2
Niluwagan ni Rey ang tali na nakakasakal sa leeg niya pagkakaupo pa lang niya sa kotse. Ang kulay asul na kotse na metaliko ay 'yung espesyal niyang pinadala galing Canada, may mga ribbon pa at may katamtamang laki na manika sa harap ng hood.
'Yung kotse na dapat sinasakyan nila ni Beatrice, 'yung girlfriend niya, biglang naglaho na parang bula noong araw ng kasal nila.
Iniimagine na maging mag-asawa sila ng babaeng nagpuno sa mga araw niya sa nakalipas na dalawang taon, maraming bagay na inayos na si Rey para sa magiging asawa niya.
Hindi gustong magsayang ng oras, gusto niya nang mag-honeymoon agad at magpalipas ng mahaba at payapang gabi kasama si Beatrice. Inisip pa niya ang sunod-sunod na eksena na siya mismo ang maghuhubad sa kanya bago pa man niya yakapin sa langit na kaligayahan.
Pero ano ba 'to? Naiwan siya samantalang sasabihin na niya sana ang pangalan ni Beatrice sa harap ng lahat ng bisita.
Hindi lumingon si Rey. Hindi man lang niya sinusubukang sulyapan 'yung babae na nasa likod na ng kotse bago pa man siya makapasok.
Luana.
Luana Casavia, 'yon ang pagkakasabi ni Rey sa pangalan niya kanina. Hindi alam kung sino talaga ang babae, ayaw talaga ng kaluluwa ni Rey ng kahit sinong babae maliban sa syota niya na naroroon. Kahit ang paghinga na pareho sila ay tila nakakagising ng galit niya ngayon.
Nakatingin sa bintana, hindi nakita ni Rey kung kailan yata yumuko si Luana.
Pinisil ng babae ang mga daliri ng kanyang mga kamay na inilagay niya sa kanyang mga hita, nakatingin sa kulay ginto na limang sentimetro na takong na nakakapit pa rin nang maganda sa kanyang mga paa.
Hindi alam kung ano ang kahaharapin niya sa hinaharap, huminga nang malalim si Luana.
Sa pag-alala sa mensahe ni Madam Collins na dumulas nang maganda sa mga labi ng ginang, pinatigas ni Luana ang kanyang puso. Alam niyang hindi kayang magsinungaling ni Madam Collins.
"Sumama ka kay Mr. Rey Lueic, Luana. Hahanapin ko agad si Beatrice at hihilahin ko ang demonyong 'yon para palitan ka bilang Mrs. Luiec. Hindi mo na kailangang mag-alala. Kumapit ka lang nang kaunti pa, okay?"
Ang pangungusap na 'yon ay kumpleto sa kawalan ng katiyakan, pero kahit papaano ay may sinag ng pag-asa na nandoon si Luana.
Kahit hindi niya alam kung gaano katagal bago mahanap ni Madam Collins si Beatrice, umaasa siyang matatapos na ang kanyang bangungot.
Nagpupumilit pa rin sa kanyang mga iniisip, bahagyang napahinga si Luana nang ang kotse ay nagsimulang umalis sa bulwagan ng kasal. Napansin ang mga nakangiting bisita na nakataas ang kanilang mga kamay, napalunok si Luana.
Walang dahilan para manatili pa sila doon dahil hindi naman siya ang dapat nakaupo sa upuan ng kotse na 'to ngayon. Hindi siya ang ikakasal. Hindi siya ang dapat magsabi ng mga panata sa kasal.
Malabong nakilala ni Luana ang pigura ni Madam Collins sa karamihan nang ang kuwintas ng ginang ay tila naglalabas ng pag-aalala kasama ang kanyang mga kamay na magkakadikit sa harap ng kanyang dibdib.
Itinayo ni Luana ang kanyang ulo, sumulyap muli para tumingin kay Madam Collins, habang ang kotse ay paliko na sa dulo ng kalsada para tuluyang umalis sa bulwagan ng kasal.
Pagkatapos ng retrato ni Madam Collins, ibinagsak ni Luana ang kanyang katawan sa likod ng upuan, hinawakan ang kanyang ulo para pigilan ang mga luha na tumutulo na sa kanyang mga mata.
Hindi talaga niya namalayan na si Rey--na ngayon ay asawa na niya, ay nakatingin sa kanya na walang ekspresyon ang mukha at nag-aalab ang mga mata.
Nang-aasar, iniling ng lalaki ang kanyang ulo nang bahagya, na nagpapahiwatig na hindi niya gusto na ganoon si Luana.
"Umiiyak ka ba?!" Matigas niyang sigaw, kahit na nanatili ang kanyang distansya sa pagitan nila.
Napahinga si Luana.
Dali-dali niyang pinunasan ang mga luha na pumatak dahil sa biglang pagkurap nang balak niyang pigilan ang mga ito nang kaunti pa.
Tumahimik si Luana. Hindi siya naglakas-loob na sumagot.
Lumapit si Rey, itinuturo ang kanyang kanang kamay patungo sa baba ng babae—ang babae na ngayon ay opisyal na Mrs. Lueic, ang legal na asawa ng sikat na si Rey Lueic.
Hinila ni Rey ang baba ni Luana nang marahas, at naramdaman ni Luana ang pagtibok sa kanyang baba mula sa pagkakahawak ng lalaking may kulay-hazel na mata.
"Huwag kang umiyak!" Sigaw ni Rey nang mas malakas sa pagkakataong ito. Ang mga mata ng lalaki ay perpektong bilog, na may apoy na handang sunugin si Luana ngayon.
"Sa akin ka lang pwedeng umiyak, naiintindihan mo ba?!"
Napahinga ang babae, hindi inaasahan na ganito ang pagtrato sa kanya kahit na hindi pa man isang oras ang kasal. Gusto nang umalis ni Luana doon, pero alam na alam niya na wala siyang magagawa ngayon.
Pagkaraan ng isang segundo, inalis na ni Rey ang kanyang kamay mula sa baba ni Luana.
Na para bang nandidiri dahil nahawakan niya siya. Isang babae na hindi niya kilala pero kailangan niyang makasama sa ngayon sa hindi malamang haba ng panahon.
Hindi na tumingin si Rey kay Luana, habang naghahanda na si Luana ngayon.
Luana, mali talaga ang pinili mong daan sa pagkakataong ito.