na nagpalit upang hanapin siya.
Ang pag-uudyok sa isang mandaragit para sa isang habulan ay maaaring ang huling pagkakamali ng sinumang biktima at sa kasamaang palad, ginawa na ito ni Angie. Ang kanyang nagliliwanag na ginintuang mga mata ay naglilipat mula sa isang puno patungo sa isa pa, sinusubaybayan ang daan sa pagitan ng makapal na kagubatan.
Lumundag siya sa isang malaking puno at sa isang split second, hindi na matagpuan ang amoy ni Angie. Umiikot si Noah sa kalungkutan, ang kanyang mahapding pag-ungol ay yumanig sa buong gubat.
Sa kawalan ng pag-asa, tinatawag niya ang kanyang kapareha, na lubos na hindi pinapansin ang katotohanan na ang mga panic growls na iyon ay lalo lamang magpapangamba sa kanya.
Umalis si Noah at nagbalik, isang biglaang bugso ng hangin ang nagpakita sa kanyang mga tainga.
'Thump!'
Ang kanyang sensitibong pandinig ay nakahanap ng pusong tumitibok nang galit, kahit na sapat na matalino si Angie upang takpan ang kanyang bibig ngunit walang silbi.
Itinulak ni Noah ang kanyang lobo sa kadiliman ng kanyang isip at bumalik sa anyong tao, na inaalaala ang payo na maging malumanay kay Angie.
'Lumabas ka, Angie. Hindi kita sasaktan.'
Huminto siya saglit bago inalis ang mga palumpong sa harap niya.
'Sumama ka sa akin.'
Inilahad ni Noah ang kanyang kamay ngunit tinanggihan ng umiiyak na si Angie ang kanyang alok.
'Hindi, mas gugustuhin ko pang mamatay. Isa kang halimaw!'
Ang pag-anyaya kay Angie ay pinakalma ang kanyang lobo, ang hangin ay puno ng kanyang takot, na sumasalungat sa kanyang pekeng katapangan.
'Sige!'
Inalis ni Noah ang ilang mga sanga at umupo sa tabi niya.
'Maaari akong mamatay kasama mo rito.'
Tumawa siya, inikot ang kanyang mga braso sa paligid niya.
'Bakit ka ba tanga, lobo? Hindi mo ba kayang tanggapin ang ‘Hindi’ bilang sagot?'
Gumalaw si Angie upang lumaya ngunit walang saysay.
'Alam mo ang ating mga tradisyon, kapareha. Walang posibilidad ng anumang ‘Hindi’ sa ating mate-bond.
Bukod pa rito, gusto kita at gusto kong bigyan mo ako ng pagkakataon. Maniwala ka sa akin, hindi ako kasing sama ng paglalarawan sa akin ng mga bampira.'
Ang kanyang daloy ng pag-iisip ay huminto kaagad sa pamamagitan ng pagkakita kay Angie na nakahilig patungo sa kanya.
'Kapareha!
Umungol si Vicky nang may pananabik, ang kanyang puso ay sumayaw na may pag-asa. Sa tatlo o apat na pulgadang distansya lamang, kumuha si Angie ng U-turn at nagtungo sa kanyang balikat sa halip, na kinagat ito nang buong lakas.
'Angie!'
Ang kanyang mahinang pag-atake ay medyo nagpatawa sa kanya. Sa isang iglap, pinatag siya ni Noah sa ilalim niya.
'Magandang pagsubok, kapareha. Gusto ko ring mangagat.'