Kabanata 10
Umalis agad si Jasper sa unang klase niya, naglalakad sa mga pasilyong walang tao papunta sa locker ni Daniel. May hawak siyang Snickers bar at isang sulat, at may pag-asa siyang ngiti na magiging maganda ang epekto nito kay
Daniel. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang malungkot si Daniel, kung paano na lang siyang tahimik habang inaasar at tinatawag ng masama ni Alister at ng mga kaibigan niya.
Huminto siya nang lumiko siya papunta sa locker ni Daniel. Nakita ni Jasper ang tatlong lalaki na nakapalibot dito, nagtatawanan sila habang binubuksan ang locker niya.
"Alister, ano ba?!" sigaw ni Jasper na papalapit, "Anong ginagawa niyo?"
"Ninakaw namin yung daga sa lab, ilalagay namin sa locker niya," nagtawanan sila habang pinapakita ni Alister ang maliit na daga sa isang malinaw na lalagyan.
"Baliw na ba kayo? Hindi!" tinulak sila ni Jasper at tumayo sa harap ng locker ni Daniel, "ibalik niyo yung daga!"
"Wala! Umalis ka diyan, Jasper," habang hihilahin na sana nila si Jasper, tumunog ang bell na nagpapatigil sa kanila, "Umalis kayo o sisigaw ako para sa security," sabi niya sa seryosong tono.
Napabuntong-hininga si Alister at sinamaan siya ng tingin, at sinabi ng kaibigan niyang si JJ, "Tara na guys, palabas na mga tao sa klase."
Sumuko sila at naglakad papalayo habang unti-unting napupuno ng estudyante ang pasilyo. Humarap sa bukas na locker, kinuha ni Jasper ang candy bar at ang sulat, huminga siya ng malalim habang kinakabahan sa gagawin niya. Mabilis niyang inilagay ang mga ito at sinarado ang locker bago pa man siya magsisi sa ginawa niya.
Nakatayo sa dulo ng pasilyo na may perpektong view, pinanood ni Daniel kung paano naglagay ang lalaki ng kung ano sa locker niya, isinara ito, at umalis. Apat na araw na ang nakalipas, at hindi siya sigurado kung hanggang kailan niya pa kaya ito. Sigurado si Daniel na hindi man lang siya kilala ng lalaking iyon, pero hindi siya nito tinigilan. Parang hindi pa sapat yung saging, ano pa bang gusto ng bata sa locker niya?
Umiling siya at naglakad sa karamihan hanggang sa makatayo siya sa harap ng locker niya. Anuman ang nasa loob, ayaw niya talaga. Mabait man o masama.
Pagkatapos i-input ang combination, binuksan niya ito. Hindi pa man siya nakakahanap ay nakita na niya ito, isang Snickers candy bar at isang nakatiklop na papel. Ano 'to? Napabuntong-hininga si Daniel, kinuha niya ang papel at binuksan ito, at binasa:
*Mahirap ang unang ilang araw, kaya may pag-asa na gaganda pa ang lahat. Hanapin si Jasper kung kailangan mo ng makakasabay kumain.*
*Hanapin si Jasper*
Jasper ang pangalan niya?
"Jasper," binigkas ni Daniel habang binabasa muli ang sulat, pero hindi! Wala siyang pakialam. P*ta si Jasper at yung pangit niyang sulat, ano bang nakuha sa pagiging mabait? Hindi niya kailangan 'to, sigurado siya. Kinuha niya ang candy at itinago sa bulsa niya kasama ang sulat, kinuha niya ang mga kailangan niya at sinarado ni Daniel ang locker niya, at nagpatuloy sa kanyang araw.
Lunch na ngayon at nakatutok ang mga mata ni Jasper sa mga pinto, naghihintay sa pagpasok ni Daniel. Masyado siyang abala para pansinin ang usapan ng mga kaibigan niya, patuloy silang nag-uusap nang wala siya. Dapat nakuha na ni Daniel ang sulat niya ngayon, ibig sabihin, anumang oras ay puwede— isang maliit na paghinga ang lumabas sa bibig niya nang binuksan ni Daniel ang isa sa mga pinto at pumasok. Kahit na nasa mesa siya na medyo malayo, nakikita pa rin siya ni Jasper.
