Chapter 27
“...Kahit anong gawin ko parang hindi ako mananalo,” tapos ko yung mahaba at walang hiningang rant ko kay Pen sa FaceTime. “Wow ang sama niya,” umiling siya habang nakasimangot, “Sabi ko naman sa’yo hayaan mo na lang Shane alam ko naman magiging weird siya.”
“Hindi ko akalaing ganito siya umakto, hindi naman ako karapat-dapat sa ganitong cold shoulder.”
“Putangina Gentry hindi ah, ayoko sa mga straight guy na akala nila pwede nilang kunin lahat ng gusto nila, tapos hindi tatanggapin ang consequences ng
mga gago nilang ginagawa!”
“Dapat nakinig na lang ako sayo,” bumuntong hininga ako habang pumapasok sa dorm ko pagkatapos ng huling klase ko, binagsak ko lahat tapos naglakad ako papunta sa kama ko at nahiga doon. “Sabihin mo sa’kin gagawin ko.”
“Maglaro ka na lang sa Miyerkules, wag mong isipin si Gentry magfocus ka lang sa baseball o sisirain niya rin ‘yun para sa’yo. Wag mong hayaan na kunin niya ang baseball mo Shane.”
“Hindi alam ko naman hindi,” umiling ako. “Pero paano yung photo editing? Hindi ko pwedeng iwan ‘yun.”
“Lumipat ka ng upuan Shane ganun lang kadali, magpanggap ka na lang na hindi siya nag-e-exist at sa huli hindi mo na mapapansin na nandyan siya.” Para bang madali ‘yun, magkakateam kami nung gago.
Paglakad ko papuntang photo editing pumasok ako sa klase at nakita ko si Gentry na nandoon na sa table namin at nagce-cellphone, putangina gusto ko pa naman yung table, hinayaan ko na lang siya tapos naglakad ako papunta sa isang sulok at umupo sa bakanteng mesa.
Matagal at nakakapagod ang klase pero sa wakas tapos na din, kinuha ko yung mga gamit ko at nagmadaling lumabas bago pa man makagalaw si Gentry. Ang hirap na hindi siya tignan pero pinilit ko, nung mga oras na hindi ko na talaga kaya tumitingin ako at siya naman nakatingin sa kahit ano maliban sa akin. Bakit pa ba ako magmamalasakit? Halatang hindi naman siya nagmamalasakit.
Baseball, ‘yun ang dahilan.
Kung magpapatuloy si Gentry na maging gago mabe-bench kami sa laro ngayong araw, at hindi ko hahayaan na sirain ng hayop na ‘yun yung chance ko. Hindi ako pinansin nung high school dahil bakla ako at gusto kong maglaro, ngayon binibigyan ako ng coach ng tunay na chance at sinisikap ni Gentry na kunin ‘yun sa akin. Fuck that! Alam ko naman paano ipaglaban yung sarili ko kaya siyempre, hindi ako uurong na sabihan siya.
“Makinig ka,” nilapitan ko siya habang nagpapalit siya sa locker niya, bumuntong hininga si Gentry nung tumayo ako sa tabi niya, “Wala akong pakialam kung ano man ang galit mo sa akin o kung anong ginawa ko sa’yo, pero kung patuloy ka na gagawa ng gago mabe-bench tayong dalawa ni coach—"
“Layuan mo na lang ako Shane.”
“Ayoko na mabe-bench dahil sa’yo!” sigaw ko na ikinatahimik ng locker room, lahat ng lalaki nakatingin sa amin at alam ko na kinakabahan si Gentry. “Kung patuloy mo akong pakikialaman at matatalo ako dahil sa’yo sisirain ko din buhay mo, wag mo ako subukan!”
“Maglaro ka na lang puta sa laro at walang mangyayari, ganun lang kadali.” Sabi niya habang iniiwasan yung mga babala na sinabi ko
“Tigilan mo na ako, okay?” Walang sinabi si Gentry at nakatayo lang doon habang nagtititigan kami hanggang sa pumasok si coach.
