Kabanata 8
“Sino ba ang akala mo ikaw? Ipapahiya ko kayong dalawa!”
“Sa tingin mo ba kaya mong kalabanin kaming dalawa? Tsaka, nasa party tayo JJ, kumalma ka nga, wala naman siyang ginagawa sayo. Kaya kung may dapat umalis, ikaw yun.”
Nakatayo lang si JJ, nakatitig ng galit, gustong atakihin yung mga lalaki, pero tinawag siya ni Alister, “J, tara na pre,” di gumalaw si JJ kaya lumapit si Alister at hinawakan siya, “kalimutan mo na, bro.”
Parehong tulala sina Jasper at Daniel habang umaalis sina Alister at JJ sa kusina at nagsibalikan na ang lahat sa party. “Bago ‘to,” komento ni Jasper tungkol sa katotohanang si Alister pa talaga yung pumigil sa away.
Nagkatinginan silang naguguluhan at ilang segundo pa, nagtawanan si Daniel. Sa loob ng 2 at kalahating buwan na kilala ni Jasper si Daniel Atkinson, ni minsan di niya nakitang tumawa ito, pero ngayon tawang-tawa siya.
Talagang natuwa si Jasper, sa tunog, sa mukha niya, at kung paano ito lumiwanag kapag tumatawa siya, “di ako makapaniwalang pinasabi mo pa sa kanya na i-spell yun.” Huminto ang tawa ni Daniel at bumalik siya sa counter para maglagay ng inumin. Tinitingnan si Jasper na nakatayo lang at tahimik, nakita ni Daniel na nakatitig ito at nagtanong, “ano?”
“Ngayon lang kita nakitang tumawa,” sagot ni Jasper, “nagustuhan ko,” pag-amin niya nang nakangiti, “ikaw?”
“Mas gusto ko na ako yung nagpatawa sayo,” tinitigan siya ni Daniel nang walang sagot, at nag-panic si Jasper, “shit ang weird sabihin nun, hindi ba?” Pumikit siya habang pinuno siya ng pagsisisi
“Ganyan ka ba makipag-usap sa lahat ng kaibigan mo?” Umiling si Jasper, umaasang hindi siya na-offend ni Daniel, parang isang malaking “pangunguna” yung linya, kung hindi siya magpapakontrol, magsisimula siyang makipaglandian kay Daniel. Pero paano siya mananatiling kontrolado kung papalapit sa kanya si Daniel?
Sobrang lapit na kailangan nang umatras ni Jasper, pero sa kasamaang palad, na-trap siya ng counter sa likod niya. “Kaibigan lang ba talaga ako?”
Mahina ang boses ni Daniel habang bumaba ang tingin niya sa labi ni Jasper
“A—” bago pa man siya makapagsalita, nasa kanya na ang mga labi ni Daniel, hinahalikan siya nito. Walang masyadong maintindihan sa nangyayari, naramdaman ni Jasper na hinihila ng malalambot na labi ang kanya at nagsimulang humalik ang lalaki pabalik. Hindi na pinansin ang mga taong lumalabas at pumapasok sa kusina, nalimutan ni Jasper at Daniel ang sarili nila sa isang halik na talagang hindi na nila sigurado kung paano sila nagtagal nang hindi pa sila naghahalikan noon pa man. Gusto niyang hawakan ang buong katawan ni Daniel pero sigurado siyang hindi na dapat sila magpadala.
Hindi sigurado kung paano titigil o kung gusto ba nilang tumigil, walang umalis sa kanila, hanggang sa marinig nila ang mga hagikhikan ng 2 babae na mabilis na lumabas ng kusina, na nagbibigay sa kanila ng kahit kaunting privacy.
Nakasandal ang noo niya sa noo ni Jasper, tahimik na humihingal si Daniel habang nakapikit pa rin ang mga mata niya. Naramdaman pa rin ni Jasper ang lasa niya sa labi niya. Hindi niya alam kung saan galing yung halik na yun, bakit gustong halikan ni Daniel ang bigla?
Kailangan may paliwanag sa nangyari.
“Gaano ka na ba karami uminom?” tanong ni Jasper
“Wala pa,” umiling si Daniel at sumagot, sinuri niya ang mga mata ni Jasper, hindi sigurado kung ano ang nararamdaman ng lalaki pagkatapos ng halik na yun.
“Kung ganun bakit mo ginawa yun?”
Hindi na nagkaroon ng pagkakataong sumagot si Daniel dahil pumasok si Savannah, “Hindi ko alam kung anong nangyayari dito at gusto ko talagang malaman pero hindi ngayon ang oras, Jasper pwede mo ba akong tulungan saglit?” Tanong niya at sa wakas ay nagkalas ang matagal na pagtitigan ng mga lalaki.
“Oo naman,” umalis si Jasper sa counter at iniwan si Daniel sa kusina mag-isa muli.
“Dalawang bagay—” panimula ni Savannah, “anong nangyayari kanina? At kailangan ko ang tulong mo sa pagkuha ng mga kahon ng soda mula sa kotse ni Cherish.
“Walang nangyari,” nagsinungaling si Jasper, lahat ay nangyari! Nagulo ang mundo niya dahil sa isang halik na hindi niya alam kung paano ilalarawan. Nagugulat pa rin sa lahat ng ito, lumayo si Jasper habang tinutulungan niya si Savannah na magdala ng mga inumin pabalik sa party.
Habang naglalakad siya papuntang kotse sa labas mag-isa, narinig niya sa likuran niya, “Hinalikan kita kasi yun yung gusto kong gawin nang matagal na panahon pa.” Lumingon si Jasper at nakita si Daniel na dahan-dahang naglalakad papalapit sa kanya habang nagsasalita, “Hindi ko alam kung paano hindi maging miserable, ibig sabihin wala akong masyadong dahilan para makaramdam ng iba. Medyo sira ako sa loob at nag-iisa ako kasi ayokong ipasan sa sinuman ang mga pasanin ko. Tapos heto ka, yung lalaking parang inilagay sa Everton para lang sa akin, naghihintay na bumalik ako para kaya niyang pagbaliktarin ang mundo ko, kasi yun yung ginawa mo Jasper—"
“Hindi ko naman sinasadya yun.”
“Pero sa magandang paraan naman. Nakatulog ako sa parehong kama sa iyo sa loob ng dalawang linggo, ang pagtulog sa dibdib mo ang kapayapaan ko, at sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo inasahan na maiinlove ako sa iyo sa paraan ng pagiging mabait mo sa akin.”
“Nahulog ka sa akin?”
“Nagbibiro ka ba Jasper?” Lumapit si Daniel at hinawakan ang ulo ng lalaki gamit ang dalawang kamay, mas hinawakan niya ito at sinabi, “Nahuhulog na talaga ako sa iyo.”
“Anong gagawin mo tungkol dito?” Nakangiti sa tanong, lumapit si Daniel at kinuha ang labi ng lalaki sa pagitan niya. Mas matamis ang labi ni Jasper kaysa sa akala niya, patuloy niyang hinawakan ang mukha ni Jasper habang lumalalim ang halik nila.
“Maging boyfriend kita Jasper Bell?” lumayo si Daniel saglit para magtanong
“Oo,” mabilis na pumayag si Jasper nang walang pangalawang pag-iisip, “oo naman!” Hinila niya pabalik si Daniel para humalik pa.