Pagpasok niya sa loob ng lunchroom, lumapit si Daniel sa isang random na tao at nagtanong, "Kilala mo ba si Jasper?" Sumagot yung babae at umiling lang at mabilis na tumingin pabalik sa kanyang telepono. Pinahinto niya ang dalawang taong naglalakad at tinanong niya sila, "Kilala niyo ba yung may pangalang Jasper?"
"Hindi," sagot ng isa at nagpatuloy sila sa paglalakad.
"Oh my god, gumana!" sabi ni Jasper habang pinapanood si Daniel na naglalakad at nakikipag-usap sa mga tao. Napansin ng mga kaibigan niya ang kanyang ngiti at mga nakatutok na mata, at nagtanong si Savannah, "Anong gumana?"
"Kanina, nag-iwan ako ng sulat sa locker ni Daniel Atkinson na nag-aanyaya sa kanya na makipag-lunch sa amin, at sa tingin ko hinahanap niya ako."
"Ano ba?!" reaksyon ni Savannah.
"Jasper, ano ba?!" halos sigaw ni Pete, "Bakit mo ginawa yun?!"
"Kasi! Sa isang hindi maintindihang dahilan, patuloy siyang inaasar at hindi ko kayang manood lang, mga nakaraang araw tuwing lunch nakikita ko siyang kumakain ng Snickers bar mag-isa sa pasilyo o nakaupo sa hood ng kanyang kotse. Gusto ba natin yun para sa kahit sino? Candy bar mag-isa?!" Pagkatapos ng kanyang rant, humarap siya kay Daniel sa eksaktong sandali kung saan may itinuro sa kanyang mesa, "Shit!" Mabilis na umiwas ng tingin si Jasper nang humarap sa kanya si Daniel.
"Oh my god, pupunta siya dito," nag-panic si Savannah habang nakatingin kung paano sila papalapit sa kanila at may ilang tao sa lunchroom na nakatingin.
"Lagot na tayo," dagdag ni Pete.
"Jesus, relax lang guys," wala naman talagang dapat ikatakot, isang magandang gesto lang naman.
Huminto siya sa mesa at nakatingin sa kanya ang tatlong kaibigan pero si Jasper lang ang nakangiti. Tumingin si Daniel sa kanilang tatlo pero huminto kay Jasper na nakaupo sa gitna. Kinuha niya ang sulat at candy mula sa kanyang bulsa at nagtanong si Daniel, "Ikaw si Jasper?" Tumango siya at binuka ang bibig niya pero hindi binigyan ng pagkakataon na magsalita, "Tigilan mo ako, okay? Huwag kang maglalagay ng kung ano sa locker ko, hindi ko kailangan ng awa," itinapon niya ang candy at sulat sa mesa. Umalis si Daniel pagkatapos niyang linawin ang kanyang sarili, at nag-iwan ng tatlong nagtataka.
Nahiya at medyo inis, tumayo si Jasper at umalis, humarap sa isa't isa at sinabi ni Pete kay Savannah, "Parang kasalanan natin 'to."
"Dapat sinabi na natin sa kanya," napabuntong-hininga si Savannah. Kinuha nila ang mga gamit ni Jasper at umalis sa lunchroom para hanapin ang kanilang kaibigan.
Naglibot sila hanggang sa makita nila ang lalaki sa bakuran na nag-iisa sa mesa, ipinatong ni Jasper ang kanyang ulo sa mesa at nakatiklop ang mga braso sa ilalim para sa suporta.
Umupo sa bench sa kabila, inilagay nila ang kanilang mga bag sa mesa at inangat ni Jasper ang kanyang ulo. "Hindi pa ako nakakakilala ng taong galit sa kabaitan."
"Hindi mo kasalanan, J," sabi ni Savannah sa malumanay na boses, "Amin ang kasalanan."
Kumunot ang noo ni Jasper at naguluhan, "Hindi bago si Daniel Atkinson, kilala natin lahat siya," paliwanag ni Pete "Teka, ano?" Naguguluhan pa rin si Jasper
"Narito na siya bago ka pa man dumating. Nagnakaw ang mga magulang ni Daniel ng maraming pera mula sa mga tao, kasama na ang ilang magulang sa Everton, at ngayon ay kinamumuhian siya ng lahat. Nakulong ang tatay niya at pinalayas siya at ang kanyang ina sa Mills Valley. Isang taon na ang nakalipas, walang nag-akala na babalik siya."