Chapter 25
"Handa ka na bang umalis?" Lumingon siya, ni hindi man lang binanggit yung nakita ko.
"Oo." Lumabas kami ng bahay pabalik ng dorm, medyo sabog siya pero lasing siya kaya hindi na ako nagulat. "Nag-enjoy ka?" tanong ko habang naglalakad kami magkatabi sa madilim na kalsada. "Pucha oo, ikaw? Kamusta yung lalaking yun na si Alvin?"
"Adam," pag-correct ko, "at may boyfriend siya, ni hindi mo man lang inalam yun." "Ay, ayos," tumawa siya, "pero cute naman siya, 'di ba?"
"Sa tingin mo ba?" Lumingon ako sa kanya.
Nagkibit-balikat si Gentry. "Ikaw na nagsabi na bading ka."
"Oo, cute siya, pero sana next time, 'wag mo na akong i-set up."
"Okay," itinaas niya yung mga kamay niya, "hindi na mauulit." Hindi ko naman gustong maging bastos, pero sa totoo lang, hindi ko kailangan na i-set up ako ni Gentry, yung buong sitwasyon pakiramdam ko ang weird.
Nakarating kami sa mga building at nagpaalam ng goodnight, kanya-kanya ng lakad, pagpasok ko sa kwarto ko, nagpalit ako ng sweatpants at t-shirt at humiga sa kama. Halos 2 am na pero araw pa para kay Pen kaya nag-text ako sa kanya.
*Hulaan mo kung sino nagtangka na i-set up ako sa isang party ngayong gabi?* Hindi nagtagal sa pag-text pabalik, sumagot siya *Holy shit, hindi nga?!*
*FaceTime tayo at ikukwento ko sayo lahat?*
*Ugh, nasa klase ako... pero matatapos na in 40 minutes. Magpuyat ka para sa akin!* Wala akong pangako.
Habang pinipindot ko yung send, nakarinig ako ng malakas na katok sa pinto ko na nakapagulat sa akin, umupo ako at tumingin sa pinto na naghihintay na may kakatok ulit. Sa halip, narinig ko ang "Shane, buksan mo!" sabi ni Gentry ng malakas. Nagmamadaling bumangon sa kama, binuksan ko yung pinto, "nababaliw ka ba, natutulog ang mga tao?"
"Ay, sorry," humingi siya ng paumanhin sa mahinang boses, "pwede bang tumulog muna ako, may babae yung roommate ko sa dorm namin," bago pa ako makasagot, lumakad siya sa akin. Isinara ko yung pinto at pinanood ko siyang tinanggal yung jacket niya at tinanggal yung sapatos niya at bumagsak sa kama ko, "Sana pwede akong tumira mag-isa."
"Gusto mo ba ng damit na pampalit?" Pinanood ko siyang komportable na sa kama ko.
"Hindi na," sagot niya na nakapikit yung mata, "sabi niya ite-text niya ako kapag tapos na sila para makabalik ako." "Okay," hindi sigurado kung ano ang gagawin, nakatayo lang ako doon.
Napagtanto na nasa kamay ko pa rin yung cellphone ko, in-unlock ko ito at nag-text kay Pen.
*Bawiin mo yung FaceTime, may kakaibang nangyayari at hindi ako makakapagkwento, tatawagan kita sa umaga.*
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Gentry na nakapikit pa rin.
"Wala."
"Huwag kang maging weird, Shane, kama mo 'to, humiga ka na." Oo nga, Shane, huwag kang maging gago! Magkakaibigan natutulog sa iisang kama, ikaw at si Pen ginawa niyo na yun ng ilang beses. Oo pero hindi si Pen si Gentry.
Lumakad ako at humiga, nakadapa, nanatiling hindi gumagalaw hangga't maaari, lumingon si Gentry sa gilid niya na nakaharap sa akin. Binuksan niya yung mata niya at tumingin sa akin at nagtanong, "Sa tingin mo ba weird na marami tayong parehas na gusto?"
Lumingon ako at nagtagpo yung mga mata namin at umiling ako. "Sa tingin mo ba?"