“Anong nangyayari dito?” tanong niya at lahat bumalik na sa pagpapalit, pero patuloy ako sa pagtitig kay Gentry. “Visser magbihis ka na.”
“Opo coach,” sa wakas tumingin na ako at naglakad papunta sa locker ko.
Habang sinasara niya yung locker niya narinig ko yung isa sa mga lalaki na tinanong si Gentry, “anong nangyayari sa’yo man? Seryoso ba nagiging homophobic ka sa kanya?
2020 na McAllen.”
“Wag mong pakialaman Kevin,” sigaw ni Gentry bago umungol at umalis sa locker room.
Hindi siya nagbibiro, ginawa ng coach na misyon na hindi kami pagsamahin ni Gentry sa field, pero ibig sabihin din nun mas marami siyang lalaruin kaysa sa akin. Kahit gaano ko pa magmakaawa tumatanggi si coach na ipasok ako.
“Ang unfair nito!” nagbubuntong hininga ako habang nakatayo sa tabi ng coach, “kailangan nila ako.” “Kabat mo lang Shane, mag-relax ka.”
Umirap ako at nagreklamo, bakit walang kakampi sa akin? Gusto ko lang naman na may isang bagay na maging tama para sa akin, hindi naman masyadong maraming hiling ‘yun ah?
Pag-iisip ko ng ganun tumunog yung whistle at wala na sa laro si Kevin, “Bishop umupo ka!” sigaw ng coach sa kanya na umalis sa field
“Coach tara pasukin mo na ako” lumingon ako sa kanya at nagmamakaawa, “please tingnan mo may sasalo ako doon, bakante naman,” “Katabi ni Gentry?” tanong niya at lumingon ako at napagtanto na nakatayo si Gentry sa tabi mismo kung saan ako nagtuturo,
“Yun nga akala ko” sabi niya nung wala na akong sagot.
“Hindi kaya ko naman” nakipagtalo ako, “Gusto ko lang maglaro hindi ako nag-aalala sa kanya,” Tumaas ang kilay ng coach at tinanong ako, “please.”
“Sige” sinenyasan niya ako gamit ang ulo niya, tumalon ako at nagmadaling kunin yung glove ko tapos naglakad papunta sa kabila ng field. Hindi ako nagsisinungaling, kung sino man ang hindi makakalaro ngayon si Gentry, hindi ako yung nawawalan ng bait.
Pagkasimula ng laro ayos naman lahat hanggang sa nasalo ni Gentry yung bola, lumingon siya sa akin habang nilalapitan siya ng ibang player at hinagis ni Gentry yung bola sa akin nang buong lakas. Tumakbo ako hanggang sa masalo ko at bigla kong nabitawan yung bola habang nagrereklamo dahil nag-iinit yung palad ko. Hinubad ko yung glove ko at tinitigan ko yung masakit kong palad habang namumula ito. Nakalimutan ko lahat ng sinabi ko sa sarili ko tungkol sa pag-iwas sa mga walang kwenta niyang kalokohan at kinuha ko yung bola tapos hinagis ko sa kanya, tumama sa likod niya lumingon si Gentry, “anong problema!”
“Kumusta naman?”
“Seryoso Shane? Lumaki ka na parang ikaw pa may problema,” sabi niya habang kinukuha yung bola. Talagang sinusubukan ni Gentry na ipamukha na ako ang may problema
“HOY TARA NA KAYO DALAWA!” may sumigaw
“Wag mo akong sabihan na lumaki ka na kung ikaw pa yung nag-aasta na parang bata” “Nagaasta akong ano?”
“Isang bat—” hindi ko na natapos ang sinasabi ko at natamaan ako ng bola sa mukha nang buong lakas.
Tumilapon ako sa lakas, nakatingin yung mga mata ko sa lahat na lumingon sa akin habang bumabagsak ako. Nung tumama yung ulo ko sa lupa nagdilim ang paningin ko at ‘yun na lang ang naaalala ko.