"Hindi, parang hindi pa ako nakakilala ng taong may parehas na gusto sa akin, ibig kong sabihin, baseball, parehas tayo ng major at minor. Parehas tayo sa musika at pelikula."
"Oo, hindi pa rin nangyari sa akin yun."
"Sayang straight ako, 'di ba?" Sabi niya ng nakangiti at natigilan ako, sinuri ko yung mga mata niya, tinitiyak na biro lang yun at sa paraan ng pagtingin niya sa akin at ngiti niya, hindi ko talaga alam kung biro nga yun.
Gulping, nagtanong ako, "Anong ibig mong sabihin?"
"Kung bading ako o babae ka, perfect tayo sa isa't isa." "Matulog ka na, Gentry," nagbuntong-hininga ako at lumingon.
"Seryoso ako, Shane," Inabot niya ako at binalik yung mukha ko sa kanya, "Naisip mo na ba yun?" Ilang beses na.
"Hindi, kasi alam kong straight ka at—" hindi pa ako nakakatapos sa pagsabi ng sentence ko, pinutol ako ni Gentry na idinikit yung labi niya sa akin. Sana sinabi ko na nag-panic ako at itinulak siya palayo pero kasinungalingan yun. Kahit paano alam niya na ito yung gusto ko at natatakot akong humingi noon.
Kaming dalawa sa gilid na nakaharap sa isa't isa, hinila ng malambot na labi ni Gentry yung labi ko habang nararamdaman ko yung dila niya na dumidikit sa labi ko, nagmamakaawa na bigyan siya ng daan. Hindi pa ako nahalikan ng ganito, na may labis na pagnanasa at kakaunting pangangailangan ng hangin. Marami ang lahat, pero naging labis din nung naramdaman ko na gumagapang yung kamay niya sa ilalim ng damit ko, hinawakan niya yung baywang ko, mas hinila ako ni Gentry at ang lahat ay parang ang sarap na nagsimulang kumawala yung mahinang ungol sa bibig ko.
Kailangan kong tumigil, hindi siya titigil at ayokong huminto pero hindi tama ito, gaano man katama ang pakiramdam. Sa wakas, natauhan ako, iniabot ko at dahan-dahang tinulak yung mukha niya, binuksan namin yung mata namin at tahimik na hingal si Gentry habang nakatitig sa akin. "Lasing ka," sabi ko, lumayo ako.
"Hindi naman ako gaanong lasing," umungol siya at humiga.
"Sige, halikan mo ako kapag lasing ka na at maniniwala ako na gusto mo talagang gawin yun."
Humiga kaming dalawa, nakadapa sa kisame, tahimik ng ilang sandali at alam ko na pinagsisisihan niya, leche, yun yung pinakamasarap na halik na naranasan ko at pinagsisisihan ko. Bakit hindi siya?
"Puwede ba akong matulog sa balikat mo?" tanong ni Gentry ng mahina, umiiwas pa rin sa mga mata ko.
Iniisiip yung tanong, hindi ako makahanap ng mali sa kahilingan, inabot ko yung braso ko at sumagot, "Sige." Lumapit, inilagay ni Gentry yung ulo niya sa balikat ko, itinago niya yung mukha niya sa leeg ko. Ipinulupot ko yung mga braso ko sa kanya, dahan-dahang hinahagod yung likod niya hanggang sa makatulog kaming dalawa.
Naramdaman ko yung araw mula sa bintana na tumatama sa mukha ko kinabukasan, nagising ako sa tunog ng tahimik na pagkilos sa kwarto ko.
Naaalala kung ano ang nangyari kagabi, bigla kong binuksan yung mata ko at umupo.
Nakita si Gentry sa kabila ng kwarto ko na nakaupo sa isang upuan, nagtatali ng sapatos niya, binati ko siya, "Magandang umaga," nagulat siya.
"Hi," bumalik siya sa pagtali ng sapatos niya, hindi na ako tiningnan, "Gusto mo bang mag-almusal?" Nag-inat ako, kinuskos yung mga mata ko.
"Hindi puwede," tumayo siya, hinawakan yung jacket niya, "Kailangan ko nang umalis," nagmadali siyang lumabas, "Okay—" sinarado yung pinto sa likuran niya bago ko pa man nasabi yung iba.